Kabanata 20 - Kakampi

1765 Words

MALAKING PAGDUDUDA AT labis na takot ang naghahari sa akin habang papalapit ako nang papalapit sa bayan. Tama bang ipagsapalaran ko ang sariling buhay para mapatunayan lang na hindi ako duwag at ubod nang sama tulad ng paratang ni Diego? Sumagi sa isip ko ang isa pang sinabi niya—na ngayon ako kailangan at may tungkulin akong dapat gampanan. Iyon ang naging sandigan ko upang ipagpatuloy ang paglalakad. Kakaibang klase ng katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala na ang dating masiglang ingay habang inaalok ng mga tindero at tindera ang kanilang paninda. Kasama ring naglaho ang masayang kuwentuhan ng mga mamimili. Pati ang tawanan ng mga batang naglalaro ay tila nilipad ng hangin at tuluyang tinangay. Sarado ang lahat ng tindahan. Walang naglalakad kahit isang tao. Humakbang ako papunta s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD