Pagdating ni Maia sa upisina ay tila isa siyang celebrity na kahit may ginagawa ang kanyang mga kasama ay nagbigay galang at bumati sa kanya. Isang beses lamang sa isang linggo siya pumupunta sa upisina at mababakas sa mga mukha ang labis na katuwaan dahil sa kanyang prisensiya. Siya ang boss sa upisina pero hindi kasi siya yung tipong masungit at istrikto. Bagkus masayahin siya, matulungin at maunawain sa mga kasama. Siya yung tipong kahit may mali ang kasama ay hindi ito mapapahiya dahil magaan ang kanyang pagkakasabi at itinuturo kung paano gawin ang trabaho ng mas maganda. Alam niya kasi ang struggle sa trabaho bukod sa pagiging chief editor ay isa din siyang manunulat kaya naiintindihan nya ang mga ito.
“Kumusta po kayong lahat?”, masayng bati niya sa mga ito. Nakakagaan din ng pakiramdam na kahit hindi siya araw-araw na pumupunta sa upisina ay mainit ang pagtanggap ng mga ito sa tuwing pumapasok siya.
„Mabeauty po kaming lahat, Ms. Maia, pero mas mabeauty ka.”, tugon ng mga kasama at hindi niya napigilang tumawa. Kahit paano ay kakaiba din ang kanyang pakiramdam kapag may mga kasama siya sa paligid compare sa mag-isa siyang nagtatrabaho sa bahay.
„Mabuti naman po kung ganon, dapat maganda pa rin kahit nakakaistress ang work, di po ba?”, nakatawang saad niya at sumang-ayon naman ang mga kasama.
„At huwag ding kalimutan lumandi, Ms. Maia.”, pilyong wika ng isa at lubos siyang natawa. Sa department niya ay halo-halo ang personality ng kanyang mga kasama kaya kahit nasa seious mood ang paligid ay bigla bigla na lamang magkakaroon ng ingay dahil may mga nagpapatawa.
“Nakalandi na po ba ang lahat?”, biro ding tugon niya.
„Siyempre, ikaw na lang, Ms. Maia ang hindi.”, saad ng isa at mas lalo siyang humagalpak ng tawa.
“Sa ganda mong yan, ma’am, wala pa kayong boyfriend?”, wika ng isa at natatawa pa rin siya habang naiiling. Mali na naman to, siya na naman ang nakita ng kanyang mga kasama.
„Imposible! Sinong hindi magkakagusto sa tinaguriang Rosalinda ng CPC?”, pahayag naman ng isa at itinaas lamang niya ang kamay na tila hindi interesado sa topiko. Sadya talagang mailap siya kapag tungkol sa lovelife niya ang topic.
“Back to work na po tayo.”, nakatawa pa rin namang pangdidismiss niya sa usapan. Pero bago tumuloy sa pribado niyang upisina ay inutusan niya ang kanilang eceptionist na mag-order ng pagkain para sa lahat. Dahil dito ay natuwa ng mga kasama at inulan siya ng maraming thank you.
Bago magtanghali ay pumasok si Nicholai Perez, ang presidente ng CPC. Simula noong nagsimula siyang magtrabaho dito ay ilang ulit na rin itong nagtutungo sa kanyang upisina lalo kapag may ipapagawa itong importarte sa kanya. Kahit kasi ito ang presidente ay never siyang tumapak sa upisina nito kahit ilang beses pa siyang ipatawag kaya ang ending ito na ang mismong pumupunta sa kanya. Pagsulyap palang niya dito mula sa ginagawa ay agad nasira ang kanyang mood. Kung meron mang mga tao na ayaw niyang nakikita ay kasali ito sa top list.
“Hi, sis!”, turan nito kasabay ng pag-upo nito sa bakanteng upuan sa harap ng kanyang mesa. Nainis siya sa basta na lamang pag-upo nito pero mas lalo siyang nairita sa pagtawag nito sa kanya.
“Excuse me! I don’t have a brother. I am not your sister!”, pagtataray niya dito. Ngunit sa halip na mainis si Nicholai ay tumawa lamang na tila sanay na sa kanyang attitude, and she hates it.
“Para ka pa ring maliit na bata nagtatuntrum.”, pahayag ni Nicholai habang nakatawa at mas lalong umasim ang kanyang mukha.
„It’s not tantrum. I just hated you, period!”, walang preno ang bibig na patutsada niya dito.
