Kinakabahan ang dalaga habang nakaupo sa upuan ng reserved table nila para makipag-usap sa mga Sullivan. Hinihintay nila ang pagdating ni Ryu. Tumawag ito kanina at may inaasikaso pa raw. Subalit inabot na ng halos isang oras ay hindi pa rin ito dumarating. “Is he really that important para hintayin nang sobrang tagal?” reklmo ng ama ni Archer. Katabi ni Debbie si Archer na tahimik lang. “Debbie, tawagan mo nga ulit,” utos ng ina niya sa kaniya. Kinakabahang tumawag naman siya subalit hindi na ma-contact ang binata. Para naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Baka nga tama ang mommy niya. Baka iniwan na siya sa ere ni Ryu. “Are you okay?” tanong sa kaniya ni Archer. “Kapag hindi siya dumating, mawawalan na tayo ng rason para hindi ipagpatuloy ang kasal natin,” nag-aalalang sag

