Kabanata 21 - Daing

1633 Words

 “UMUWI KA NA. Hindi ka pala dapat nandito, baka mahawa ka,” sabi ni Diego nang tumayo siya sa tabi ko. “Sapat nang tulong ang mga gamot na ibinigay mo.” “Bigla na lang akong lalayas matapos mong ipangalandakan sa palengke na may mag-aalaga sa kanila?” Matalim ang tingin ko, kipkip ko pa rin ang matinding sama ng loob. “Mali ako. Nagawa ko lang ’yon para pilitin silang tanggapin ang inaalok mong tulong. Alam kong wala silang puwedeng lapitan sa ngayon, ikaw lang.” “Huli ka na dahil may parating na.” Inginuso ko ang isang karitelang mabagal na umuusad. Marahas na hinagod niya ang ulo. Sumulyap muna siya sa akin bago niya tinakpan ng puting tela ang kaniyang ilong at bibig. Isang paraan iyon upang maiwasang mahawa ng sakit. Lumapit siya nang humimpil ang karitela sa aming harapan at tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD