Chapter 6

1362 Words
“Nathaniel!”, si Mrs. Leticia Olivres, ang mommy ni Nate. Mga ilang araw niyang hindi naakakausap ang ina kaya nagulat siya sa biglaan nitong pagtawag. „Mom?”, halos kinakabahan niyang tugon sapagkat hindi ito napapatawag kung hindi importante at walang problema. „Darating ang kapatid mo sa susunod na linggo kailan ka uuwi sa bahay?”, turan ng ina at lihim siyang napahinga ng maluwag. Akala niya may nangyari na namang hindi maganda sa kanilang ama na sa ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling mula sa karamdaman. „Mom, para namang ang layo layo ko sainyo? Sa townhouse lang naman ako nakatira.”, patamad niyang tugon sa ina. „Yun na nga! Ang lapit lang pero hindi ka nakakauwi na parang wala kang pamilya?”, sermon ng ginang at hindi niya napaigilang mapailing. “Mommy, alam niyo namang busy ako sa business natin.”, mahinahon pa ring tugon niya. Kahit naman makulit ang kanyang ina ay hindi naman niya magawang mainis dito. “Ang sabihin mo busy ka sa babaing ibinabahay mo! Nathaniel, I'm warning you again. Can't you at least try to be decent?”, panenermon ng mommy niya at napahawak siya sa kanyang sentido. “Here we go again.”, mahinang turan niya ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ng ina. “Anong klaseng babai yan at pumapayag sa ganyang set-up? Kung matino yan at may delicadeza dapat nag-ask na yan na pakasalan mo siya.”, ang ginang at mas lalo nasapo niya ang ulo. Kung ano-ano ang naiisip nito, hindi ba pwedeng hindi lahat ng babae ay pare-pareho ng pananaw? “Mom?”, saway niya dito. “Sigurado ka bang kilala mo na ang babaing iyan? Anong katauhan niya? Galing ba siya sa Buena familia? Kung hindi, mag-isip isip ka. Alam mo kung gaano pinangalagaan ng kanununuhan natin ang reputasyon ng ating pamilya.”, patuloy pa ng ginang at parang gusto na lang niyang ibaba ang hawak na telepono. What's wrong with him being with a girl he wants? Hindi ba sapat na mahal niya ang kinakasama at masaya siya dito? "Think a million times, Nathaniel. You're not getting any younger!”, babala pa nito kaya mas lalo siyang nailing. “I'll be home when Nathalie gets here.”, sa halip ay tugon niya sa ina. "Make sure you bring a decent and well-respected woman.”, pahayag ng ginang at hindi niya napigilan ang mapabuntunghininga. “Of course.”, tugon niya dito bago nagpaalam at pinindot ang end button ng cellphone. Pagkatapos makipag-usap ni Nate sa kanyang ina ay patamad niyang binitiwan ang cellphone sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay inihilig ang ulo sa swivel chair. Parang mas lalo siyang naistress sa pakikipag-usap sa kanyang ina kesa sa pagbabasa sa mga dokumentong nakabinbin sa kanyang mesa. Parehong galing sa marangal at Buena familia ang mga magulang kung kayat napakataas ng standard ng mga ito pagdating sa kanilang magiging karelasyon. At dahil wala pang boyfriend at girlfriend ng dalawang nakababatang kapatid ay siya ang subject for scrutiny lalo na ng kanilang ina. Nang malaman nitong isang simpleng manunulat ang kanyang kinakasama ay hindi nito naitago ang labis na pagkadisgusto. Pero hindi naman iyon naging hadlang sa kanya upang ipagpatuloy ang nasimulan nilang relasyon ni Mia. Hindi man niya inabalang alamin kung ano ang family background nito ay ramdam niya sa kanyang puso na mabuti itong tao. Ang sayang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito ay nagiging sapat upang mas lalo niya itong mahalin at pagkatiwalaan. Pag-uwi ni Nate kinahapunan ay naroon na sa bahay si Mia. Tulad niya ay pumasok din sa upisina pero tinitiyak nitong madadatnan niya ito sa bahay pag-uwi niya. Wearing her signature white dress and with her long, curly hair falling down her shoulders, she looked incredibly fresh and beautiful. Halatang bagong ligo ito dahil humahalimuyak pa sa buong bahay ang gamit nitong sabon at shampoo- ang pinakapaborito niyang scent sa lahat. Plus, the sweet and lively