CHAPTER 3

1499 Words
June’s POV “HINDI AKO masayang nandito ka at nasa iisang lugar tayo! Isa ka talagang magnanakaw! Bastos pa sa pinakabastos!” hiyaw ko sa kan’ya sabay duro-duro pa pero siya prenting nakadekuwatro sa sofa habang nakapatong pa ang kanang kamay sa dulo ng sofa habang ang kaliwa ay nasa bulsa n’ya pa rin. Ibang-iba na rin ang dating n’ya ngayon dahil iba na ang suot-suot n’ya. Gray na maluwag at mahabang mamahaling jacket kasabay ng isang fitted v-neck black t-shirt na ternohan ng rugged pants at black leather shoes. “Ah! June!” natatawang tawag sa kin ni HO na siyang nagpabalik ng tingin ko sa kan’ya. “Sir! Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit hindi ko nasipot si Mr. Silverio?!” pagsusumbong ko sa kan’ya at patuloy ko siyang dinuduro-duro. “June, tama na. Tigilan mo na ‘yan,” saad ni HO na para bang ang bait na tupa sa harapan n’ya. Sumesenyas siya sa kin na tumigil na ako pero hindi ko ‘yon pinansin. “Ikaw! Ikaw na lalaki ka, hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng mga magulang mo pero sana alam mo kung anong salitang respeto sa babae. Ano? Anong akala mo sa kin kung sino-sino lang na pwede mong bastusin ng ganoon? Muntik-muntik pa akong mawalan ng trabaho dahil sa ‘yo!” baling ko na naman sa kan’ya pero s-um-ide view lang siya para ngumiti at agad na pasimpleng tinakpan ang labi gamit ang mga daliri n’ya. “Suwerte mo lang talaga at nasa opisina tayo dahil kung hindi kanina pa kita napatulog!” singhal kong muli. “You know what? Tumigil ka na, kulang na lang lumabas ang usok mula d’yan sa ilong mo,” ani pa n’ya. “At talagang nang-iinis ka pa? Gusto mo talaga yatang makatikim!” asik ko at ambang maglalakad papalapit sa kan’ya noong hinila ako ni Sir Querubin pabalik. “June, tumigil ka na sabi,” mahina ngunit madiin n’yang pigil sa kin. “Sir! Hindi! Paano ako titigil kung dahil sa lalaking magnanakaw na to at bastos ay mawawala sa kin ang matagal ko ng trabaho? Aba’y hindi ‘yon pwede!” giit ko pa rin. “JUNE! Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag pinagpatuloy mo pa ang pinagsasabi mo!” nagulat ako sa pasigaw na sambit ni HO pero agad siyang tumingin sa gawi ng lalaki na ‘yon at ngumiti. “Hindi mo ba kilala ‘yang kausap mo?” aniya na halos wala ng boses. “Obvious po ba? Ano po bang ginawa n’yan dito sa opisina ninyo? Alam mo bang hinahabol ‘yan kanina ng sandamakmak na lalaki? Malamang sa malamang ay magnanakaw to o pusher,” sagot ko pa. “June!” sigaw muli ni Sir Querubin at agad akong hinila papaupo. “June, pwede bang kumalma ka muna at tumahimik? Mamaya na natin pag-usapan ‘yangg ginigiit mo.” “Pero, HO!” “Mr. Romanov! Good day, kailan pa kayo nakaluwas galing France?” ani ni HO sabay punta sa lalaki at kinamayan n’ya ‘yon matapos tumayo ang lalaki’t ngumiti sa kan’ya. Mr. Romanov? Saan ko nga ba narinig ang apelyidong iyon? “Actually, I just arrived this morning, and the moment my damn plane landed in Hesmundo agad akong sinurpresa ng mga tanginang gustong-gusto yata akong mamatay,” natatawa n’yang sambit pero alam kong hindi ‘yon biro. “At hindi ka nagkakamaling lumapit agad sa min, Mr. Romanov. I didn’t expect na magkakilala kayo ng isa sa mga agent namin,” saad ni HO sabay baling sa kin. “Anong ibig mong sabihin sa kung magkakilala na kami, Sir?” baling kong tanong kay HO. “Hindi mo ba naalala si Mr. Romanov?” balik n’yang tanong sa kin. “Dapat ko po bang kilalanin ang isang katulad n’ya bastos---” “Precious!” pagpuputol sa kin ni Sir Querubin at hindi naman nagtagal noong pumasok ang secretary n’ya. “Sir Theo? Good morning ulit, Mr. Romanov,” bati nito. “Precious, mabuti pa at kausapin mo muna si June patungkol kay Mr. Romanov at ng sa ganoon ay makapag-usap muna kaming dalawa,” utos nito. “June, sumunod ka muna kay Precious,” dugtong nito kaya agad akong tumayo para tahimik na sumunod kay Precious palabas ng opisina. Huling tingin ko sa kanila ay agad na umupo si HO sa harapan ng Mr. Romanov na iyon at naging seryoso. “Sino ba ‘yon? Anong ginagawa noon dito? Alam mo bang siya ang may kasalanan kong bakit hindi ko nasipot si Mr. Silverio?” sunod-sunod na tanong ko kay Precious pagkaupo na pagkaupo n’ya sa lamesa n’yang connecting lang din sa opisina ni HO. “Alam mo rin bang mas malaking kliyente pa natin ‘yon kaysa kay Mr. Silverio?” aniya. “Ha?” “Napakaimpossible namang hindi mo naririnig ang pangalan n’ya sa mga balita? Sikat na sikat at maugong ang pangalan n’ya ngayon dahil sa biglaan n’yang pag-alis ng France at pagbalik dito sa Hesmundo para mapagpatuloy ang naudlot n’yang kasikatan dito sa tin.” “Precious, anak ng kangkong! Ang dami mong sinasabi. Wala naman akong naintindihan,” sagot ko. “Sixto Romanov, sikat na model/actor sa France. Una siyang na-discover dito sa tin noong naging cover siya ng kids magazine pero itinuloy n’ya ang kasikatan n’ya sa France dahil umuwi sila roon ng nanay n’ya matapos mamatay ang tatay n’yang siyang taga-rito sa tin.” “Oh, tapos? Isa rin ba siya sa mga artistang humihingi ng body guard sa tin?” “Hindi lang ‘yon dahil nakakatanggap siya ng mga death threats matapos mamatay ang nanay n’yang isa sa mga business tycoons sa France. Siya ang blind item no. 1 natin, hindi mo ba naalala?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko ang huli naming conference kasama si Theo at ang mga HOs ng buong kompanya kung saan nagpre-present sila ng mga malalaking pangalan na prospect nilang makuhang klinyente naming para mapanatili ang kalidad namin. Siya pala ang prospect number 1? Na matapos piñata ang nanay n’ya at ipamana sa kan’ya lahat ng ari-arian nito ay sunod-sunod na ang naging death threats na natatanggap n’ya at ang mga prime suspects ay ang sarili n’yang mga kapatid sa ina. Nawala siya sa lime light sa France at balitang umuwi rito sa Hesmundo para kahit papaano ay magtago at dito na lamang ipagpatuloy ang negosiyong naiwan sa kan’ya ngunit mukhang naiintindihan ko na ngayon ang kabuoan ng pangyayari. Hindi at wala nga siyang ninakaw sa halip ang mga lalaking humahabol sa kan’ya ay malamang sa malamang mga inutusan ng gusto siyang patayin. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ‘to pero bakit lahat na lang yata ng desisyon ko sa buhay naglalagay sa kin sa kapahamakan. Gusto ko ba talagang mawalan ng trabaho? Matapos kong hindi siputin si Mr. Silverio ngayon naman dinuru-duro at sinigaw-sigawan ko lang naman si Sixto Romanov! Anak ng tokwa! “Miss Secretary,” napabalikwas si Precious ng tayo at agad na bumaling sa lumabas. “Yes, Mr. Romanov?” “No, not you. Siya ang kausap ko,” ani nito. Tumahimik ang paligid at unti-unti kong inangat ang mukha ko’t malaman laman kong sa akin siya nakaturo. “Miss Secretary, let’s go,” aniya a direktang nakaturo sa kin. “Ha?” ani ko naman. “I thought you would do anything to regain your job?” “Ha?” sagot ko ulit. “June, simula ngayon ikaw na ang magiging personal bodyguard ni Mr. Romanov,” singgit naman ni HO. “Po?” “Hindi ba at ayaw mong mawalan ka ng trabaho? Ito na ‘yon, patunayan mo sa king deserve mong manatili sa trabahong ‘to at matanggap ang promotion na matagal mo ng gusto,” dugtong n’ya. “Miss Secretary, let’s go, marami pa akong kailangang gawin,” sambit naman nitong si Sixto. Sumenyas naman sa kin si HO na sumunod na sa kan’ya. Wala ako sa sariling sumunod sa likuran ng Sixto na ‘to hanggang sa makalabas kami. May pumaradang kotse sa harapan namin at mabilis siyang pinagbuksan ng driver. Naglakad ako at sasakay na sana ako sa shot gun seat noong magsalita siya. “You should sit beside me at the back. We don’t know when my attackers might show up. Kailangan ko ng poprotekta sa kin,” aniya bago siya tuluyang sumakay. Umikot na lang ako para sundin ang gusto n’ya. Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay nagsalita siyang muli. “Starting now, you will always stick by my side and go wherever I go as my personal bodyguard. You will accompany me to the office as my fake secretary, and most importantly, you will live with me as my fake fiancée.” “ANO?! HINDI NAMAN PWEDE ‘YAN!” “It’s a deal or no deal, Miss Aumaia June Velasquez. Do you want to keep your job or not?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD