Kabanata 48 - Salarin

2666 Words

“ALAM BA NI Diego na gusto mong sumama sa akin?” tanong ni Nana Rosa. “Naiinip na ho ako,” naiinis na reklamo ko. “Hindi ako puwedeng lumabas ng bahay. Kahit sa hardin lang ako pupunta, lagi pang may kasama. Talo ko pa ang bilanggo nito.” “Nag-aalala lang ang asawa mo.” “Hanggang kailan? Pati ang pang-araw-araw na gawain ko, napeperwisyo na rin.” “Hangga’t ’di pa nahuhuli ang nagtatangka sa buhay n’yong mag-asawa.” “Aksidente ang nangyari noon. Galit lang si Diego dahil sa ginawa ko, kaya hayun, pinalalaki niya ang isang maliit na bagay.” “Hindi aksidente ang nasagap kong balita.” “Ginagamit lang ho ni Diego na dahilan ’yan para ’di ako makalabas ng bahay. Basta, sasama ho ako sa inyo.” Pinag-ekis ko ang braso sa dibdib ko. Tinitigan ako ni Nana Rosa bago nakangiting umiling-iling.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD