Nakatingin lamang ako sa kabaong ni mama at papa na ibinabaon sa lupa. Hindi ako makagalaw at pagod na rin ang mga mata kong umiyak. Parang sinama na rin nilang ibaon ang puso ko sa sobrang sakit.
Napalingon ako kay Debbie na malungkot na nakatingin sa akin at sumandal sa akin para yakapin ako.
“I’m still here, pangako ko sa ‘yo na hinding-hindi kita pababayaan Lana,” aniya.
Hindi naman ako makakibo at nanatiling nakatingin lang sa harap hanggang sa matapos. Nagsialisan na rin ang mga dumalong mga kasama nila sa eskuwelahan at iilang estudyante.
Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin, indikasiyon na malapit na ring gumabi. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nakagat ko ang aking labi para pigilan sana ang luhang gustong tumakas subalit wala akong nagawa. Ramdam ko na naman ang pamimilipit ng puso ko sa sobrang sakit na parang hindi ako makahinga.
“Lana...”
“S-Susunod ako Debbie, p-puwede bang dito muna ako saglit?” mahinang saad ko. Tumango naman siya at iniwan na muna ako.
Napaluhod ako at humagulgol. Isa-isang bumabalik sa ‘kin lahat ng alaala ko sa kanila.
“M-Ma, Pa...”
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang lapida nilang mamasa-masa pa.
“Bakit niyo ako iniwan? Sana isinama niyo na lang ako. Paano na ako ngayon? Hindi ko kakayanin.”
Napahawak ako sa dibdib ko at ilang beses na pinukpok iyon. Ang sakit-sakit. Napatingin ako sa langit at naikuyom ang aking kamao. Ang laki ng tampo ko sa Diyos. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang iparanas sa ‘kin ‘to. Kung bakit kinuha niya ang dalawang importanteng tao sa akin. Tinanggalan niya ako ng pagkakataong makasama ang mga magulang ko.
Puno ng pait ang puso ko at hindi ko alam kung paano magsisimula. Gusto kong maghiganti. Gusto kong pagbayarin ang mga taong gumawa nito sa amin pero hindi ko alam kung paano.
“Kung talagang totoo ka, ba’t kailangan mo akong saktan? Ano ba ang naging kasalanan ko para parusahan mo ako nang ganito? Mabait ang mga magulang ko, bakit mo hinayaang mangyari ‘to sa ‘min?” matigas kong sambit habang nakatingin sa itaas.
Ilang sandali pa ay napahawak ako sa mukha ko nang maramdaman ang basang pumatak doon. Hindi nga nagtagal at bumuhos na ang malakas na ulan. Natawa naman ako nang mapait.
“Bakit kahit mabuti ang gawin ng tao ay pinaparusahan mo pa rin? Ginagawan pa rin ng pagsubok na sobrang hirap resolbahin? Bakit hindi iyong mga mamatay tao na ‘yon ang parusahan mo?”
Naikuyom ko ang aking kamao at inilabas lahat ng sakit at pait sa pamamagitan ng pag-iyak. Wala man lang akong magawa para bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila.
Natigilan ako nang hindi na ako nababasa.
“Debbie, p-pasensiya ka na. Sobrang skait lang talaga sa ‘kin ang mga nangyayari ngayon. Ang unfir ng Diyos. Bakit ang mga hayop na ‘yon ay parang wala lang na naglalakad kahit saan habang ang mga magulang ko wala na? Bakit may Kalayaan pa rin sila s akabila ng ginawa nilang masama? Ano bang kalseng mundo meron tayo at pumapabor na lahat sa kasamaan? Kung puwede lang... kung puwede lang na ako mismo ang papatay sa mg hayop na ‘yon gagawin ko,” galit kong wika.
Hindi naman siya umimik kaya nilingon ko siya. I was stunned to see Blue. Nakatayo lang siya at pinapayungan ako. Seryoso at nakatitig sa ‘kin.
“Kung gusto mong gumanti, maraming paraan. Ayusin mo muna ang sarili mo. Kapag sa tingin mo okay ka na, t’saka ka lumapit sa ’kin at tutulungan kita,” aniya.
Napakunot noo naman ako.
“A-Ano ang ibig mong sabihin?”
Napalunok ako nang lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako. Parang may kung anong init na tumunaw sa sama ng loob ko.
“Huwag mong kuwestiyunin ang kaloob ng Diyos. Kahit ano pa man, wala tayong karapatang magreklamo sa nakalaang daan para sa ‘tin. Hindi kagustuhan ng Diyos mo na marami ang maging masama. Kagagawan iyon ng mga taong sakim at halang ang kaluluwa,” sagot niya.
“Hindi mo alam! Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi ikaw ang nawalan,” saad ko at sinubukan siyang itulak subalit hindi man lang siya natinag.
“Trust me Lana, I know. I’ll help you get your revenge. Sa ngayon, makinig ka muna sa ‘kin. Hindi ka puwedeng magkasakit. Let’s go home. You need to rest. Kapag okay ka na, mag-usap tayo ulit,” sambit niya.
I am reluctant. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya ngayon. Masiyado ng kalabisan kung pati sa mga killer na ‘yon ay tutulungan niya ako. Ilang beses na niya akong isinalba.
“Sinasabi mo lang ba ‘yan para gumaan ang pakiramdam ko?” matigas kong tanong.
“Ang tigas ng ulo mo,” he commented. Kumunot naman ang noo ko sa pahayag niya.
“Hindi ko sasabihing tutulungan kita kung hindi ko gagawin. Pero lahat iyon may kapalit,” seryosong sagot niya.
“Kahit ano, basta mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko,” I said sternly. He nodded his head and held my hand.
“Basang-basa ka na, uwi na tayo. Say sorry to your God later. Hindi maganda ang mga sinabi mo kanina,” aniya.
“N-Narinig mo?”
“Loud and clear,” he answered.
Hindi naman ako makapagsalita. Binuksan niya na ang pinto ng sasakyan at pumasok na ako sa loob. Kinuha niya pa ang coat niya at ibinigay sa akin.
“Salamat,” tipid kong wika.
Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas. Mahirap para sa ‘kin na iproseso ang mga nangyari pero wala na akong magagawa. Nangyari na, tapos na, wala na ang mga magulang ko. I heaved a deep sigh. Maghahanap na rin ako ng ibang paraan para buhayin ang sarili ko. May naiwang ipon ang mga magulang ko para sa ‘kin. Medyo malaki at puwede ko iyong gamitin para magpatuloy sa buhay.
“Debbie insisted that you stay with them,” sambit niya.
Napalingon naman ako sa kaniya.
“But I said no, sa bahay ko na ikaw titira,” aniya.
“Ha?”
“You’re much safer with me lalo na sa kaso ng parents mo. Isa pa, it would be beneficial for you after all, dahil walang magtatangkang gumawa nang masama laban sa ‘yo dahil kasama mo ako,” wika niya.
Umiling naman ako.
“Hindi puwede, masiyado na akong naging pabigat sa inyo ni, Debbie. May pera namang ibinilin ang mga magulang ko sa ‘kin. sapat na iyon para makapagtapos ako ng college at makapagtrabaho,” saad ko.
“Hindi ba gusto mong gumanti?”
Naguluhan naman ako kung ano ang pinoponto niya.
“Ano ang connect?” tanong ko.
“Let’s talk tomorrow pagkauwi ko. T’saka ka magdesisyon kung ano talaga ang gusto mo,” sambit niya.
Huminga naman ako nang malalim at napapikit.
“O-Okay.”
Napatingin ako sa labas at nagtaka nang makitang hindi ito ang daan papunta sa bahay niya.
“Saan tayo?”
“Sa bahay ko,” sagot niya.
“Pero ibang daan ‘to,” sabat ko.
“It’s a family house. Itong uuwian natin is my own house,” aniya.
Napatango na lamang ako at hindi na siya ulit kinibo pa.
“We’re here.”
Napamulagat ako nang masilayan ang malaking bahay niya. Bumaba na ako at nakatingin lamang doon tapos sa kaniya.
“It’s not from the taxes of the people, okay? Sariling pera ko iyan galing sa businesses ko ang pinagawa ko sa bahay ko,” aniya.
“Defensive,” saad ko.
He rolled his eyes. Kagyat na napangiti naman ako nang tipid. Pakiramdam ko ay may kung anong nabunot sa puso ko.
“Tara na, at uulan na naman ‘to mamaya. Para makapagbihis ka na rin,” aniya.
Tumango naman ako at sumunod na sa kaniya.
“God ebning master of the grate wol of Virg—”
Natigilan ako nang makita ang babaeng may katandaan. Naknagisi siya subalit nawala rin nang makita ako.
“Who’s this?” aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Nakasuot siya ng violet na leggings at neon pink na body suit. Mukhang sa zumba pa ito galing.
“Baduday, this is Lana. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Make her feel at home at marami pa akong gagawin,” wika ni Blue at tiningnan ako.
“She’s my trusted maid here. You can ask her whatever you want, excuse me,” dagdag niya pa at umakyat na sa second floor.
Napalunok naman ako nang makitang titig na titig sa akin si Baduday.
“Lana?” aniya at napahawak sa kaniyang baba.
“Basang-basa ka ah. Nagpahabol ka ba kay, Master?” tanong niya.
“H-Hindi po, kalilibing lang po ng parents ko at umulan kaya ako nabasa,” sagot ko.
Kita ko naman na nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya at biglang naging malambot iyon.
“Tara sa itaas at baka lagnatin ka pa,” aniya.
Sumunod na rin ako at binuksan niya ang pinto ng isang kuwarto. Pagkapasok namin ay dumeritso siya sa bathroom at may ginawa saglit. Paglabas niya ay nakangiti siya sa akin.
“Magbabad ka muna sa bath tub para makapag-relax ang kalamnan mo. Ipaghahanda kita ng damit mo at magluluto na rin ako sa baba. Ila-lock ko ang pinto at baka makalimutan ni, master na bisita ka rito at gapangin ka. Masamang pamahiin ang gapang, nakakalaki ng tiyan. Bloated ka nine months,” aniya.
“Po?”
Ngumiti naman siya.
“Sige na, alis muna ako. Pagkatapos mo riyan ay bumaba ka na para makain ka mamaya ni, master,” aniya.
“Ha?”
“Lana, ang ganda mo, pero bungol ka no. Hayaan mo, lilinisan natin ‘yan bukas. Ang sabi ko kasi bilisan mo na riyan para magkainan na kayo ni, master,” wika niya.
“Po? N-Naku! Hindi po, wala pong nangyari sa ‘min ni, Mayor Blue,” paliwanag ko.
Tumikwas naman ang kilay niya at tila tinatantiya kung nagsasabi ako nang totoo.
“Nangyari? Bakit? May dapat bang mangyari sa inyo? Kakain lang naman kayong dalawa sa baba. Aba! Iba yata ang pagkakaintindi mo sa akin, Ineng,” aniya at tila tinutudyo ako.
“S-Sige na po, m-marami pa yata kayong gagawin,” sambit ko.
“Oh? Siya sige, maiwan na muna kita ha,” saad niya. Tumango naman ako.
Nang makaalis siya ay pumasok na ako sa loob ng bathroom at hinubad lahat ng saplot sa aking katawan at basta na lang lumublob doon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang maramdaman ang kaginhawaan.
Napapikit ako at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Nagising ako nang marinig ang mabibigat na yapak mula sa labas.
“Sino ‘yan? Aling Baduday? Blue?” tawag ko.
Subalit wala ni isang sumagot. Kaagad na nilukob ng kaba ang dibdib ko.
“May tao ba riyan?”
Akmang babangon ako nang mapatingin sa pinto ng banyo. Nakatayo roon ang lalaking may hawak na kutsilyo.
“Ahhh! Tulong!”
Hindi ako nakaalis ng bath tub nang mabilis na hawakan niya ang leeg ko. Sinubukan kong kumawala subalit lalo lamang humigpit iyon at hindi ako makahinga.
“T-Tulong!”
Pinaghahampas ko siya subalit lalo lamang akong nadiin sa bath tub at hindi na makahinga dahil sa tubig na lumulunod sa akin.
“Shh! You’re dreaming, wake up. You’re okay.”
Naimulat ko ang aking mata at nakita si Blue na alalang-alala sa akin.
Mabilis na nayapos ko siya at hinayaan ang sarili kong tahimik na umiyak. Hinayaan niya lang din ako na nakayakap sa kaniya.
“Buti na lang narinig ko ang pagsigaw mo. You’re drowning when I came here,” aniya pa.
Hindi naman ako umimik at nang maging okay ay lumayo na sa kaniya at tiningnan siya. Kita ko naman na hindi siya makatingin nang deritso sa akin. Bahagyang namumula pa ang taenga niya.
“B-Bakit?”
Tumayo naman siya at napakamot sa ulo niya.
“You’re actually naked,” sagot niya.
Napatingin naman ako sa katawan ko at nanlalaki ang matang mabilis na binato siya ng sabon.
“Ouch!”
“Manyak ka!” sigaw ko at mabilis na tumayo at kinuha ang bathrobe sa gilid.
“Hey! Ang guwapo ko namang manyak,” asik niya.
I hissed at him. He saw my nakedness. This brute!
“I have no choice. Kung hindi kita iaahon kanina baka wala ka na ngayon. Kotang-kota ka na sa akin. Kahit si Superman mapapagod sa ‘yo at halos araw-araw kailangan kang sagipin. Nagmamagandang loob na nga ako natawag pang manyak. Hindi ko naman sinasadyang makita ang dalawang dibdib mo. T’saka hindi ako tumingin sa baba kahit tanungin mo pa mga engkanto sa bahay na ‘to,” paliwanag niya.
Sinamaan ko lamang siya ng tingin.
“Umalis ka na nga,” inis kong wika.
Tatawa-tawang tiningnan niya naman ako.
“You have a mole under your breast, it’s cute,” aniya.
Akmang babatuhin ko siya ng shampoo nang kumaripas siya ng takbo palabas ng banyo.