SINALUBONG KO ANG mabilis na paglapit ni Diego. Halos mapaatras ako nang maramdaman ang bigat ng kaniyang katawan nang niyakap ko siya. Nawalan kasi siya ng panimbang pero agad din niyang nabawi iyon. Hinablot niya ang braso ko at saka niya ako hinila papasok sa liblib na parte ng gubat. Abot-abot ang kaba ng aking dibdib habang tumatakbo kami. Natatakot akong marinig ang susunod na putok ng baril. Nakapagtago kami sa likod ng puno, sa pagitan ng malalaking ugat nito kami umupo. Nilingon ko si Diego. Katulad ko, tagaktak din ang pawis niya sa noo. Nakangiwi siya at pinipigilan niyang dumaing. Duguan sa bandang balikat ang kamiseta niya. “A-ano’ng gagawin natin?” nababahala kong tanong. “Kailangan nating bumalik sa ilog.” “Bakit pa? May daan dito papunta sa bayan.” “Hindi tayo makaka

