Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Parang nawalan na rin ako ng gana na magpatuloy sa pag-aaral. Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng pagod na hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang katok. “Lana! Gising ka na ba? Baba na para makakain ka. Importante ang agahan.” It was Baduday. “Susunod ako,” sagot ko at bumangon na. Napatingin ako sa langit at mapait na napangiti. “Maybe I can live with this pain. Sigurado naman akong darating ang panahon na masasanay na rin ako sa ganito. Alam kong nakabantay lang kayo sa akin. Mahal na mahal ko kayo,” mahinang saad ko at nagbanyo na muna. Nang matapos ay bumaba na ako at kaagad na nakita si Baduday na naghahain ng pagkain. “Kain ka na,” nakangiting sambit niya. Tumango naman ako at umupo na. “Si Blue po?” usisa ko

