Kabanata 19 - Salot

1729 Words

MUKHANG TUMALAB KUNG anuman ang sinabi ni Diego. Walang sumugod sa bahay katulad ng kinatatakutan ko. Bumaba ako sa bayan ng araw ng palengke para malaman ang talagang saloobin ng taumbayan. Mas magandang harapin sila kaysa palaging nangangamba sa seguridad ko. Napansin ko agad ang malaking pagbabago nang dumating ako. Parang bubuyog na nagbubulung-bulungan ang mga  nagkukumpulang tao. Pansamantalang huminto iyon nang dumaan ako sa kanilang harapan. Palihim ko silang sinulyapan at nahuli ng matalas na paningin ko ang isang batang matamlay na nakatayo sa tabi ng ina. Halatang may iniindang sakit ito, may mga butlig sa braso at leeg nito. Tumuloy ako kina Aling Lina. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya. “Hindi muna ako kukuha ng paninda mo,” sabi niya. “Akala ko ba’y kailangan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD