“ANO BA ANG ginagawa n’yo rito maghapon?” nababagot na tanong ni Diego. “E di, inaabala ang sarili sa kung ano-anong bagay. O ’di kaya’y natutulog maghapon. Minsan lang nangyayari ito kaya sinasamantala namin ang pagkakataon,” sabi ko habang nagtatadtad ng ugat ng halaman. Tumayo siya sa tabi ko. Kinuha ang kuwadernong nasa ibabaw ng lamesa. Binasa niya nang malakas ang ibang nakasulat doon. “Para sa sugat na nagnanana . . . para sa lagnat . . . para kay Baste.” Kumunot ang noo niya. “May gamot ka para lang kay Baste?” Pinamulahan ako ng pisngi. Isinulat ko iyon noong panahong hindi ko pa alam ang totoong epekto ng gamot. Kaya pala nagpalitan ng makahulugang ngiti sina Nanay at Lola nang sinabi ni Lolang ang gamot na iyon ay para bumagsik at lumakas si Baste. “Oo, pero wala na akong ma

