Kabanata 15 - Sigaw

2242 Words

UNTI-UNTI. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ko sa aking sarili. Tatalunin ako ng mala-higanteng suliraning kinakaharap ko kung lulutasin ko ito nang minsanan lang. Dapat ay paunti-unti, paisa-isa. Uunahin ko ang pagtatanim at saka ko na lang isusunod ang magiging tirahan ko.  Inayos ko muna ang taniman, nilinis iyon at inalis ang mga nasirang gulay. Binungkal ko ang lupa para lumuwag iyon. Buong maghapong iyon lang ang natapos ko. Sumunod na araw ay ang pagtatanim naman ng binhi ang inasikaso ko. Nasa kalagitnaan ako nito nang kumahol si Diva at tumakbo sa direksiyon ng taong paparating. Natanaw ko ang isang lalaking lulan ng karitela. Kahit nasa malayo, alam kong si Diego iyon. Halo ang emosyong naramdaman ko, pero mas nangibabaw roon ang saya kahit alam kong mali iyon. Nagmamadaling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD