Pauwi na ako sa probinsya, pinayagan nya ako at pinahiram nadin ng pera para kay ana, salamat sa kanya,, ang galing nga ei isang tawag lang nya hinanda na ang operasyon, iba talaga pagmayaman ang daming koneksyon,..may tinatago din palang malasakit sa kapwa ang manyak na yon.
Pagkatapos ng nangyari kanina medyo nabago ang tingin ko sa kanya, hindi ko talaga akalain na madali lang sa kanya na tulungan ako,..hayyyy....Saka kona iisipin ang pagbalik ko, ang dami nyang kondisyon,
Bawat detalye kanina nang pinag usapan namin tanda ko pa..Pag-alis ni tita kanina hindi ko talaga alam kung pano ko uumpisan buti nalang sya ang unang nagsalita.
"How much do you need?"
Napayuko ako sa hiya pero kaylangan ito ng kapatid ko, "200k po, kaylangan na kaylangan na po kaseng maoperahan ng kapatid ko sir" nanunumbig na naman ang mata ko, pinipilit kong wag umiyak sa harap nya pero traydor ang luha ko at nararamdaman ko, basta sa pamilya ko masyadong mababaw ang luha ko
"s**t, f**k" narinig kong sabi nya, natakot naman ako, kabilis kong pinupunas ang tumulong luha sa mata ko, tumayo ako at humarap sa kanya
"Sir sorry po talaga kanina, pasensya na po kayo, parang awa nyo napo para po sa kapatid ko gagawin ko po ang lahat" naguunahan na naman sa pagtulo ang luha sa mata ko na agad kong pinupunasan ng mga kamay ko
Agad itong may tinawagan ng tanungin ako kung saang hospital nandon ang kapatid ko at sinabi ko agad, kahit naguguluhan nang narinig ko ang sinabi nya sa kausap sa phone saka kulang naintindihan, "Make sure na maging matagumpay ang operasyon, gawin nyo lahat ako na ang bahala sa inyo," may narinig akong tumawa sa kabilang linya hindi nakaloud speaker pero malapit lang kase sya sa akin habang may kausap sya lumapit sya sa akin nasa likod kona sya,nakaharap ako sa lamesa nya
Humarap ako sa kanya diyos ko po, ang lapit lang pala talaga nya,isang dangkal nalang yata at magdidikit na kame.
"Tssssk,'" sagot lang nito sa kausap at binaba na ang tawag
Tumingin ako sa kanya nagtatanong ang mga mata ko, gusto ko paring makasiguro at sa kanya mismo manggaling para sure
"Maooperahan na ang kapatid mo"
Dahil sa tuwa ko nayakap ko sya, ang saya saya ko kahit papaano may chance na gumaling na ang kapatid ko,hindi na proproblemahin nila inay ang pera para sa operasyon ni ana.
Naramdaman ko na yumakap din sya sa akin mas mahigpit pa,ang lakas ng kabog ng puso ko yung pakiramdam na para kang tumakbo ng malayo, natauhan ako, manyak talaga, pasalamat talaga sya at malaking tulong ang ibinigay nya sa akin, saka ako nga pala ang unang yumakap sa kanya, nahiya naman ako sa sarili ko, lumayo agad ako sa kanya kaso ang hudyo hindi tinanggal ang mga braso nya sa bewang ko kaya ito nakayakap parin sya sa akin,at hinila pa ako kaya lalo akong napalapit sa kanya
Diyos ko po lalong lumakas ang kabog ng puso ko,ano bang nangyayari sa puso ko? " Sir pwede po bang umuwi muna ako, gusto mo po kasing makita yung kapatid ko, promise po sir babalik po a-". pinutal nya agad ang sasabihin ko
"Ipapahatid na kita " hinawakan nya ang ilong ko, naku po nakakakilig naman, teka sinabi ba ng utak ko na kinikilig ako?, hindi pwede to, boss ko sya,,, lumayo ako agad sa kanya, na kinagulat nya, "why?" aba nagtaka pa
Bakit nga ba?,ano nga ba ang dapat idahilan pati yata sarili ko walang tamang salita na dapat sabihin "a-ng sir pasenya napo talaga, d-on po sa mga pinagsasabi ko kanina at mga nagawa ko,"kandautal pa talaga ako, " Saka po sa pagakap ko, pasensya napo," napayuko ako don sa hiya
Natawa sya nang mahina, pati tawa maganda, tssssk may pangit ba sa tao na ito? ah meron, manyak nga pala to, muntik ko ng makalimutan
"Sir may nakakatawa?" tumingin ako sa kanya na nagtataka
"Nothing, i just wonder how beautiful you are when you blush" lalo yata akong namula sa pagkaprangka nya
"Ah sir pwede na po ba akong umalis, promise po talaga baba-" pinutol nya ulit ang sasabihin ko
"I know babalik ka," then he smirk,
Pasalamat talaga sya malaki ang naitulong nya sa akin, naku kung hindi
Nagpaalam muna ako kay tita, hindi kuna nakausap sila milet,si tita na daw ang bahalang magpaliwanag sa kanila
Tinotoo nga niya na ipapahatid ako,sabagay pabor sa akin to masmapapabilis ang biyahe ko
"Ah miss nandito napo tayo" tumingin ako sa bintana, nandito na nga pala kame sa hospital kung saan ooperahan ang kapatid ko
"Thank you po" pagkatapos kong magpasalamat bumaba na ako, maliit lang na bagpack ang dala ko, may mga damit pa naman ako kila inay kaya konti lang ang kinuha kong damit sa condo ni tita
Buti pinayagan ako na hindi pumasok, sinabi kona kung pwede hintayin kong magising ang kapitd ko saka ako babalik, nilubos ko na ang kakapalan ng mukha ko, buti nasa mabuting pag iisip ang boss namin at lahat nang sabihin ko,ok lang sa kanya..
Pagpunta ko sa operating room, nandon si inay at itay naghihintay nangnakita ako ni inay sinalubong nya ako agad ng yakap
"Anak salamat" sabi nya agad sa akin, niyakap ko sya ng mahigpit lumapit din si itay sa amin at hinahagod ang likod ni inay
"Sabi ko naman sa inyo na gagawin ko lahat para sa kanya,"
Biglang bumitiw si inay sa akin at tinitigan ako sa mata na puno ng pagtatanong at pagdududa
"Inay alam ko yung tingin na yan"
"Anak wag mong sabihin na binenta muna ang sari-"
"Inay" napataas ang boses ko," hindi ko po gagawin yun noh" napanguso pa ako
Binatukan lang naman ako ni inay " ikaw na bata ka hinihiyawan mo ba ako?" alam ko naman na hindi sya galit, niyakap ko nalang ulit sya
Ilang oras ang lumipas ng may lumabas na doktor sa operating room,nilapitan agad namen sya
"Good news, palaban ang anak nyo, successful po ang operasyon," nakangiting sabi ng doktor na nagopera kay ana
"Salamat po" si inay na hindi napigilan na umiyak na naman
" Sige po, ililipat na po sya sa room nya, " paalis na sana sya ng may naalala yata " oo nga po pala, wag nyo napo alalahanin ang gastos," nagkatinginan si inay at itay ' wala po kayong babayaran kahit na singko, sa lahat po, sige ho," umalis na sya
Hindi pa sana kikilos ang mag-asawa sa gulat at syempre sa tuwa dahil wala silang babayaran,ako din nagulat akala ko talaga operasyon lang pati pala sa lahat hanggang sa gamot at room?, saka ko na iisipin ang lahat ng yon.. inilabas na ang kapatid ko sa operating room, masaya kaming nagyakapan nila inay
Lumipas ang mga araw.. sa awa ng diyos maayos na ang kapatid ko..
2weeks na nang mapagpasyahan kong bumalik na sa trabaho, nagapapagaling nalang si ana, ok na sya as in ok na, mapapanatag na ang loob ko nandito pa sya sa hospital hindi pa muna sya pinauwi para daw mas mamonitor nila ito, pero sabi ng doktor ok naman na daw talaga sya, sabi pa nya masyado lang daw oa ang kaibigan nya, nagtaka naman ako don , hindi ko nalang pinansin
Masaya ako nang nagmulat sya ng mata , medyo mahina pa sya nun,at dumaan ang mga araw na unti unti syang lumalakas, hindi na ako makapaghintay na lumakas na sya ng tuluyan
"Inay balik na po ako bukas sa trabaho"
Tinignan ako ni inay " ikaw bata ka huh siguraduhin mo lang na wala kang kalokohan na ginawa, naku pagnalaman ko lang kakalbuhin kita" ang sungit talaga ni inay, buti pa si itay tahimik lang, nakausap ko na kase si itay tinanong din nya ako, sinabi ko na pagtratrabahuhan ko sa hotel ang ginastos dito,
Gusto nga nila ibenta parin yung taniman,at nang makaawas daw sa utang namen kay boss, syempre hindi ako pumayag,kahit ba abutin ako nang ilang taon don mabayaran lang ang boss ko, okey lang sa akin, wag lang mawala ang isang pinagkukuhanan namen nang ikabubuhay, saka malaking bagay yung taniman na iyon
"Si inay talaga,"
"Bibig mo ang lakas ng boses mo, magising ang kapatid mo" huh? napaturo nalang ako sa sarili ko, napatingin ako kay itay at naiiling nalang sya sa amin ni inay, kabisado nya kame pagnagusap mag-ina parang nag-aaway pero hindi, lambingan lang namen yung ganun
Nakakahiya naman sa boss ko kung hindi pa ako babalik sa trabaho, kaya nagdesisyon na ako na bumalik na