“NANDIYAN KA LANG pala. Akala ko, kung ano na’ng nangyari, kanina pa ako naghihintay sa ’yo,” nag-aalalang sabi ni Nana Rosa. Tumaas ang kamay niya at saka tinanggal ang dayaming kumapit sa buhok ko. Nagtatanong ang mga mata niya nang tumitig sa akin. “Pasensiya na ho. Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya nagpahinga muna ako. ’Di ko ho namalayang nakatulog ako,” nakokonsensiyang dahilan ko. Pasimpleng inayos ko na rin ang nagulong buhok. “Kaya pala namumula ’yang mukha mo.” Hinawakan niya ang nag-iinit na pisngi ko. “Aba’y nilalagnat ka! Uminom ka kaagad ng gamot para maagapan kung anuman ’yang sakit na dumapo sa ’yo.” Humilab ang tiyan ko dahil sa tensiyon. Hindi kasi ako sanay magsinungaling. Wala sa loob na hinawakan ko ang aking sikmura. Sumunod tuloy ang mata ni Nana Rosa sa kamay ko

