Kabanata 8 - Hinala

1981 Words

“NANDITO NA TAYO,” untag ni Diego sa lumilipad na diwa ko. “Huh!” Umayos ako ng upo at luminga sa paligid. Tama siya, nasa bahay na nga kami. “Ang bilis nating nakarating.” “Nagustuhan mo ba?” “Oo, masarap pala. ’Yong una lang ang hindi.” “Gano’n talaga kapag una, nakakakaba. Pero kapag nasanay ka, masisiyahan ka na.” “Baka ito na ang una’t huli ko. Malabong masubukan ko uli ito, wala kasi akong sariling kabayo.” “Huwag kang mag-alala, sa susunod na Biyenes, pasasakayin uli kita.” Bumaba si Diego mula sa kabayo. Hinawakan niya ako sa baywang. Kumapit naman ako sa balikat niya. Padausdos akong bumaba kaya naramdaman ko ang bawat uka at umbok ng katawan niya. Sa sobrang lapit namin, halos marinig ko ang t***k ng puso niyang sumasabay sa bilis ng pintig ng puso ko. Matangkad talaga si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD