Kabanata 32 - Bitag

2224 Words

“SIGURADO KA NA ba sa gagawin mo?” tanong ni Nana Rosa. “Miranda, huwag kang padalos-dalos ng desisyon. Baka kung ano’ng mangyaring masama sa ’yo sa pupuntahan mo. Babae ka pa naman.” “Buo na ho ang pasya ko,” malungkot na sagot ko. “Kung ’di lang nataon na maraming bisita sina Don Miguel, sasamahan na kita.” Malalim na bumuntonghininga siya. “Huwag kang aalis hangga’t wala pa kami ng Tatang mo. Ihahatid ka namin sa estasyon ng tren.” Tango lang ang kaya kong isagot. Kahit nga ang sulyapan siya ay hindi ko na nakuha pang gawin nang bumaba ako ng kalesa. Naninikip kasi ang dibdib ko. Napalapit na sila sa akin nang lubusan sa maikling panahong nakasama ko sila. Dumiretso ako sa silid pagpasok ko pa lang ng bahay. Isinilid ko sa tampipi ang mga damit ko. Kakaunti lang ang gamit ko kaya ag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD