CHAPTER 2

1444 Words
June’s POV MATULIN ANG naging pagtahak ko sa Kalye Tres at paminsan-minsang nililingon ang grupo ng mga lalaking walang tigil sa paghabol sa lalaking nag-iisa at nakaitim. Hindi ko alam kung ano bang ninanakaw n’ya sa mga ‘yon at ganoon na lang ang paghabol nila sa kan’ya. Wala rin naman akong nakikitang bitbit ng lalaki sa mga kamay n’ya o kahit hulma kung meron man siyang nilagay sa loob ng jacket n’ya. Bumibigat na ang paghinga ko dahil malayo-layo na rin ang naitakbo ko pero sa peripheral vision ko mas lalo akong tumulin noong makita kong may nilusutang eskinita ‘yong nakaitim na lalaki sa Kalye Dos na siyang nagbigay sa kan’ya ng oras para makalayo ng husto sa mga humahabol sa kan’ya. Paanong alam n’ya ang eskinitang iyon? Hindi rin naman siya pamilyar sa kin at malabong taga-Hesmundo siya. Baka nagkataon lang? Pagtatalo ng mga ideya sa isipan ko ngunit hindi n’ya pa rin madadaig ang babaeng laking Hesmundo. May nilusutan din akong eskinita na deretso sa labasan ng eskinitang pinasukan n’ya. Kung akala n’yang nailigaw na n’ya ang grupo ng mga lalaking humahabol sa kan’ya ay nagkakamali siya. Nandito pa ako at hinding-hindi ko siya tatantanan. Dito pa sa Kalye namin ang napili n’yang pagnakawan, ha! Patay siya sa kin ngayon. Napangisi ako noong makita ko na ang dulo ng daan. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko rin naman sa gilid ng mga mata ko ang lalaking kapareho ko ay hinahabol na rin ang hininga. Maalam siya dahil hindi siya lumilingon sa likuran sa halip ay dire-diretso lang ang takbo n’yang mas nagpatulin sa kan’ya. Lalo akong napangiti noong bumwelo ako para salabungin siya sa dulo ng daan. “Huli ka ngayon, balbon!” Mapupungay na mga matang kulay asul, makinis na kutis, maputi’t mamula-mulang pisngi, matangos na ilong, maliit na mukha’t manipis na mga labi ang bumalandrang mukha sa kin matapos ko siyang ma-corner at makuwelyuhan. Bigla akong natigilan at sa ilang segundong tumahimik ang paligid ay dinig na dinig ko ang pagkalabog ng puso ko. Anak ng tokneneng! Anong nararamdaman ko na ‘to? “Maniwala ka man o sa hindi, hindi ako magnanakaw at hindi ako tulad ng naiisip mo, Miss,” aniya na may ibang tono pa sa pagsasalita ng Tagalog. Laking ibang bansa siguro ‘to, slang slang pa siya at halos hindi mabanggit ang tamang tunog ng ‘s’ dulot ng brace n’ya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong natulala. Para bang blangko ang isipan ko at na hindi ko na alam kung anong susunod kung dapat gawin. “Am I too handsome that you look stunned?” mahangin pero may halong landi n’ya sambit. Ayon na yata ang naging suntok na nagpabalik sa kin sa sarili ko. Mabilis kong hinila ang kuwelyo n’ya kasunod ng pagtayo ko sabay sandal ko sa kan’ya sa pader. Lalo kong hinigpitan ang pagkakakuwelyo ko sa kan’ya na mas minabuti kong idiin ang siko baba ko sa leeg n’ya. Matalim ang mga titig na binabato ko sa kan’ya hanggang sa gumuhit ang ngisi sa kan’yang mukha. “You’re really damn strong, aren’t you?” aniya na itinataas na ang dalawang kamay sa gilid. “Mas mabuti pa ay ibalik mo na lang ang ninakaw mo kung ayaw mong mas masaktan pa. Hindi rin naman kita papakawalan hanggang hindi mo isinasauli ang hindi sa ‘yo,” pagbabanta ko sa kan’ya. “Pfft! Kahit patayin mo man ako ngayon din mismo, Miss, wala akong isasauli dahil wala akong ninanakaw,” aniya na para bang nanunukso pa. “Alam ko na ang mga modus ng mga magnanakaw kaya hindi mo na ako maloloko pa,” angil ko sa kan’ya at mas lalo pang diniinan ang pagkakatulak sa siko baba ko sa leeg n’ya. “Miss, I promise I didn’t take anything and I won’t take anything from anyone. I can provide for myself, so please loosen up. I’m starting to have a difficulty breathing,” pagsusumamo n’ya. Kaya biglang pinanliitan ko siya ng tingin habang sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi n’ya o hindi. “Swear to death, Miss, I mean no harm,” ulit n’ya pa. Matagal kong prinoseso ang sinasabi n’ya. Minabuti ko munang kapkapan siya at noong wala akong makitang kahit na ano sa suot n’ya. Inobserbahan ko rin ang mga mata n’ya, mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Ilang segundo ang nakalipas noong unti-unti ko na siyang binitawan at nagulat ako noong sa pag-atras ko ng kaunti ay mabilis n’yang hinubad ang suot n’yang jacket at itapon ‘yon sa basurahang malapit sa min. Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo? At bakit ka hinahabol ng mga ‘yon kung wala ka naman pa lang ninakaw?” sasagot pa sana siya noong pareho kaming nakarinig ng mga mabibigat yabag. Sabay pa kaming napatingin sa dulo ng kalye at laking gulat ko noong bigla n’ya akong hinagip. SA HINDI kalayuang daan ay natigil ang grupo ng mga lalaking patagong armado ng mga dekalibreng baril sa pagtakbo at kan’ya-kan’yang napahawak sa kanilang mga tuhod habang hinahabol ang hininga. “Hindi pwedeng mawala sa paningin natin ang mokong na ‘yon! Tayo ang malilintikan kay Boss!” sigaw ng lalaking nasa unahan sa kanilang lahat. “Malaking pera ang nakapatong sa ulo ng lintik na ‘yon!” hiyaw nitong muli at agad na sinipa ang lalaking nasa kan’yang likod. “Mga inutil! Bakit kayo tumigil sa paghabol sa kan’ya?!” muli nitong sigaw ngunit wala rin siyang nakuhang sagot dahil halos lahat ng kinakausap n’ya ay hinahabol din ang hininga. “Maghiwa-hiwalay tayo! Mukhang alam ng lalaking ‘yon ang pasikot-sikot dito sa Hesmundo pero ganoon pa man. Siguraduhin n’yong hindi ‘yon makatatakas!” utos nito at doon na nga nagsimulang muling maghiwa-hiwalay ang mga kasama n’yang lalaki ngunit sa pagkakataong ito isa-isa na nilang binunot ang mga nakasukbit na barili sa kani-kanilang tagiliran. Tirik man ang araw ngunit halos kunti lamang kasi ang dumaraang tao sa eskinitang iyon lalo na at halos ang lahat ay nagmamadaling makapasok sa kani-kanilang mga trabaho na nasa Kalye Uno. “Itago lang ninyo ang mga baril ninyo kapag may nakasalubong kayong civilian. Huwag n’yo papaputukan, takutin n’yo lang ang Sixto na ‘yon,” pahabol na utos ng lalaki bago naghiwalay sa tatlong grupo ang mga kasama n’yang lalaki. Ang unang grupo ng mga lalaki ay pumasok sa naunang eskinita at nagsimula na silang suyurin iyon ang sumunod naman ay diretsong pumasok sa kasunod na eskinita at ang lalaking nag-uutos kanina ay nagsimulang naglakad at agad itong huminto sa eskinitang papasok ng Kalye Tres. “May naririnig akong boses ng lalaki, tahimik at sumunod lang kayo sa likuran ko,” huli nitong utos bago tahimik na pasukin ang eskinitang pinagmumulan ng pag-uusap. June’s POV HINDI AKO nakalaban ng mabilis n’yang ipulupot sa likod ng leeg ko ang kamay n’ya sabay higit n’ya sa kin papalapit sa mukha n’ya. Nanlaki ang mga mata ko noong unti-unti siyang ngumisi. Napakabilis ng pangyayari ng makita ko siyang pumikit at mabilis na pinaglapat ang mga labi naming dalawa. Aatras pa sana ako noong hindi na ako nakagalaw pa ng ginamit n’ya ang isa n’ya pang libreng kamay para ipulupot sa bewang ko na siyang mas lalo pa saming nagpalapit. Gamit ang gilid ng mga mata ko kita ko ang pagdaan ng mga lalaking kaninang naghahabol sa kan’ya na para bang walang pakialam sa ginagawa namin. Hindi n’ya man ‘yon nakikita ay alam kong naririnig din naman n’ya ang mga yabag. Damang-dama ko kung paano gumalaw ang mga labi n’ya sa labi ko. Ang mga pasimpleng pagkagat n’ya sa ibabaw ng labi ko kasunod sa ilalim. Ang kasunod na paghalik ay naging matagal na para bang hindi na matanggal ang pagkakalapat ng mga labi namin. Kitang-kita ko pa kung paano siya unti-unting ngumiti noong minulat n’ya ang mga mata n’ya at nagtama ang mga tingin namin. Nagpatuloy ang pagtitinginan naming dalawa at ang paglapat ng mga labi namin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kin pero may kung ano sa mga mata n’ya na para bang nagbibigay sa kin ng pakiramdam na pamilyar na pamilyar ako sa kan’ya – na matagal na kaming magkakilala. Ang tunog lang ng sirena ng pulis ang siyang nagpahiwalay sa ming dalawa. “Sinong nag-report?” dinig kong tanong ng isang pulis. Mabilis siyang nawala sa harapan ko at nakita ko na lang na nakasukbit na ang dalawa n’yang kamay sa bulsa ng suot n’yang itim na jogging pants. “Ako. Mabuti pa ay sa presinto na ako magkukuwento,” aniya bago ako lingunin. “I think now I really did steal something. Your first kiss, I guess?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD