#### Chapter 4: Heartbeat
Sampung araw na ako dito, buti nalang napagtiyagaan ako nila milet, kahit pano naman mabilis na akong nakakatapos sa nakatokang lilinis ko,gamay kona rin yung ibang kagawain, hindi narin ako masyadong nahohomesick halos araw araw ko kase silang p
"Aimee" si milet, feeling close na close kame at matagal ng magkakilala, masarap syang kasama walang masamang tinapay sa kanya, lahat kasundo nya dito machika kase, in short madaldal, sabi nga nya madaldal lang pero hindi chismosa
Nilapitan ko agad sya baka tawagin na naman nya ako, ang lakas pa naman ng boses, "oh bakit?" pumirma narin ako sa attendance namen, para kaseng bulate na inasinan ang hitsura nya.
"'Hulaan mo"
"Loko ka ginawa mo pa akong manghuhula," naglakad na ako mapunta sa locker namen
"Ito naman oh ang kj" habang naglalagay kame ng gamit sa locker kinukulit nya talaga ako na hulaan ko
"Kulit mo din no, sabihin muna kase"
"Ano yan? ikaw milet kinukulit muna naman yang babylove ko?"
"Hay naku cris wag kame, makababylove wagas, eh muka ka ngang babae dyan kung umindak" hay ayan nanaman po sila, pero ganyan lang sila maya mya nyan matatawanan naman, ito kaseng si cris hindi aminin sa lahat na sya ay isang darna,,,, kame lang nakakaalam ng sikreto nya, hindi pa daw nya kayang sabihin sa pamilya nya
Kaya kahit tawagin nya ako ng ganun ok lang hiningi naman nya yung permiso ko wala naman akong nakikitang mali don, sabi nga nya kung magiging babae sya ako ang gusto nyang maging kamukha,pano namen nalaman na bading sya? simple lang naman yung dalawa kase madalas kameng tinutukso kaya si cris umain dahil nasusuka daw sya at hindi kame talo, akalain mo matagal na daw silang magkakilala pero ngayon lang nila nalaman, sa totoo lang pogi si cris maganda pa nga ang pangangatawan, hindi mo talga aakalain na bading sya
Dahil sa bangayan ng dalawa nakalimutan na ni milet yung pinahuhula nya sa akin
Papunta na kame sa elevator para makpunta sa floor na nakaasign sa amin, si cris at mike ang may tulak ng lagayan namin ng gagamit sa paglilinis, naabutan namin na nakabukas pa elevator dali dali akong pumasok, pagharap ko sa pinto ang mga kasama ko ay parang mga naistatwa sa pagkakatayo, hinawakan ko ang kamay ni milet para hilahin papasok, pero ang gaga hinihila ako palabas, " Bruha ka bat ba hinihila mo ako palabas, tara na at ng makatapos tayo agad," pati si cris at mike ay parang nanigas sa kintatayuan nila, at silang tatlo ay nakatingin sa gawing likod ko
Anong meron sa likod ko, dahan dahan akong lumingon
Gosh tao paba to? bat ang gwapo, at ang macho, nakat-shirt kase ito na white at nakapants, bagay na bagay sa kanya, para itong greek god susme nagsabog ng kagwapuhan sa mundo dilat na dilat siguro ang mata nito
Nainip na siguro ito, sya na ang pumindot ng kung anong floor ang pupuntahan nya, at ng dahil don nalapit sya sa akin, sa harap ko lang naman sya pumunta,at dumikit ang katawan nya sa kamay ko na nakahawak pa sa kamay ni milet, para akong napaso,at may kung ano akong naramdaman sa katawan ko na gumapang, ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko, nabitiwan ko tuloy ang kamay ni milet
Pagkatapos nya hindi sya umalis, humarap sya sa akin nakatagilid ako sa pinto ng elevator, nilingon ko sila milet na nanglalaki ang mga mata, ano bang nangyayari?
Sumasara na ang elevator ng parang natauhan ang tatlo tinawag nila ako pero huli na dahi hindi na ako makakalabas pa dahil tuluyan ng sumara ito kasabay ng pagsara nito ang paglapit pa ng lalaki sa akin, napaatras ako pero lalo lang syang lumapit, wala na akong aatrasan bigla nalang nya kinabig ang batok ko at hinalikan ako, hindi ko alam ang gagawin ko,dampi dampi lang naman sa una ang paghalik nya pero ng tumatagal sinisipsip na nya ang ibabang labi ko, bakit hindi ko magawang itulak sya,at para akong nanlalambot, ang sarap kase ng labi nya at ang bango ng hininga
Teka bat nya ginagawa sa akin to, tsaka pamilyar ang pabango nya ang hininga nya,at paano sya humalik, wait lang isa palang naman ang nahalikan ko at pangalawa palang sya
Wag mong sabihin na.... natauhan ako don kahit gwapo sya wala na akong paki itinulak ko sya, dahil sa gulat siguro nabitiwan nya ang labi ko pero ang kamay nya nasa batok ko parin at isang nakahawak na sa bewang ko? bat hindi ko namalayan yun, halata bang nasarapan ako,, hindi hindi hindi, tanggi ko sa aking iniisip hindi dapat ganito, pangalawang beses nangyayari sa akin ito, ano bang nangyayari sa akin?
Tinanggal ko ang kamay nyang nasa batok ko," hoy lalaki bat kaba ng hahalik ha?" kaseryoso naman nato nakakatakot ang awra pero gwapo parin
At gago dalawang kamay na ang nakapalupot sa bewang ko at hinapit pa ako lalo, halos magtikit na ang mukha namen medyo naka yuko sya sa akin hindi naman kase ako kasing taas nya, 5'9 yata sya
Abat ngumisi pa," i miss you" what? kilala ba nya ako? hinalikan na naman nya ako
Namimihasa na yata to ah...tinulak ko ulit sya at pilit kong tinatanggal ang mga braso nya sa bewang ko,pero lalo nya lang hinihigpitan ang pagyakap sa akin " Ano ba Mr.? bitiwan mo nga ako.
Kahit gwapo ka at nanghihina ako sa pagkakadikit natin hindi pwede yung ganitong ginagawa nya sa akin
"No..." pamilyar sa akin ang boses nya, wag ko nga munang isipin yun lalo akong naguguluhan sa nangyayari
Inakap lang naman nya ako,maryosep ano ba nag gagawin ko ayaw umiwas ng katawan ko " i miss you so much, i miss your smell and " humarap ulit sya sa akin, "this" hinalikan nya ulit ako, sinakop nya ulit ang labi ko ng labi nya hindi ako tumutugon kase hindi ko alam kung pano, hanggang sa ginagaya ko nalang sya, napahawak ako sa mga braso nya, ang sarap sa pakiramdam, lumilikot na ang kamay nya, ng bumukas ang elevator don ako natauhan baka may makakita sa amin tinulak ko ulit sya bumitaw naman sya
Mula nang napunta ako dito bat ganito, ang landi landi kona
"f**k" bat nagmumura to
Nauna na akong lumabas sa kanya,25 floor din pala ang punta nito, ibig sabihin bigatin ito hihintayin ko nalang yung tatlo alam kong nasa likod ko sya nahihiya ako sa nangyari kanina, ang rupok ko baka kung ano isipan nya sa akin, at sigurado akong pulang pula ako ngayon,huminto ako at gumilid lumayo lang ako ng bahagya sa elevator, sana lagpasan nalang nya ako, akala ko didiretso na sya mainam sana kung ganun kaso huminto ito nang nasa tapat ko na
Humarap sya sa akin " your blushing, tinago mo pa" at talagang hambog
Tumalikod lang ako sa kanya, hindi ko dapat ito patulan, baka masisante pa ako, huminga ako nang malalim para kahit papaano kumalma ang pakiramdam ko, naaasar ako sa sarili ko at hindi sa kanya, dahil mas may kasalanan ako dahil pumayag ako ng halikan nalang nya ng basta basta, hindi lang isang beses
"Hey"
"Pwede ba tigilan mo ko"
"I can't" humarap ulit ako sa kanya
"Anong i can't ka dyan?"
"Tssk..." ngumiti sya ng nakakaloko, lalo syang gumwapo, ano ba yan tapat magalit ako dahil kinuha nya ang pagkainosente ko sa mga halik halik na yan,pero bat nga ba naman ako magagalit ei tinugon ko naman, sampalin ko kaya ang sarili ko ng matauhan ako sa mga pinaggagawa ko
"Wag mo akong mangiti ngitian dyan," nawala naman bigla ang ngiti nya, ayyy dapat pala hindi kona sinabi yun, pero gwapo parin sya nakangiti at hindi
"Hindi pa kita sinisingil sa utang mo sa akin"
Ano daw? "teka nga ako ba kausap mo?" tinuro ko pa ang sarili ko
"Tayo lang dalawa dito, may nakikita kaba na hindi ko nakikita?" matatawa sana ako kung ibang tao ang nagbigay ng linya nayon, kaso sa pagkakasabi palang nya seryosong seryoso ang boses
"Pilosopo, wala akong matandaan na may utang ako sayo, at ngayon palang tayo nagkita noh" at ang gago lumapit sa akin at bumulong
"Remember sa office yung binato mo?" nanglaki ang mata ko nang maalala yun, sya din pala yun, at gago ako pa ngayon ang may utang sa kanya, dahil sa asar ko hindi ko napigilan na sampalin sya at yun ang naabutan ng mga kasamahan ko
Nilamitan agad ako ni milet " friend bat ginawa mo yun?" tumigin naman ako sa kanya, at sya pa ang humingi ng pasenya sa hudyo
"Sir pasensya na po kayo"
"Wait lang milet bat kaba humihinga ng pasensya sa kupal na yan sya nga dapat ang humingi ng pasensya sa akin"
"Aimee, tumigil kana please pagusapan nalang natin mamaya pag ok kana"
"Ano? hoy ikaw na lalaki ka kupal manyak kapa" teka hindi ganyan ang awra na kanina kung seryoso sya kanina ngayon mas nakakatakot ang pagkaseryoso nya
"Go to my office now" mahina lang pero may diin na sabi nya nakakatakot ang boses nya, wait office? saka tumalikod na nya na wala manlang sabi
Napatingin ulit ako sa tatlo" patay" yun ang sabi ni mike
"Aimee boss nati yun" nanglambot tuloy ang tuhod ko kaya napaupo ako, saka lang pumasok sa utak ang lahat ng sinabi nito nung unang kita namen at ngayon na pinapupunta ako nito sa office nya
Diyos ko po ano ba tong ginawa ko, pero may kasalanan din naman sya kung bakit ko yun nagawa sa kanya
Pupunta ako sa office nya, diba sa baba ang office nya bat sya nandito?
Para naman nabasa ni milet ang iniisip ko " may meeting lang yun dyan, nako friend pano nayan?hindi na kita muna tatanungin sigurado naman na may dahilan kung bakit mo yun nagawa, naku,,, mamaya na nga tayo magchikahan, work muna, at ikaw pumunta kana don sa office nya" kita ko naman kay milet ang pagaalala
"Sige at kame na bahala dito at baka lalong magalit yun" ngumiti ako ng pilit kay mike tinayo na ako ni cris
"Salamat sa inyo"
Pano na ako nyan, ang laki pa naman ng sahod ko sana dito malaking tulong yun sana kila inay, kaso mukang masisisante pako, anong gagawin ko? nakakahiya kay tita lorna, pagtapat ko sa office nya pumasok na ako sigurado namang walang tao,dahil nasa taas sya, pero nagulat ako ng may babae na naglilinis ng mesa nya, parehas kameng nagulat
"Ikaw ba si Ms. Aimee Sebas?" muka naman syang mabait
"Oo ako nga, Aimee nalang" ngumiti ako sa kanya
"Hintayin mo nalang si sir papunta na daw sya dito, hmmm upo ka, gusto mong coffee?" ngumiti sya akin.
"Naku wagna baka lalo lang akong kabahan" mukang gusto nyang magtanong
Biglang bumukas ang pinto " Miss cynthia iwan mo muna kame tatawagin nalang kita pagkailangan kita
"Ok po sir" parang gusto ko syang pigilan, bigla akong natakot na kami lang dalawa dito
"So Ms. Sebas, alam muna siguro na ako ang boss?" sarap irapan,tinanong pa malamang alam kona
"Yes sir" napayuko ako baka
"May gusto kabang sabihin?"
"huh?" naguguluhan ako " di po ba kayo nagpapunta dito sa akin" ano naman sasabihin ko sanya?, nahihibang ba sya?
"Tsssss...." aba talaga naman gumanun pa, pitikin ko kaya ilong nito " you forget to apologize"
Ano daw? tuluyan na akong napatingin sa kanya " teka sir, bat ako? diba dapat ikaw?" lumalabas tuloy ang pagiging hitler ko nito, kahit gano kapa kagwapo hindi kita uurungan, alam kong hindi lang ako ang may mali dito
"Say sorry that's all i need to hear "
Pero kahit gaano ako kaasar sa kanya, hindi ko maintindinan ang puso ko, bakit ganito nalang kalakas ang heartbeat ko pag nandyan siya?