“MAUPO KA NGA at nahihilo ako sa ’yo,” sita ni Doña Claudia. “May tumawag na ba ng doktor?” tanong ni Diego. “Oo. Makailang ulit na naming sinagot ang tanong mo.” “Kung tama ang hinala ko, hindi na kailangan ni Miranda ng doktor.” Si Nana Rosa iyon. Kanina ko pa naririnig ang usapan nila pero ayaw ko munang idilat ang mga mata ko. Nahihilo pa ako. “Hindi na kailangan? E, hanggang ngayon wala pa rin siyang malay.” Umuga ang kama. Hula ko, si Diego ang umupo sa tabi ko. Tama ako, malaki kasi at magaspang ang kamay na humaplos sa palad ko. Napilitan akong idilat ang mga mata ko. Medyo madilim sa loob ng silid. Nakasara kasi ang kurtina. Kahit ang malamlam na ilaw sa ibabaw ng lamesita ay hindi rin nakasindi. Napansin agad ni Diego nang magmulat ako ng mga mata. Nagkaroon ng buhay ang s