“Maia, matagal na yun. Can’t we all move on?”, si Nicholai ngunit tinaasan lamang niya ito ng noo.
“No! Dahil kahit pagbaliktarin mo pa ang mundo hindi mawawala ang katotohanan na inagaw ninyo ng mommy mo ang daddy ko!”, matigas niyang wika dito. Kahit pa dekada ang nakakaraan hinding hindi mawawaglit sa kanyang isip na ang nanay nito ang reason kung bakit nasira ang kanilang pamilya.
“Haist! Let’s stop this. Kahit ano namang paliwanag ko ay hindi mo tinatanggap, and I am not here for that, anyway.”, pagdedebunk nito sa kanyang walang hanggang akusasyon. Pero masisisi mo ba siya kung iyon ang kanyang nararamdaman? Sariwang-sariwa pa rin kaya ang sugat sa kanyang puso dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Pero infairness naman kay Nicholai, kahit tinatarayan niya ito ay never naman itong nagpakita ng pagkapikon sa kanya. Parang nauunawaan nito kung saan nanggagaling ang inis niya kaya sa halip na patulan siya ay nagiging mabait pa rin ito sa kanya. Kaya kahit nanggigigil at gusto niya itong sakalin ay inirapan na lamang niya.
“Nathalie Olivares is scheduled to come home.”, pagsisimula nito na hindi pinansin ang kanyang pag-irap.
“Pakialam ko!”, mahinang turan niya sa sarili.
„Maia!”, seryosong saway nito dahil narinig nito ang kanyang sinambit.
“And so, kung uuwi siya?”, mataray niyang wika.
“She is the only Filipina supermodel making waves internationally. We should definitely cover her in the magazine.", biglang nagliwanag ang mukha ni Nicholai habang binabanggit ang tungkol sa supermodel.
“Okey. Mag-aasign ako ng writer para sa kanya.”, simpleng pahayag niya dito.
“No! I want you to personally do the job.”, si Nicholai at pinangunutan niya ito ng noo.
“As an international fashion star. She deserves the best writer the CPC could have.”, pahayag pa ni Nicholai at unti-unti siyang napangiti ng may pagkasarkastiko. As if hindi niya kilala ang kanilang mga witers, sa lahat ng publications sa CPC makikita ang mga pinakamagagaling na manunulat sa buong Pilipinas.
“Lahat ng writers ng CPC ay magagaling, kahit sino sa kanila pwedeng icover yang international model na nasinasabi mo.”, inis niyang pahayag dito.
“Yeah, but I really like your style. I'm planning to create a female version of 'The Bachelor,' and I think Nathalie Olivares would be perfect to start with.", si Nicholai na halatang naexcite sa sariling idea. “The Bachelor’s” is very popular not only in the Philippines but across Asia. Sold out palagi kapag may bagong edition na narereleased. Pero sa isip niya maganda ring ideya yung mayroon din itong female counterpart na sinasabi ni Nicholai.
“Very nice idea! Pero mag-assign tayo ng ibang writer para diyan.”, suwestiyon niya at mabilis itong umiling.
"You will do it! As the president of this company, I'm ordering you to do so because the success of this project is important to our company's future. YOUR company’s future!”, pagdidiin ni Nicholai at di niya napigilan ang pagtaas ng todo ng kanyang kilay. Parang gusto niyang ibato sa mukha nito na “sino ka para utus-utusan ako” pero unti-unti ay narerealized niyang may tama din ito kahit papaano.
“Okay! I’ll do it for MY company’s sake.”, mataray niyang pahayag. Rumehistro sa mukha ni Nicholai ang pagkagulat dahil hindi yata nito inexpect ang kanyang pagpayag.
“Oh! Thank you, my beautiful sister. You are absolutely amazing!”, turan nito habang abot hanggang tainga ang pagkakangiti.
“Correction, stepsister!”, wika niya ngunit tila wala naman itong narinig sa pagtatama niya.
"Daddy will be happy about this.", sa halip ay mas excited nitong pahayag.
"He's not your daddy. He’s my daddy!"mulagat niya dito.
“Ugh, whatever! Fine. I'll handle all the arrangements with Nathalie's camp. Just be prepared. Ciao, my beautiful stepsister!" nakangising paaalam ni Nicholai pakatapos ay mabilis na tinungo ang pintuan kahit hindi pa siya sumasagot. Nainis siya ngunit hindi naglaon ay napailing na lamang pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa.