HINDI NA NAMAN maganda ang timpla ni Diego. Maasim ang kaniyang mukha at maririnig sa boses niya ang tensiyon. Nakadagdag sa init ng ulo niya ang maalinsangang panahon. Walang malamig na hanging umiikot sa loob ng kuwadra. “Marami ka sigurong ginagawa ngayon,” sabi ko. Sumulyap siya sa akin. Butil-butil ang pawis sa kaniyang noo. “Napapansin ko kasing laging mainit ang ulo mo. Baka nasosobrahan ka ng trabaho at wala ka nang panahong magpahinga,” patuloy ko. “Hindi lang ngayon tambak ang trabaho ko kahit noon pa.” “Bakit hindi mo hayaang ako na lang ang magtimbang ng mga baka? Kayang-kaya ko naman ito.” “Nasabi mo lang ’yan kasi hindi ikaw ang nagbubuhat.” Pinahid ng braso niya ang tumagaktak na pawis sa kaniyang mukha. Hinubad niya ang sandong suot. Pinunas iyon sa katawan niya bag

