Kabanata 9 - Hambing

1985 Words

Buong ningning na ngumiti ako kay Diego habang dala ang isang platong kamote. Umuusok pa iyon at langhap na langhap ko ang bagong lutong amoy nito. Naglahong bigla ang ngiting nakapagkit sa labi ko nang mapansin ko ang nakahaing pagkain sa lamesa. Puto bumbong iyon na kompleto pa sa rekado, may pulang asukal at kinudkod na niyog sa ibabaw nito. "May dala ka palang pagkain," matamlay na sabi ko. "Nakalimutan ko. Bumili nga pala ako nito sa bayan." Inilapag ko sa mesa iyong dala ko. Ano ang laban ng kamote ko sa puto bumbong? Siyempre wala, nilaga lang iyong sa akin. Dumampot siya ng isa at nilagay sa plato niya. "Ang bango! Iba talaga 'pag bagong ani, ano?" Matabang na sumagot ako. "Siguradong marami rin n'yan sa inyo." Bihasang binalatan niya iyon gamit ang kutsilyo. Hindi man lang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD