"Lana!' tawag ni Debbie sa kaibigan niyang nakaupo sa nakahigang puno ng niyog. Nilapitan niya ito at tinabihan. Malayo ang tanaw at mukhang malalim ang iniisip. Matagal-tagal rin bago sila nagkita ulit. Naging busy rin kasi siya sa buhay niya. Pero ganoon pa rin naman sila. Parehong mahal ang isa't-isa na para bang totoong magkapatid. "Mukhang tinodo na talaga ni, Kuya ang pag-angkin sa 'yo ah. Congratulations!" nakangiting bati ni Debbie sa dalaga. Ngumiti naman ito at tinikwasan siya ng kilay. "Humabol pa nga kayo sa 'min eh," sagot nito. Mahangin at hindi masiyadong maaraw kaya masarap tumambay sa tabing dagat. Pareho nilang ine-enjoy ang katahimikan. "Debbie, maraming salamat ah. Kung hindi kita naging kaibigan hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Masiyadong maraming na

