DUMAAN MUNA AKO sa bahay ni Maestro Sicat. Iniwan ko sa tabi ng pinto ang isang bote ng gamot para sa rayuma. Nakagawian ko nang gawin iyon nang mabalitaan kong sumasakit ang mga kasukasuan niya. Wala siyang alam na ako ang nagbibigay sa kaniya ng gamot. Pasasalamat ko iyon dahil malaki ang naitulong niya sa akin noon. Dumiretso ako sa tindahan ni Aling Lina. “Alam mo bang sina Diego at Amalia—” “Marami ka bang napagbentahang gamot?” Ayaw ko nang makarinig ng kahit na anong balita tungkol sa kanila kaya sumasabat ako kapag iyon ang pinag-uusapan. “Oo, naubos nga ang para sa lagnat. Ewan ko ba kung bakit ang daming nilalagnat ngayon.” “Dadagdagan ko ang dadalhin sa susunod na linggo kung gayon.” Kinalabit niya ako. “Nakita mo ba ’yang si Kanor? Gaganiyan-ganiyan ’yan pero matinik an

