Kabanata 26 - Hamon

1995 Words

HINDI KO NA nakuha pang kumatok nang pumasok ako sa opisina ni Diego. Galit ako. Balak ko sanang suwayin ang utos niya pero naisip kong baka madamay si Nana Rosa. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng lamesa. Wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya. Salungat iyon sa itsura ko na hindi maipinta ang mukha. “Pinatawag mo raw ako.” Pinag-ekis ko ang braso sa dibdib ko. Ibinaba niya sa lamesa ang hawak na diyaryo bago niya ako sinenyasang umupo. Umiling ako. Mas gusto kong nakatayo para mangalay ang leeg niya sa katitingala sa akin. Ipinagkibit-balikat niya lang ang pagrerebelde ko. “Bakit kailangan mong magtrabaho rito? ’Di ba sinabi ni Nana Rosa sa ’yo na malaya kang magtanim sa likod ng bahay nila?” walang paligoy-ligoy na tanong niya. Lalo akong nainis sa inasta niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD