SABIK NA INABANGAN ko ang muling pagdalaw ni Diego, pero naramdaman ko na may nabago sa pakikitungo niya sa akin. Hindi rin tulad noon na nagtatagal siya. Ilang minuto nga lang siya sa bahay, nagmamadali na siyang umalis. Araw uli ng palengke. Nasa bayan ako at kanina pa paikot-ikot dito. Nakiusap kasi si Aling Lina na mamaya pa magbabayad. Mag-iipon muna siya mula sa kikitain niya. Umugong ang paligid. Naging mas masigla ang mga taong nasa tabi ko. Dumating pala si Diego at ang mga kasama niya. Tulad ng dati, inalalayan niya sa pagbaba ang mga nakasakay sa kalesa ngunit may isang nadagdag na pasahero. Palagay ko, iyon ang mama ni Amalia dahil may kaunti silang pagkakahawig. Sana makabayad na si Aling Lina para makauwi na ako. Sumama kasi ang pakiramdam ko pagkakita kay Diego na hawak a