smile she gave him whenever she saw him made him fall even more deeply in love with her. “Babe, you’re here na?”, parang hindi makapaniwalang turan ni Mia habang nakangiting sumalubong sa kanya. Medyo napaaga siya ng uwi kaya siguro nagtaka ito sa kanyang maagang pagdating. Agad itong yumakap pagkatapos ay humalik sa kanyang mga labi. Sa sobrang presko at bango nito ay nayakap din niya ito ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan ng matagal ang malambot at mapupula nitong mga labi. Halos pareho pa nilang hinahabol ag paghinga ng lubayan niya ito. “I miss you, baby.”, madamdaming pahayag niya sa dalaga pagkatapos. “I miss you more, babe.”, nakangiti namang tugon nito habang ipinalibot ang mga kamay sa kanyang batok. “How’s your day?”, saad niya dito habang hindi mapigilan ang sariling paglakbayin ang mga mata sa napakaamo at napakagandang mukha nito. “Medyo stressful pero okey lang naman. And you?”, tugon nito kasabay ng paghaplos nito sa kanyang buhok. “As usual, I feel drained kaya umuwi ako ng maaga.”, wika niya at mahina itong tumawa. “Tamang tama nakahanda na ang ating hapunan. Bihis ka muna habang papainitin ko ang paborito mong sabaw.”, pahayag nito at agad rumehistro ang excitement sa kanyang mukha pagkarinig sa paborito niyang sabaw. Parang kailangan nga niya ang sabaw na yun para maibalik ang nawala niyang energy. “Okey, baby. Magpapalit lang ako saglit, I love you.”, aniya sa dalaga at nakangiting humalik ito sa kanyang pisngi. “I love you too, babe. Sige na, bihis na.”, pagtataboy ng dalaga kaya naman nakatawa siyang pumasok sa kuwarto habang ito naman ay tumungo sa kitchen. “Baby, don't you think it's time to take things to the next level?”, saad niya sa dalaga habang magkaharap para sa hapunan. “What do you mean?”, puzzled na tanong nito kasabay ng pagkunot ng noo. “Baka pwede ko ng makilala ang iyong mga magulang?”, pahayag niya at kapansinpansin ang pagkatigil nito habang hindi makapaniwalang tumitig sa kanyang mukha. “Kailangan pa ba yun?”, maya maya ay tugon nito. “Don’t you think so?”, pakibit niyang pahayag at halatang napaisip ito. “Oo naman, kaya lang ay…”, may pag-aalinlangang wika nito. “Kaya lang ay?”, turan niya habang mas lalong nacurious sa susunod nitong sasabihin. “Patay na kasi ang lola ko kaya wala na akong pamilya.”, atubiling pahayag ni Mia ngunit naitaas lamang niya ang noo at hinintay ang iba pa nitong sasabihin. “Mag-isa na lang talaga ako.”, saad nito. „Your mom and dad?”, tanong niya habang matanggal tanggal sa mukha ang curiosity. Bahagya itong tumitig sa kanyang mukha pagkatapos ay nagpakawala ng isang mapait na ngiti. "I came from a broken home at may kanya kanya ng pamilya ang mommy at daddy ko kaya mag-isa na lang ako.”, may lungkot sa himig nito kahit pilit nitong itinago sa isang payak na pagngiti. Napatitig naman si Nate dito. Sa mahigit dalawang taon nilang nagsasamaay ngayon lamang ito nagpakita ng pagkalungkot. All throughout ay napakasweet nito at masayahin, hindi niya akalain na may itinatago itong hinagpis. Gusto niyang tumayo at yakapin ito ng mahigpit ngunit biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang nagbabantang boses ng kanyang ina. Napalunok siya. Mas lalong hindi nito matanggap ang dalaga kapag nalaman nitong galing ito sa isang sirang pamilya. “Sorry. Wala akong maipagmamalaking pamilya.”, saad nito in a low tone na para bang nanliliit ito sa kanyang paningin. Labis siyang nahabag sa dalaga kung kayat tuluyan siyang napatayo at niyakap niya ito. “You don’t have to feel sorry. It’s fine with me.”, pag-aalo niya sa dalaga at napayakap ito ng mas mahigpit sa kanya. Thanks, babe. I promise you, I'm not going to repeat my parents' mistakes.", masayang pahayag ng dalaga at hinalikan niya ito sa ulo. Seeing her so determined and sincere, he was overwhelmed with the desire to hold her in his arms forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD