Story By Hail To Thee
author-avatar

Hail To Thee

ABOUTquote
Ever tried. Ever failed. No matter. Try again. Fail again. Fail better.
bc
He’s Dating the Mafia Heiress
Updated at May 18, 2025, 21:14
Ang hindi inaasahang unang pagkikita nina Soleil at ng mahanging binatang, si Caliber, matapos humingi ng tulong ang kapatid ni Soleil dahil aksidente nitong nabangga ang kotse ng binata. Mabils mang sumaklolo si Soleil ay nauwi pa rin sa pagtatalo ang kanilang usapan. Ngunit ang tagpo pa lang iyon ay maususundan pa lalo na at sa mga sumunod na araw, nagkagulo sa unibersidad ni Soleil dahil sa grupo ng mga lalaking nagpakalat ng flyers na may larawan niya, sa utos ni Caliber. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas ay hindi na pinalagpas pa ni Caliber dahil mula roon lagi na siyang nakabuntot sa dalaga. Kakayanin kayang liparin ng mga kwelang banat ang pusong nakakulong na sa matayog na pader, gawa na ng panahon at masasakit na pangyayari? Sa pagdiriwang ng 28th birthday ng isang mayaman at misteryosong mafia boss na si Mr. Montague, dumalo si Soleil para kumbinsihin ito na maging kasosyo sa negosyo ng kanilang pamilya. Ayaw man niya sa mga tao, ngunit kailangan niyang makihalubilo sa iba't ibang mafia groups upang mapasaya ang ama. Nang muntik na siyang halikan ng anak ng isang mafia boss, iniligtas siya ni Caliber. Ang gabi rin iyon ang nagpaalam sa kan’yang si Caliber at si Mr. Montague ay iisa lamang. Doon nasaksihan ni Soleil kung paanong magkaibang-magkaiba ang Caliber na laging nakabuntot sa kan’ya at ang Caliber na isa rin pa lang mafia boss. Ipinahayag ni Caliber na ang pamilya ni Soleil, ang Verona family, ang napili niyang maging kasosyo sa negosiyo na siyang rason upang mas lalong lumalalim ang kanilang relasyon, ngunit kaakibat din nito ang mas dumadalas na mga pagsubok. Ang bawat laban ay sinusuong nilang magkasama, ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay perpekto. Mahaharap sila sa mga lihim at pagtataksil na maaaring sumira sa kanilang relasyon. Makakaya ba nilang manatiling magkasama o masisira ang kanilang pag-ibig dahil sa mga nakatagong lihim na pilit binabaon ng nakaraan? Book Cover by: Sofia Dreame
like
bc
Ang Girlfriend Kong Maton
Updated at Aug 30, 2024, 23:53
Aksidente lang ba ito, o nakatadhana talaga na si Aumaia June Velazquez, isang boyish na babae ngunit magaling na secret agent, ang makatutulong sa sikat na modelong si Sixto Romanov upang makatakas sa mga nagtatangka sa kanyang buhay matapos siyang bumalik sa kanyang kinalakihang bayan, ang Hesmundo? Ang unang pagkikita nina June at Sixto ay sa araw na tinuring ni June na malas. Maliban sa napagalitan siya sa trabaho dahil na-late siya sa pakikipagkita sa isang malaking kliyente, nanakaw pa ang kanyang unang halik ng isang hindi kilalang binata matapos nitong tulungan ng dalaga. Nabawi naman sana ng binata ang galit ni June nang ipagtanggol siya nito sa kanyang head officer. Ngunit muling kumulo ang dugo ni June nang malaman niyang ang pagtatanggol ni Sixto ay may kapalit: gagawin siyang personal security/fake secretary/fake fiancée upang malaya siyang mapatira ni Sixto sa kanyang bahay. Ito ay dahil sa takot ni Sixto na baka pagtangkaan siya ng kanyang mga kaaway kahit sa kanyang pagtulog. Tututol pa sana si Theo, ang boy best friend ni June na siyang may-ari ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan, ngunit wala na siyang nagawa noong napapayag na ni Sixto si June sa ng kusa kanyang kagustuhan. Lumaki si Sixto sa France, ngunit ang mga alaala ng kanyang kabataan ay nasa Hesmundo. Bumalik lamang ang binata sa Hesmundo matapos makatanggap ng iba't ibang death threat matapos mamatay ang kanyang ina, na nag-iwan sa kanya ng kayamanan, habang walang iniwang mana sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Kanino kaya magwawagi ang pag-ibig na muling bubuksan ang pusong isinara na ng sakit dulot ng nakaraan? Ang pagmamahal bang mula pa pagkabata, ang pagmamahal ni Sixto, o matatalo ito ng pagmamahal ng isang taong hindi kailanman nawala sa tabi ni June—ang pagmamahal ni Theo? Malulutas man ang mga misteryo ng krimen na nagbuklod sa kanilang tatlo, ngunit makakaya pa kaya nilang ipagpatuloy ang pagharap sa dambana kung ang lahat lamang pala ay nagsimula sa isang pustahan?
like
bc
Sinumpaang Sumpa
Updated at Feb 27, 2022, 22:24
Buo ang loob ni Bearlene Echavez na hindi niya hahayaan ang sariling mahulog sa kahit na sino mang lalaki. Determinado siya na kaya n’yang mabuhay kahit ang sarili lang ang makakasangga sa habang panahon, na hindi siya tutulad sa kan’yang mga magulang at sa iba nilang kapamilya na matapos magtangkang ilaban ang pagmamahalan ay mauuwi pa rin naman sa dilubyo o hiwalayan. Ngunit ang paghihiwalay ng mga magulang n’ya ay hindi pa pala ang wakas ng lahat dahil mas darami pa ang magiging suliranin na kahaharapin ni Bearlene. Ang paghihiwalay na mas lalong magpapahina sa kan’yang ina upang lumaban sa sakit — dilated cardiomyopathy. Ang hiwalayang magpapalambot pala sa puso n’yang inaakalang hindi na iibig kahit kailan. Matatapos pa kaya o ‘di naman ay habambuhay nang mananarasa ang — sinumpaang sumpa ng pamilyang Echavez?
like
bc
Hiraya
Updated at Jan 27, 2022, 20:49
Hiraya, halos lahat ng tao may nais sa buhay. Hindi kompleto ang buhay kung wala kang ninanais na maabot at marating, sino nga naman ba ang taong walang mangarap? Winona Bless Cayabyab, kilala siya sa tingkad nang kanyang mga ngiti at sa natatanging kislap nang kan’yang mga mata ngunit sa isang iglap ito ay napalitan ng pait at hagupit ng tadhana, sinong mag-aakala na ang batang katulad ni Bless ay dadaan sa butas ng karayom sa kan’yang murang edad. May mga taong nais ng magpatalo sa problema ng buhay, may nais wakasan ang kanilang buhay, mga taong tinapon na lamang sa hangin ang kanilang pag-asa upang magpatuloy sa buhay ngunit ibahin natin si Bless bagaman alam na niyang hindi na magtatagal ang kan’yang hiram na buhay ay nagpatuloy siyang lumalaban at walang humpay na umasang makakaya niya pang tumagal sa mundong ibabaw. Masasalba kaya ng pag-ibig si Bless? Makakaya kaya ng pag-ibig na magawa ang lahat ng mga sana ni Bless bago mahuli ang lahat? Hanggang saan aabot ang pag-ibig na sumiklab mula pa pala pagkabata.
like
bc
Nineteen Hundreds
Updated at Dec 25, 2021, 17:06
Hindi lubos maisip ni Pilipina Amador na sa isang kisap-mata ang simple niyang pamumuhay ay magigimbal. Isang dalagang itinataguyod ang kan’yang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit mapapadpad sa isang lugar na mahirap nang iwanan – ang Unibersidad ng Maynila. Dala-dala ang determinasyong hanapin ang lalaking nasa likod ng hiwagang makapasok siya sa prestihiyoso bagaman may hiwagang unibersidad ay palaban niyang tinahak ang bako-bakong tadhana. Paano kapag nalaman niya na ang tinatahak niyang landas ay hindi lamang basta-basta lalo pa at malalaman niyang pinagtatangkaan ang buhay niya because her existence bothers someone’s plan? Na binago ng pagmamahal niya ang pusong nag-didilaab noon sa galit at paghihiganti. Will, she still walks on that road not taken, or will she go to the street she used to take?
like