NAGHIHINTAY SI DIEGO malapit sa kuwadra ng mga kabayo. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagkabagot ngunit tuluyang naglaho iyon nang makita ako. Unti-unting sumungaw ang ngiti sa mga labi niya habang may halong paghanga ang kaniyang mga mata nang pinasadahan niya ako ng tingin. Hanggang ngayon, iba pa rin ang epekto ng mga titig niya sa sistema ko. Lalo na kung namumungay ang mga mata niya, katulad na lang ngayon. Nagpapaalala kasi iyon ng mga bagay na ginagawa niya tuwing niroromansa niya ako. Hindi ko tuloy napigilan ang tila apoy na sumisiklab sa aking katawan. Napansin niya iyon dahil may katugon na init ang makikita sa mga mata niya. Humakbang siya palapit sa akin. Tumingala ako nang ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin. Nalanghap ko ang natural na amoy niya, pawis na humalo s

