CHAPTER 1

1742 Words
June’s POV “AALIS KA na ba, bunsoy?” tanong ni Kuya Gust short for August Maxwell Velasquez, ang pangalawa sa ming apat. Kakababa lang din ni Kuya Gust sa barko kaya’t sinusulit na lang din namin ang isang buwan n’yang bakasiyon dito sa Hesmundo. “Opo, Kuya, bakit? May ipapabili ka ba sa pag-uwi ko?” ani ko naman habang abala akong nagsisintas sa may pintuan. “Wala naman kung meron man ay sa dalawang baluga na lang ako mag-uutos. Hindi naman mapermi ang dalawang ‘yon sa bahay. At pwede ba, bunso, ayos-ayosin mo naman ‘yang suot mo. Parang hindi ka babae kung kumilos,” natatawa n’yang sambit habang nakasandal sa pintuan namin at inoobserbahan ang bawat galaw ko. “Alam mo, Kuya Gust, bakit hindi ka na lang nauwi sa bahay n’yo?” pamumuna ko sa kan’ya. “Ayaw mo na ba sa kin at para bang sa tono mo ay pinapaalis mo na ako rito?” sagot n’yang may halo pang pangongonsensiya sa tono. “Hindi naman sa ganoon, Kuya, ang mga galaw ko na naman kasi ang pinagkakaabalahan mo. Hindi ka na lang bumisita sa mga pamangkin ko at bumawi sa kanila. Hindi ‘yong ako na naman ang napupuna mo,” ani ko na lang bago diretsong tumayo. Nakahawak pa ako sa pintuan para hindi matumba sa biglaan kong pagtayo. “Alam mo namang mag-aapoy na naman ang Ate Alpha mo kapag nakita akong lumalapit sa mga anak naming,” pangangatwiran n’ya. “Ayon nga ang point, Kuya! Sa bakasiyon mo ngayon dapat sinusubukan mo ring amuhin si Ate Alpha. Alam mo bang sa ilang taon na paghihiwalay ninyo ay walang manliligaw ang pumapasa sa kan’ya? Baka naman hinihintay ka lang n’yang suyuin siya ulit!” pagbibida ko pa. “Bakit hindi na lang ikaw ang manligaw sa Ate Alpha mo? Tutal mas asal lalaki ka pa sa ming tatlo, ha, bunso?” pang-aasar n’ya pa sa kin at ambang kukutungan ako noong mabilis akong lumayo sa kan’ya. “Si Kuya Gust talaga, mapagbiro! Ayaw mo ba noon makokompleto kayo ulit?” balik ko na naman sa usapan. “Ayos na akong malapit ang loob sa kin ng dalawa mong pamangkin, bunso. Hanggang sa hindi magawang ipaglaban ako ng Ate Alpha mo sa mga magulang n’ya ay walang mangyayari sa min. Mahal ko rin naman siya, kahit kailan ay hindi ‘yon nawala pero kung mas matimbang sa kan’ya ang mga magulang n’ya. Hindi na ako lalaban,” aniya na biglang naging seryoso. “Ang corny mo talaga, Gust! Tangina! Ang sagwa!” biro ni Kuya Marc short for Alexander March Velasquez, ang pangatlo sa aming apat, na kakarating lang mula sa kusina at kagat-kagat pa ang sandwich na gawa ko. “Kuya Marc! Ginawa ko ‘yan para kay Papa hindi para sa ‘yo!” puna ko sa kan’ya at ambang hihilahin mula sa bibig n’ya ang tinapay ng mabilis pa sa alas kuwatrong linunuk n’ya ‘yon ng buo. “Dugyot ka talaga kahit kalian, Kuya!” bulalas ko pa. “Ang tanda na ni Papa, bunso, kayang-kaya na n’ong magpalaman ng sarili n’yang tinapay at saka mamaya pa ‘yon kakain. Ayon at nasa likod bahay pa busy kakahimas sa mga alaga n’yang manok,” aniya sabay akbay kay Kuya Gust na naka-crossed arms lang na abalang pinagtatawanan kaming dalawa. “Tsk! Bilisan mo na d’ayn, Marc, sunduin mo na ‘yong babae mo at sumunod ka na sa kin sa palengke pagkatapos. Huwag kang tumulad sa isa d’yang nagpapakasasa lang sa barko. Wala tuloy alam sa negosiyo ng pamilya.” Biglang sulpot ni Kuya Ari short for Amari May Velasquez, ang panganay at ang nagsilbing nanay sa ming lahat simula noong iwanan kami ni Mama para sa ibang lalaki. Binangga n’ya pa si Kuya Gust noong dumaan siya sa gitna nilang dalawa ni Kuya Marc. “Ari, huwag mo akong simulan. Ang aga-aga,” igting na pangang sambit ni Kuya Gust matapos na makalampas si Kuya Ari sa kan’ya. Katapat ko na ngayon si Kuya Ari. Mabilis naman sa alas kuwatro si Kuya Marc na pumagitna sa dalalwa. “Huwag ka ring haharang-harang sa daraanan ko, Gust, kung ayaw mong masira ang umaga nating pareho,” igting na balik ni Kuya Ari. “Kuya Ari! Kuya Gust! Nagsisimula na naman kayo. Hindi na kayo nakakatuwa,” paalala ko sa kanilang dalawa. “Ki-aga aga ang init ng ulo n’yong dalawa. Hindi kayo tumulad sa aking chill lang,” ani naman ni Kuya Marc. “Tsk! Nanahimik ako rito magsisimula ‘yang Kuya n’yo,” ani ni Kuya Gust atsaka pumasok sa loob ng bahay. “Eh, sa nababangas ako sa pagmumukha mo. Uuwi-uwi ka pa kasi rito, may bahay ka namang naipundar sa subdivision ‘di ba? Palibhasa manang-mana ka sa nanay mong babaero.” “Ah! Kuya Ari! Halikana nga, sabayan mo na akong maglakad. ‘Di ba papunta ka sa palengke?” pagpapagitna ko na lang atsaka mabilis na hinila si Kuya Ari palabas habang si Kuya Marc naman mabilis na tinakbo si Kuya Gust para pigilang sumugod. “Tangina mo! Ulol! Inggit ka na naman. Palibhasa wala kang maibubuga!” dinig kong hiyaw ni Kuya Gust mula sa loob. Babalik pa sana si Kuya Ari noong hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay n’ya. Tumawa ako ng hilaw. “Kuya, halikana? Mala-late na ako,” ani ko na lang. Tinignan n’ya ako ng matagal bago siya bumuntong hininga at tahimik na tumango bago ako inakbayan at sabay kaming naglakad palabas ng gate. “Kuya Gust! Kuya Marc! Mauuna na kami, paki sabi na lang kay Papa sumabay na ako kay Kuya Ari!” nasigaw kong pagpapaalam. Hawak-hawak ni Kuya Ari sa kanan n’yang kamay ang bayong na naglalaman ng mga gagamitin n’yang kutsilyo para sa isdaang puwesto namin sa Palengke. Nakalayo-layo na kami ng ilang metro mula sa bahay noong magsalita ako. “Kuya Ari, pwede bang tigilan n’yo na ang ganoong eksena lagi? Minsan lang naman natin nakakasama sa bahay si Kuya Gust,” panimula ko. Umiling siya at nag-isip ng malalim. Simula noong iwanan kami ni Mama kay Papa nagbago na ang lahat. Kailangang tumigil ni Kuya Ari sa pag-aaral para samahan si Papa sa palengke araw-araw, siya na rin ang umako sa lahat ng responsibilidad ni Mama sa ming magkakapatid. Alam ko na isa rin ‘yon sa rason kung bakit mas gusto kong magdamit ng maluluwag at mga panlalaki dahil walang babaeng image habang lumalaki ako. Parang aso’t puso si Kuya Ari at Kuya Gust lalo na at si Kuya Gust ang pinag-aral ni Papa sa kolehiyo dagdagan pa ng mas paboritong anak ni Papa at Mama si Kuya Gust. Noong nasa Hesmundo pa ang nanay namin laging si Kuya Gust o ako ang pinupuslit ni Mama sa eskwelahan para bilhan ng kung ano-ano. Hindi ko rin naman masisi si Kuya Ari kung ganoon na lang din ang galit n’ya kay Kuya Gust dahil sa selos kasi kahit nakadisgrasiya si Kuya Gust ay parang wala lang ‘yon kay Papa, suportado n’ya pa rin si Kuya Gust. Nagdagdagan pa ‘yon noong nakasampa na si Kuya Gust sa barko at nabigay sa kin ni Kuya ang kagustuhan kong makapag-aral sa malaking unibersidad sa bayan na tinutulan ni Kuya Ari noong una dahil hindi n’ya kayang pagsabaying pag-aralin kami ni Kuya Marc lalo na at nagkasakit na rin si Papa, siya na lang tuloy ang naiwang nagtataguyod ng puwesto namin sa Palengke habang si Papa nasa bahay na lang at nag-aalaga ng manok pansabong at ‘yong mga nangingitlog. Ang naging ending si Kuya Ari ang nagpaaral kay Kuya Marc si Kuya Gust ang nagpaaral sa kin. “Pasensiya kana, bunso, kung nakikita mo kaming ganoon,” mahina n’yang ani. Ngumiti ako sa kan’ya bago ko tinanggal ang kamay n’yang nakaakbay sa kin. Sa halip, ako ang pumulupot doon at tinapik-tapik iyon. “Kuya, maniwala ka man at sa hindi. Pare-pareho lang tayong mahal ng Papa. Pantay-pantay lang din ang pagmamahal n’ya sa ating lahat at tsaka kahit ganoon si Kuya Gust alam mo bang pinagmamalaki ka n’on? Ikaw kaya ang the best Kuya naming tatlo ever! Kuya na nga Mama pa! Saan ka pa ‘di ba?” biro ko sa kan’ya bago ko siya halikan sa noo. “Kuya, wala kami kung nasaan kami ngayon kung hindi dahil sa ‘yo. Huwag na kayong mag-away ni Kuya Gust, hindi matutuwa si Papa kapag nakita na naman kayong nagbabangayan,” pag-aalo ko na lang. “Hay, bunso. Makita man kami ng Papa na nag-aaway, si Gust pa rin naman ang papanigan n’on. Huwag mo na akong aaluin, sanay na sanay na ako sa pamilya natin. Ikaw lang naman at tsaka ang tarantadong si Marc ang kakampi ko sa bahay, eh,” aniya bago rin ako halikan sa noo. “Kuya, walang ganoon, walang kampihang nagaganap sa bahay. Huwag mo na lang kasing ilayo ang sarili mo kay Papa at Kuya Gust. Ano man ang mangyari pamilya pa rin tayo, Velasquez pa rin tayo!” Hindi na siya umimik pa at umiling na lang tapos ay mapait na ngumiti. Lalong naputol ang pag-uusap namin ni Kuya Ari noong may biglang lumapit sa king Ale. “June! June! May naghahabulan sa bandang Kalye Dos, mukhang hinahabol noong mga lalaki ‘yon ang magnanakaw!” taranta n’ya sambit at agad nag-zoom in ang mga mata ko sa isang lalaking hinahabol nga ng sandamakmak na mga lalaki. “Kuya, mauna na ako sa ‘yo. Tuturuan ko muna ng leksiyon ‘tong magnanakaw!” hiyaw ko kay Kuya Ari. “Mala-late kana, June!” pabahol ni Kuya Ari pero hindi ko siya pinansin. Mabilis akong tumakbo sa palusot ng Kalye Tres at matulin ko ‘yong tinahak para ma-corner ‘yong magnanakaw sa crossing ng Kalye Dos at Tres. Ako nga pala si June short for Aumaia June Velasquez, ang bunso at nag-iisang babae sa pamilya. Trenta na pero parang bata kung ituring ng mga Kuya ko. Isang security officer sa isang prestihiyosong Security Agency at ito ang buhay ko. Mabilis akong tumalon at gamiting suporta ng kanang kong paa ang pader para mataas akong makatalon at masipa sa panga ang lalaking balot na balot ng itim na mga damit. Naging malakas ang tunog ng pagsipa ko na siyang nagpatumba sa kan’ya sa kalye kaya mabilis akong pumaibabaw sa kan’ya bago ko siya kinuwelyuhan. “MAGNANAKAW!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD