Kabanata 12 - Hagupit

1556 Words

INIHAHANDA KO NA ang lahat ng mga dadalhin sa paglikas. Sa kuweba ako pansamantalang sisilong hanggang sa humupa ang bagyo. Nasa mataas na lugar at malayo-layo rin sa bahay ang kinaroroonan nito. May kalakihan itong kuweba kaya nakagawa kami noon ng kulungan ng mga manok. May papag na rin at lagayan ng mga gamit. Nakasalansan ang mga tuyong kahoy sa isang sulok. Nakasanayan na naming mag-imbak niyon para sa ganitong pagkakataon. Nagdesisyon akong dito na matulog. Mahirap nang abutan ng bagyo sa kalagitnaan ng gabi. Binuksan ko ang lampara saka binigyan ng pagkain si Diva. Tirang nilagang saba at kamote ang naging hapunan ko. Nanginginig ang mga braso at binti ko dahil sa maghapong ginawa ko. Nakatulog ako paglapat pa lang ng ulo ko sa unan. Wala pang ulan paggising ko kinabukasan nguni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD