PROLOGUE
“JUNE! ANONG nangyari sa ‘yo? Kanina ka pa hinahanap ng HO (Head Officer) natin!” pasigaw na bungad ni Precious, secretary ni Sir Querubin, pagkatapak na pagkatapak ko pa lang ng opisina. Ngumiwi muna ako bago napamasahe sa sintido.
Mukhang alam ko na ang kasunod nito.
“Anak ng tokwa naman kasi! Galit na galit ba?” tanong ko na lang na handa ng mapagalitan anytime. Kasalanan ko naman kasi. Sino ba namang matino na uunahing makisawsaw sa problema nang may problema kung may sarili naman akong problema ‘di ba?
Mawawalan pa yata ako ng trabaho.Tangina na ‘yan.
“Sabihin na lang nating nasa mood pa naman siya,” ani n’yang halata namang sinusubukang pagaanin na lang ang loob ko.
Anak ng teteng! Mawawalan na talaga yata ako ng trabaho.
“Magpapaliwanag na lang ako, kasi naman—” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang sumulpot sa tabi naming ang alagad ni Satanas.
“Ang lakas naman talaga ng loob mo ‘no? Akala mo talaga papanigan ka ng HO mo kapag may katangahan ka na namang ginawa,” aniyang nagngingitngit pa ang mga ngipin.
“Hinihingi ko ba ang opinyo mo? Hindi naman required ang presensiya mo rito. Kulang ka na naman sa pansin,” sabat ko naman.
“Ha! Good luck sa promotion mo. Sige ka, baka maunahan ka naman ng iba d’yan. Lagi ka kasing palpak,” dugtong n’ya pa bago kaunting lumapit sa bandang tenga ko.
Hindi talaga papaawat ang isang ‘to.
“Alam mo, Precious, problema ko na ‘yon kung hindi pa rin ako ma-promote. At least alam ko na na-promote ako kasi deserved ko hindi ‘yong promoted ka nga wala ka namang ambag sa kompanya. Palibhasa ninakaw mo lang naman ang promotion na hindi naman talaga dapat para sa ‘yo,” bwelta ko naman.
“Excuse me? Ako bang pinariringgan mo? Hindi ka ba talaga maka-move on sa gawa-gawa mong kuwento na ‘yan?” inis n’yang sumbat.
Kita mo ‘tong babae na ‘to. Magsisimulang mang-aasar tapos kapag pinatulan siya pang mauunang maasar.
“Gusto mo piso?” saad ko bago ko siya tinapunan ng tingin.
“Tanga ka ba? Anong akala mo--” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin n’ya dahil agad kong kinuha ang palad n’ya sabay patong ng piso.
“Hanap ka ng kausap mo,” pahabol ko bago hinila si Precious papasok ng opisina ni HO.
“AUMAIA JUNE VELASQUEZ!” dumadagundon na sigaw n’yang halos sakupin ang buong floor sa tinis.
“Asar talo!” pagbabalik tanaw ko sa kan’ya bago ko itinaas ang gitnang daliri ko.
Fuck you ka sa kin ngayon, tangina mong papansin ka.
“Pinapatulan mo pa kasi,” puna ni Precious sa kin bago pa ako pagbuksan ng pinto.
“Papansin din kasi ang puta. Akala naman n’ya uurungan ko siya, traidor naman.” Hindi ko napigilan ang bibig kong magsalita to the point na nakapasok na pala ako sa loob ng opisina ng HO ko.
“Hindi mo pa nga naayos ang sarili mong problema June, may kaaway ka na naman?” aniya na diretsong nakatingin sa kin.
“Maiwan ko muna kayo, June, Sir Querubin,” pagpapaalam ni Precious bago n’ya kaming iwan pareho.
Biglang tumahimik ang paligid na para bang walang gustong maunang magsalita sa min ni HO.
“HO, hindi ko naman sinasadyang mangyari ‘yong nangyari--” pangunguna ko ngunit mabilis n’ya akong pinutol.
“Hindi mo sinasadyang huwag siputin si Mr. Silverio? Alam mo bang malaking investment ang nakasalalay doon, June?” madiin n’yang sambit.
Napahalukipkip ako. Wala na, June. Magpapaalam ka na talaga sa trabaho mo. Ano ba naman ang ilang taon mong pagtatrabaho kapalit ng isang kasalanan?
“Sir Querubin, alam ko naman pong matagal na ninyong tinatrabaho si Mr. Silverio pero kasi nagkaaberya lang ako sa daan, may hinayupak kasing—ano,” natigil ako sa sasabihin ko dahil ano bang pakialam n’ya roon?
“Kasi ano?” ulit n’ya pa.
“Basta ‘yon po, nagkaaberya lang ako kaya pagdating ko sa venue nakaalis na raw siya. Pero! Sinubukan ko naman pong habulin ‘yong matanda, sir, sadyang ang bilis n’ya lang nakasakay sa tsikot n’ya. Ilang minuto lang naman po, eh,” pagsusubok ko pang depensahan ang sarili ko.
“Kesyo isang minuto o hinabol mo pa. At the end of the day, you didn’t make it, June. Hindi mo pa rin naman siya nakausap. Hindi mo pa rin naman siya nasipot na siyang ikinagagalit n’ya ngayon. Sa tingin mo mapagbibigyan n’ya pa kaya tayong makuha ang tiwala n'ya?”
“Sir, bigyan n’yo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Susubukan ko po siyang kausapin at kumbinsihin.”
“It’s too late now, June. Nakaperma na siya ng kontrata sa kalaban nating agency. Wala na tayong magagawa pa.” Anak ng tokwa!
“Ah – ano pong mangyayari ngayon, Sir? Paano po ako? Paano po ang promotion ko? Wala na po ba ‘yon? Cancel na ba talaga?” pagsusumamo ko.
“Hindi nga lang dapat promotion mo ang mawawala rito, June. Pati nga dapat ‘tong trabaho mo mawawala sa ‘yo. You have disappointed me greatly. I tasked you with talking to Mr. Silverio because I expected you to be the most suitable for the job, but I didn’t see this coming.”
“Sir, naman. ‘Wag naman po sanang aabot sa ganoon. Ilang taon na po akong nagtatrabaho sa inyo hanggang sa isang kasalanan ko na lang ba ‘yon lahat mawawala?” nanghihina kong sagot.
Hindi na ako mapakali. Parang natatae na ako na ewan. Ang dami ko pang pangarap sa trabaho ko na ‘to. Hindi ko pa kayang mawala lang ‘to ng basta-basta.
“Alam mo bang sa tin ‘to binigay ni Boss dahil katulad ko ay ikaw din ang nakikita n’yang makakapagkumbinsi kay Mr. Silverio. That morning, the scheduled meeting you had with Mr. Silverio was our last chance, but look at what happened?”
“Si- sir, alam ko po mali-- mali po ang ginawa ko. Kakapalan ko na po ang mukha ko, baka po may paraan pa para makabawi man lang ako sa nawalang kliyente sa ‘tin. Kahit ano po gagawin ko makabawi lang ako. Sorry talaga, sir. Sobrang-sobrang sorry po, hiyang-hiya po ako sa inyo ngayon pero ayaw ko rin pong mawalan ng trabaho,” ani ko na lang.
Kasalanan ‘tong lahat ng tanginang gagong balyena na ‘yon! Huwag na huwag lang kaming magkitang muli dahil toasted bread ang labas n’ya sa kin.
Matagal na natahimik si Sir Querubin na para bang may malalim na iniisip.
“Hindi ko alam kung tama pa bang ibigay ko sa 'yo ang isa pang importanteng assignment na 'to, pero alam ko na sa lahat ng mga empleyado natin. Ikaw lang ang sa tingin kong mapagkakatiwalaan na magagawa ito ng tama.” pagbabasag n’ya ng katahimikan.
“Bakit, Sir? Ano ba ‘yan? Gagawin ko, kahit ano gagawin ko. Pinapangako ko pong hinding-hindi na ako papalpak pa ulit,” pangungumbinsi ko bago pa idikit ang sarili ko sa lamesa n’ya para maabot ang dalawa n’yang kamay. Hawak-hawak ko ang dalawang kamay ni Sir Querubin na para bang batang nagpapaawa sa magulang.
“Then I’ll assign this task to you. June, buong kompanya ang nakasalalay sa ‘yo.”
“Ano po ba ‘yon?” Hindi ko na narinig pa ang naging sagot n’ya ng may biglang bumukas sa pinto ng opisina ni HO at parang hanging bumulusok paupo sa sofa.
“Ano, nasaan na ang hinihingi ko, Querubin?”
Nabitawan ko si boss at agad na namewangan para sana harapin ang tarantadong bastos na nilalang na ‘to noong ma-realize ko kung sino ba ‘yon.
“IKAW NA NAMAN? / What a coincidence, you're here too. How unexpected, dumb.” Sabay naming sambit sa isa’t isa.
“Magkakilala na kayo?”