Sabay na napalingon kami ni Blue sa pintuan nang marinig ang tawa ng matanda. Lumayo ako sa kaniya nang makita si Baduday na parang namimilipit pa sa kilig habang nakatingin sa amin. “You look constipated,” komento ni Blue kay Baduday. Lumapit naman siya sa amin at nanunukso ang tingin. “Sige kiss na kayo, nandito na ako. Kanina pa kayo naghahabulan e. Gusto niyo yata may audience,” wika niya habang naninipat ang tingin sa tiyan ni Blue. “Sherep,” komento niya habang nakangisi at akmang hahawak pa sa tiyan ni Blue nang mabilis na nagtago ang huli sa likod ko. “Hey!” saway nito sa kaniya. “Master naman, kita ko na lahat ‘yan,” aniya at tila kinikilig pa. “Lana saw it too,” sagot ni Blue. Natigilan naman si Baduday at nakatuon na sa akin ang tingin. “H-Hindi ko ‘yon sinasadya, ano b

