Kabanata 25 - Pagkakamali

2299 Words

MABIGAT ANG MGA paang bumalik ako sa loob ng bahay. Sumikip ang paghinga ko. Tila may bagay na humaharang sa maayos na daloy ng hangin sa aking dibdib. “Umalis na si Diego?” nakakunot-noong tanong ni Nana Rosa. Napansin niya siguro ang lungkot at pagdaramdam sa aking mga mata kahit pa nakangiti ako. “Nagmamadali hong umalis kaya hindi na nakapagpaalam sa inyo,” dahilan ko. Tumango siya. “Nabanggit niya sa akin na baka gusto mo raw magtanim. Malawak ang lupa sa likod ng bahay. Puwede mong gamitin ’yon.” “Kahit magtanim ako, may bibili pa rin ho ba sa paninda ko? Mukhang hindi pa ako gaanong tanggap ng mga tagabayan.” Nag-isip siya. “Sa ngayon, mahirap pang malaman ang sagot sa tanong mo. May mga tao talagang makitid ang pang-unawa at madaling maniwala sa mga haka-haka. Lalo na kung wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD