Chapter 5

1475 Words
Pagkatapos nyang sabihin na pagsisihan ko ang mga ginawa ko, pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko, hindi kona napigilan na sagutin sya, ok sana kung hihingi din sya ng tawad sa akin dahil alam ko naman na may kasalanan din ako kaya okey din sa akin na humingi sa kanya ng sorry pero hindi ako lang dapat ang magsosorry Sa gigil ko hindi na ako nakapagisip ng tama, sinabi ko sa kanya na magreresign na lang ako kesa makita ko muka nya dito, sinabayan kopa agad ng talikod at lumabas na ako sa office nya, narinig kopa na tinawag nya ang pangalan ko,pero nung time na yon disidido na ako sa nasabi ko Pumunta agad ako dito sa locker at nagpalit ng damit "HAYST........ ano ba tong nagawa ko padalos dalos ako ng desisyon" nasabunutan ko tuloy ang sariling buhok ko sa asar sa sarili ko, napasandal ako sa pinto nang locker ko,hindi ako makalabas, ano sasabihin ko kay tita kila inay at itay, kaylangan pa naman namen ng pera para sa kapatid ko, ano ba tong nagawa ko? Sana hindi ko nalang pinatulan, siguro naman hindi ko sya laging makikita dito. Biglang nagring ang phone ko, si inay, bigla akong kinabahan dahil alam nilang nasa work pa ako ng ganitong oras,kaya hindi sila tatawag nang basta basta kung hindi emergency Sinagot ko agad " inay" lalo akong kinabahan ng humagulgol ng iyak si inay ng marinig ang boses ko. "Anak ang kapatid mo sinumpong kanina, nandito kame sa ospital," napaiyak ako sa narinig ko,diyos ko po iligtas nyo ang kapatid ko, " aimee anak, kaylangan nyang maoperahan agad, pag hindi pa daw ngayon baka hindi na nya makaya ang susunod na atake nya, anong gagawin natin anak?" "Inay kalma lang po" pero kahit ako hindi ko kayang kumalma "Anak balak namen ibenta ang bahay at lupa pero kaylangan nang pang down dito wala kaming 250,000 na hawak anak, hindi kona alam ang gagawin ko, ang itay mo pinuntahan na ang lahat na pwedeng utangan," iyak lang nang iyak si inay pati ako hindi makapagsalita nakikinig lang ako, habang walang humpay ang tulo ng luha sa akin Bakit ganito, bakit ngayon pa? diyos ko po para awa nyo na po,, makaya po sana namen ang pagsubok na ito, parang naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit, mahal na mahal ko ang kapatid ko gagawin ko ang lahat para lang sa kanya, pagkatapos ng tawag ni inay hinanap ko agad si tita, wala na akong pakialam kung ano ang hitsura ko,alam kong mugto ang mukha ko sa kaiiyak at hindi pa ako nakapagsuklay basta pinusod ko nalang ang buhok ko "Tita" tawag ko agad nang makita ko si tita, "tita" niyakap ko agad sya, hindi naman agad nagtanong si tita nabigla siguro sa inasta ko, inakap din nya ako, at hinahagod nya ang likod ko para pakalmahin ako sa pagiyak, "tita hik hik si hik si hik ana" pagbanggit ko palang sa pangalan nang kapatid ko sumakit lalo ang puso ko parang tinutusok sa sakit Ano bang nanyari? halika don tayo sa office" inakay na ako ni tita, buti nalang walang masyadong tao Pinaupo nya agad ako at binigyan ako ng tubig,hinawakan ko lang ito,"inumin mo muna yan nang marelax ka nang konti," ininom ko naman ito ng kaunti "Ano ba ang nangyari?" "Tita si ana, nasa hospital sya" pinilit ko hindi maiyak para masabi ko sa kanya ang nangyari, baka matulungan ako ni tita Hinahod ulit ni tita ang likod ko "Ano daw ba kase ang nangyari? "Sinumpong po sya tita sabi ni inay, ,, at ,, at kaylangan namin nang malaking halaga para maoperahan na sya,, sabi nang doktor kila inay kaylangan na daw maoperahan si ana pag hindi pa daw ngayon baka hindi na daw makaya ng puso ni nya at bumigay na ito" hinihingal pa ako ng natapos sa pagsasalita Tumayo si tita at paritparito sa harap ko," meron akong natabing pera pero maliit lang baka nasa 50k lang yun" "Nakakahiya po tita pero hindi ko po tatanggihan yan ngayon,para po kay ana," "Kumusta sila kuya?" Humupa na ang pagiyak ko,kaylangan kong patatagin ang loob ko, hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag iyak lang ang inuna ko "Sabi nila inay ibebenta daw po nila ang bahay at lupa," "huh? sayang naman yun, kung meron lang talaga ako,"nanghibhinayang na sabi ni tita " pundar pa nila yun nung magbf gf palang sila, buhay naman ni ana ang kapalit, sana matapos na ang pagsubok na ito sa inyo" Nagring ang phone ko, si inay dali dali kong sinagot "inay?" Panay lang hikbi ang naririnig ko kay inay, " nay" ulit ko ulit "Aimee fifty fifty na ang lagay ni ana" humagulgol ulit si inay, para akong nawalan ng lakas, nanglalambot ang pakiramdam ko buti nalang nakaupo ako "Panong nangyari?" wala sa sarili kong tanong "kaylangan na talaga nang maoperahan ngayon din, pero san tayo kukuha nang pangdown, yung nakausap nang itay mo na bibili ng lupa at bahay natin bukas padaw makakapaglabas ng pera" pinipigilan kong umiyak pero kusang tumulo ang luha ko, naririnig ni tita ang lahat nang usapan namen ni inay "Inay wag po tayong mawalan ng pagasa, gagawa po ako ng paraan" pero anong paraan, hindi ko alam basta yun lang ang lumabas na salita sa akin "Anak pasensya kana, gagawa kame nang ama mo ng paraan, basta mag iingat ka dyan,..sana nandito ka" yun.. hindi kona napigilan ang pag-iyak, sana nga nadon ako,. Nagpaalam na si nay, buti nalang nandito si tita may karamay ako "Aimee, kung gusto mo lumapit tayo kay sir cavin" napatingin ako kay tita, lulunukin ko ang pride ko para sa buhay ni ana,tama,,, pride lang yun kumpara sa buhay na maisasalba "Tita tingin mo pahihiramin ako nun?" "Oo naman, marami narin natulungan si sir dito" sana nga, sa ginawa ko sa kanya kanina, sana nga,,,, "Ano? samahan na kita?, teka nga pala, bat hindi ka nakauniform? napansin ni tita ang suot ko "Saka kona po ikwekwento tita, kaylangan ko po makausap si sir cavin" kaylangan ko tong gawin para kay ana, kahit pa ang pagluhod sa kanya "Tara na" Habang papalapit kame sa office ni sir cavin hindi ko maiwasan ang kabahan ng sobra, kanina lang nandito ako nakipagbangayan sa kanya, tapos ito ako ngayon at hihingi ng pabor, tatanggapin ko lahat ng sabihin nito para sa kapatid ko, kumatok na si tita hindi ko napansin na nandito na pala kame "Come in" bigla akong kinabahan sa boses nya, kumabog na naman ang puso ko Hindi ako pwedeng umatras, pumasok na si tita nakasunod lang ako sa kanya,nasa likod nya ako "Miss sebas, may kaylangan kaba" "Sir meron po kameng kaylangan ng pamangkin ko," akala ko ako ang tinatanong nya parehas nga pala kame ni tita na sebas Unti unti akong umalis sa likod ni tita, nakayuko ako ng humarap sa kanya "f**k" napasinghap ako sa narinig, mukang galit pa sya, halos bulong lang ang pagkakasabi nya pero narinig ko parin "Sir?" mukang narinig din ni tita "Anong kaylangan nyo?" hindi na nito pinansin ang tanong ni tita, nakayuko parin ako hindi ako makatingin sa kanya, nagulat nalang ako ng sikuhin ako ni tita Napatingin naman ako kay tita " sabihin muna" bulong nito Bigla akong nahiya, nakatingin parin ako kay tita, gusto kong sabihin sa kanya na sya na ang magsabi, buti nalang nakuha ni tita agad ang ibig sabihin ng mga tingin ko "Ah sir," tumingin ako kay sir cavin at nagyuko ulit dahil nakatingin parin pala sya sa akin, kahit na si tita ang nagsasalita, "sir" ulit ni tita tumingin ulit ako, don palang bumaling ang tingin nya kay tita "Sir pwede po ba kameng manghiram, kahit po ikaltas nyo nalang sa sahod po namen" bigla akong kinabahan dahil tumingin ulit sya sa akin ""Namen?" ulit nito saka ngumiti, sarap sapakin, pasalamat ka may kaylangan ako sa isip isip ko "Yes sir cavin" si tita ulit Ngumiti ulit ito ng nakakaloko sa akin, " san nyo naman gagamitin" buti nalang hindi nito nababanggit ang ginawa ko kanina "Ah sir sa kapatid po sana ni aimee, pero kami po an----" "Ibig sabihin sya ang may kaylangan dito?" pinutol nito ang sasabihin pa ni tita, saka ito tumingin kay tita "Yes sir, pero sir kung pwede naman po pati nako kaltasan nyo na din po para hindi napo masyadong mahirapan si aimee, saka pamangkin ko naman po sila," tatango tango lang ang hudyo sana naman makinig sya "Miss sebas, tutal naman sya ang may kaylangan pwede muna kameng iwan para pagusapan namen ang tungkol dito," bigla akong kinabahan "Sir sana po pumayag kayo" "You know me miss sebas" Ngumiti si tita.. " salamat po kung ganun" bumulong muna si tita sa akin bago lumabas " mauuna na ako, pagtutulungan natin yan" tinapik pa ni tita ang balikat ko bago siya tumalikod sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD