Chapter 7

1644 Words
“Pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga,” saway ko sa kaniya. Nginitian naman niya ako. “Grabe naman sa manhid iyang puso mo,” aniya at binuksan ang karton ng pizza. Umahon na rin ako at tumabi sa kaniya. Tinanggap ko ang ibinigay niyang pizza at kumain na rin. “Hindi mo ba talaga bet si Kuya Asul? Mas bet mo si Onyx?” tanong niya. “Wala akong bet sa kanilang dalawa para tapos na. Isa pa, wala akong panahon para sa ganiyan. Tigil-tigilan mo ako sa panunudyo mo, Debbie,” saad ko. “Iyang Kuya Asul ko, never pa yatang na-in love. Ewan ko riyan, hindi namin alam kung ano ang nangyari. Basta na lang naging known na babaero. Alam mo bang hindi iyan halos makausap ng ibang tao,” aniya. “Bakit naman?” “Kasi super maldito ‘yan as in. Isang beses ko lang nakita ang mga kaibigan niya. Puro mga pogi at bilyonaryo. Ganoon din sa kaniya, maldito at mahirap lapitan. Hindi makausap nang maayos. Buti nga dahil sa pagiging politiko natuto na ring makipagkapuwa-tao katagalan,” kuwento niya. “Ang daldal ng pinsan mo, Debbie. Parang ikaw lang din,” sagot ko. She grinned at me and shake her head. “No girl, he’s only talkative towards people he’s comfortable to be with. Kapag kinakausap ka niya at nakikipagharutan pa sa ‘yo, ibig sabihin nu’n type ka niyang talaga. Bihira iyan makipag-usap. Kahit maraming babaeng lumalapit sa kaniya at nagpapakantot ay alam nilang hindi palasalita ang pinsan kong ‘yan. Ilang babae na ang umiyak dahil pagkatapos pasukan basta na lang pinapauwi, ganoon,” wika niya. Napangiwi naman ako. “Tapos tinutudyo mo ako sa kaniya? Ayos ka lang? Gusto mo na ganoon din ang mangyari sa ‘kin?” asik ko. Natigilan naman siya at tiningnan ako. “Girl, iba ka. Magkaiba ang sitwasiyon niyong lahat. Iyong mga babe na ‘yon, mga panandaliang aliw lang. Tawag laman lang at kilala ko si Kuya. Walang balak iyan mag-settle down. Men will always be men lalo na sa edad niya. Idagdag pang he grow up in a liberated country pa. But knowing what he’s doing for you, sa tingin ko ay iba na ‘yan. Wala ng babaeng nakalalapit sa kaniya ngayon balita ko. He’s cleaning his reputation for you,” aniya at tila kilig na kilig pa. Umiling naman ako. “Hopeless case ka na. Sa tingin mo ba kayang magbago ng mga lalaki para sa isang babae? Mukhang imposible lalo pa at gawain na niya. Hahanap-hanapin niya ang nakaugalian niya, and he will never be contented,” sambit ko. “You’re probably right there, Lana. But in our family, we don’t tolerate cheating. Open kami sa mga nangyayari sa buhay namin. We have the freedom to do whatever we want as long as we’re single. Wala kaming naaapakang tao, at walang napeperwisyo. Lahat ng may dugong Virgon ay masarap magmahal. Kapag nagmahal nang totoo, paniwalaan mong hindi na magbabago iyan. Check mo pa lahat ng records namin. Walang cheating once committed na. Kaya siguro normal na lang sa amin na may mga scandals and issues about our personal lives and we don’t make it an issue inside our circle. Pero kapag nakita mo na ang the one mo, tapos na lahat ng kaligayahan mo nu’ng single ka pa. You should commit yourself towards your partner na,” paliwanag niya. “Paano kung iba ang Kuya Asul mo?” “Hmm, hindi siguro kasi mga kuya ko ganoon din sa kaniya eh. Bago nagsipag-asawa ang daming mga nakasamang babae. Pero nu’ng nagkagusto na, wala na. Kahit maghubad pa lahat ng kababaehan sa daan hindi na matutukso ang mga ‘yan,” sagot niya. “Hindi ba puwedeng mag-commit na lang sila sa mga babaeng gusto nila? Kung hindi pa dumarating why not focus na lang sa sarili nila instead na makipag-s*x kung kani-kanino,” sambit ko. “Come on, girl. Iba ang culture nating mga pinoy sa kanila. We’re not pure pinoy. Hindi rin lahat ng kamag-anak namin nandito. Lahat ng boy’s ng family, sa states lumaki at nagtapos ng pag-aaral. They’re all liberated. Alam mo naman kapag ganoon. Kilala sila sa university nila and hindi naman made-deny that they’re attractive. They’re just enjoying their life way back. Mapupusok pa kaya sugod kung sugod,” litanya niya. “Sabagay,” sambit ko. “We can’t do anything about someone’s past lalo na kung sa mga panahong iyon ay wala tayo. Ang importante ay ang ngayon. It is what we are living for---the present time,” wika niya pa. Tumango naman ako at napatingin sa mesa. “Wala pala tayong softdrinks,” wika ko. “I’ll get sa kusina,” ani Debbie. “Huwag na, ako na,” saad ko. “Sure?” aniya. “Oo, ako na. Wait lang,” sambit ko at tumayo na. Kaagad na sumipol naman siya. “Sexy!” aniya at kinindatan pa ako. I just rolled my eyes. Pagpasok ko sa kusina ay dumeritso na ako sa refrigerator at binuksan iyon. Kumuha ako ng apat na cola in can at akmang isasara na iyon nang mapansin ko ang bulto ng lalaki sa likod ng pinto ng ref. Kamuntik ko na ring mabitiwan ang hawak ko dahil sa sobrang gulat. “s**t!” saad ko at napapikit. Pagdilat ko ay hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. He was leaning towards me. He’s towering me dahil sobrang tangkad niya. Lalo kong natitigan ang kaniyang guwapong mukha sa malapitan. para akong naliliyo sa klase ng tingin ng kaniyang mga mata. “B-Bakit?” Halos pabulong na lamang ang boses ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Ramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko. Napalunok ako nang makitang titig na titig siya sa akin. Umayos ako sa aking pagkakatayo at pakiramdam ko ay nawawalan na ng lakas ang kamay ko. “N-Nakakagulat ka,” sambit ko at kahit naiilang ay ngumiti ako nang tipid. Tumalikod na ako at akmang aalis na nang magsalita siya. “The other coke fell,” matigas niyang wika. Napakunot-noo ako at napatingin sa hawak ko. Tatlo na lang nga. Ni hindi ko man lang napansin na nahulog na pala. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga sa kaniya. Hindi ako sanay sa nakikita ngayon. He’s dead serious and this is not the Mayor Blue I get to know. “Excuse me,” saad ko at nasa likuran niya ang coke. Kinuha ko naman iyon at bago pa man ako makaalis ay ramdam ko na ang hininga niyang tumatama sa batok ko. “Kristine Lana, what do you think you’re doing?” he asked almost a whisper. Napapikit ako dahil ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa batok ko. Hinarap ko naman siya which is a very bad move. My mouth opened and close after. Hindi ko na mahagilap ang tamang salitang sasabihin sa kaniya. Humakbang naman siya kaya napaatras ako. “A-Ano ang ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. Humakbang pa siya ulit hanggang sa mapasandal na ako sa lababo. “Ikaw ang gusto kong tanungin niyan. What magic did you do to me?” aniya. “H-Huh?” I swallowed the lump on my throat when he’s already too close to me. Hindi ko rin magawang umiwas sa mga mata niya. “What kind of witchcraft did you use, Lana? I can’t sleep without seeing your beautiful face first. And...” Hinawakan niya ang mukha ko tapos ang labi ko. Hindi ako makareklamo dahil aminin ko man o hindi nawawalan ako ng lakas pagdating sa kaniya. I feel so weak. “And this luscious lips of yours, hindi ako pinapatulog sa gabi,” aniya. He seemed problematic. “W-What do you mean?” kinakabahan kong tanong. “Let’s see what’s the answer,” aniya. I stunned there while feeling his kiss on my lips. Pakiramdam ko ay nabato na ako dahil sa paghalik niya sa akin. It was soft and subtle. Ramdam ko pa ang paggalaw ng kaniyang labi at hindi ko naman alam kung ano ang gagawin dahil wala kong alam. Ilang saglit pa ay lumayo siya nang kaunti at nginitian ako. “It’s a sin lusting over you, baby girl. But what can I do? I’m ready to go to hell kung ikaw naman ang kapalit,” aniya. Napalunok naman ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Sa galit ko nga ay malakas na sinampal ko ang mukha niya. “Hindi ako pangkamot ng libog mo, Blue Virgon,” matigas kong sambit. Nanginginig ang kamay ko sa galit sa kaniya. He just looked at me and smiled devilishly. “Too bad, that kiss gave me the rights to own you fully, my Kristine,” aniya at hinawi pa ang iilang hibla ng buhok ko. Akmang itutulak ko siya para makaalis na subalit hindi man lang siya natinag. “Ano ba? Hindi dahil nahalikan mo ako ibig sabihin nu’n ay may karapatan ka ng bastusin ako. You’re pathetic!” inis kong wika. He just smiled happily at me. “I really like you when you’re like that, mad, fierce...just like a tigress ready to devour me. You can devour me any time, baby girl,” aniya na tila ba’y natutuwa ako sa naririnig mula sa kaniya. “Baliw ka na,” saad ko at itinulak siya gamit ang natitira kong lakas. “I like you,” aniya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. “I like everything about you, Lana,” aniya habang nakangiti sa akin. “You think dahil sinabi mo iyan automatic na magugustuhan din kita pabalik? Dream on,” saad ko at iniwan na siya nang tuluyan. Gusto ko siyang suntukin sa ngala-ngala niya. Nakakainis siya! Natigilan ako saglit at inis na napapadyak. Napahawak ako sa labi ko at napapikit. “That devil!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD