Kabanata 72 A T H E N A Habang walang mahanap na trabaho ay sumasama na lamang si Ares sa pangingisda. Maliit lang ang kinikita niya ruon pero ayos na iyon kaysa naman wala. Araw-araw pa rin naman siya naghahanap ng trabaho. Kung dala niya lang sana iyong mga papeles niya sa school ay paniguradong matagal na siyang natanggap. Maganda kaya ang credentials niya. Ang gaganda pa ng mga grades niya kaya for sure makukuha agad siya lalo na at may background pa siya sa pagpapatakbo ng negosiyo dahil nagtrabaho nga siya sa kompanya ng pamilya. Pero dahil wala siyang maipakitang katibayan na nakapagtapos nga siya ay nahihirapan tuloy siyang matanggap sa mga ina-apply-an niya. Pero ayos lang naman sa akin kahit wala pa siyang nahahanap na trabaho. Sapat naman sa aming dalawa ang kinikita niya sa

