“Wazzup, men?”, it was Mike who was on the phone. Magseseven na ng gabi at palabas na si Nate sa upisina upang umuwi. Nakatanggap na din siya ng mensahe mula kay Mia nakahanda na ang paborito niyang pagkain para sa kanilang hapunan. Hindi kasi masiyadong kalayuan ang bahay niya sa kanyang upisina kaya siguradong mainit init pa ang mga inihanda nitong pagkain.
“Hey, I'm heading out of the office now. Did you need anything?", saad niya sa kaibigan at natawa si Mike sa kabilang linya.
"Why so serious, dude? Come over, I'm having a small party!", ora-oradang pag-imbita ni Mike na para bang nasa kabilang kanto lamang ang layo ng bahay.
“Aw man! Why didn't you say it earlier? I'm heading home already, Mia's waiting for me.", wika niya at mas lalo lamang itong natawa na as if meron siyang nabanggit na nakakatawa.
"Mia again? So what if she's waiting? Can't you have a little fun for once?", si Mike at napangiti lamang siya sa maling interpretation nito.
"It's not like that. She made dinner for us, and I don't want to keep her waiting.", pahayag niya at napaungol ito sa pagprotesta.
“Oh, come on, Mia can wait! Sige ka kung hindi ka pupunta magtatampo na talaga ako saiyo.”, parang batang turan ni Mike at hindi niya napigilan ang pagtawa. Mike is a little stubborn at hindi ka nito tatantanan hanggat hindi ka sumasang-ayon kaya pumayag na lamang siya kinalaunan.
"Alright! I'll stop by for a bit so you don't get mad, but I can't stay too long. I need to get home.", wika niya at sobra naman itong natuwa.
“Whatever! Masyado namang mahigpit ang Mia na yan how much more kung magiging asawa ka na niya? Di hindi kana makalabas sainyong bakuran?”, hindi pa rin nito maiwasan ang magbigay ng side comment tungkol sa kanyang girlfriend kahit pumayag na siyang magdrop by para sa imbitasyon nito.
“You’re crazy, men. I already said yes to your invitation.”, nakatawang pahayag niya at dinig niya ang pagtawa din nito.
“Fine! The wine's waiting, and so are we! Get over here ASAP!”, pahayag ni Mike bago nawala sa ere at napailing niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa. Pagbibigyan na nga lang niya ang kaibigan baka mas lalo itong magtampo. Hindi na kasi siya masyadong nakakadalo sa weekend party nilang magkakaibigan dahil mas gusto na niyang magstay sa bahay kasama ang kanyang kasintahan. Sa dami ng stress niya sa upisina mas gusto niya ang calming presence ni Mia.
Paglabas ni Nate sa elevator ay tinawagan niya agad si Mia upag ipaalam na sasaglit lamang siya kay Mike. Medyo nahiya din siya sa dalaga dahil sa biglaan niyang pagpapaalam para sa biglaang imbitasyon ng kaibigan. Wala naman siyang narinig kahit na kaunting protesta sa dalaga bagkus ay sinuportahan pa nito ang pakikipagkita nito kay Mike.
“Sure babe, no problem with me. Namiss ka ng mga kaibigan mo kaya paminsan minsan ay kailangang pagbigyan mo rin sila.”, pahayag ni Mia na wala man lamang kahit anong bakas ng pagkadisgusto dahil nasayang ang effort nito sa paghahanda ng kanilang hapunan sa pagkaunsiyami ng kanyang pag-uwi.
“Thank you, baby, namiss ko tuloy yung masarap na food na inihanda mo.”, saad niya sa dalaga ngunit natawa lamang ito.
“Hindi naman ito mawawala, babe, pwede ka pa namang kumain pagdating mo pero yung bonding ninyo ng mga friends ngayon hindi na yan babalik kapag hindi ka pumunta.”, ang dalaga kung kaya’t mas lalo siyang napahanga sa pagiging open minded nito.
What he likes most about her is that she has no dramas na para bang napakaperfect niyang partner. Wala man lamang siyang naririnig na kahit anong disagreement dito kahit may mga nakikita siya sa sarili na mga shortcomings. Not unlike other girls na kahit kaunting bagay ay nagiging issue at napakahilig pang mang-away.
“I love you, baby, thank you for being soooo understanding!”, saad niya.
“Love you too, babe! Keep safe and have a good time; that's all that matters to me.”, pahayag ng dalaga kung kayat mas lalo siyang nahead-over-heels dito. Siguro kung nasa harap niya ito ay nayakap na naman niya ng mahigpit at nahalikan na naman niya ito ng walang kasintagal. Sa naisip niya bigla niyang namiss ng todo ang dalaga.
I will, baby. Hang in there, don't fall asleep yet, okay?", turan niya dito.
“I’ll wait for you. Bye. Miss you!”, ang dalaga at napapikit siya habang nakangiti dahil sa kasweetan nito.
“Miss you more, baby. Bye!”, paalam din niya dito bago pinatay ang cellphone. Nakangiti pa niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Napakasarap naman talaga ng feeling kapag nagkakaintindihan kayo ng mabuti ng partner mo. Walang selosan, walang tampuhan, kundi pure love and support lang. At iyon ang hindi nakikita ng iba na mayroon ang kanilang relasyon na hindi niya kayang ipagpalit sa iba.
“Brooo!”, excited na bati ni Mike kay Nate ng mapagbuksan niya ito ng pinto. Very wide pa ang pagkakabukas ng bisig nito kaya napapailing siyang yumakap dito.
“You look so excited parang hindi tayo nagkita sa birthday mo noong makalawa?”, nakatawa niyang pahayag sa kaibigan dahil sa sobrang excitement nito pagkakita sa kanya.
“You know that I’m always happy to hang out with you, bro. Maraming salamat naman at pinagbigyan mo ako.”, si Mike at mas lalo siyang natawa sa drama nito.
“Sabihin mo ba namang magtatampo ka, eh, di ora mismo sumugod na ako.”, wika niya at mas lalong natuwa si Mike.
“That’s my, bro, akala ko hindi kana makakawala sa apat na sulok ng bahay mo.”, si Mike at mas lalo siyang natawa sa biro nito.
“Bakit parang ang tahimik naman ng paligid, asan ang mga tao?”, may pagtatakang saad niya sa kaibigan dahil wala man lang siyang marinig na ingay ng ibang taong nagkakasayahan sa inorganisa nitong small party.
“Small party nga, ano ka ba? Para saatin lang to.”, nakangiting tugon ni Mike at nataasaan niya ito ng noo.
“Huh! One-on-one party pala ito, may problema ka ba?”, hindi niya napigilang turan sa kaibigan. Usually kapag nag-aaya ng ang kaibigan na silang dalawa lamang ay mabigat itong pinapasan at kailangan nitong magrelease ng sama ng loob.
“Wala bro, halika pasok. Doon tayo sa veranda mas presko ang hangin at mas maganda ang view.”, saad ni Mike kung kayat napakibit na lamang siyang sumunod dito. Siguro nga ay namimis lang din nito ang kanilang bonding at hindi nito kailangan ng maraming tao.
Kababata niya si Mike at masasabi niyang mas malagkit pa sa glue shoe ang closeness nilang dalawa. Yung tipong hindi makaalis ang isa kung hindi sila magkasama lalo na noong kabataan nila. Parehong ng kalokohan, kasiyahan, at kung may nagawang kasalanan ang isa siguradong damay silang dalawa. Their special bond was tested, and it thrived even in the best of times.
"Did Mia know you were here?", tanong ni Mike habang naglalakad sila papunta sa veranda.
“Yeah, I told her.”, tugon niya at nagkibit ito.
“Mabuti at pumayag siya?”,
“She gladly agreed.”, nakangiting sagot niya at nakita niyang tumaas ang noo nito. Marahil ay nagtaka ito kung bakit napakadaling pumayag ni Mia sa pagdalo niya sa ora-orada nitong imbitasyon.
“Are you really that serious about her?", si Mike at napangiti siya habang tumingin sa mukha nito.
“Oh well, what if gusto mo lang siyang kasama for the mean time pero hindi mo pala talaga siya gustong makasama habang buhay?”, patuloy ni Mike at napatawa siya ng mahina. Kung tungkol sa pagpapakasal ay wala pa sa kanyang utak pero sigurado naman siyang gusto niyang makasama ang dalaga.
“Maybe her character just suits your expectation, but in reality, it is not what you’re looking for pala. What if there’s someone better comes along? Coming from a well-known family, and mas maganda ang career?”, saad pa rin ni Mike.
“What are you talking about, men?”, hindi makapaniwalang wika niya dito.
“Okey, bukod sa pagiging writer, kilala mo na ba yang si Mia?”, direktang tanong ni Mike na huminto pa sa paglakad at humarap sa kanya.
“Of course!”, confident niyang tugon dito pero tumaas lamang ang noo ito.
“Have you met her family?”, maya maya ay wika nito. Bahagya siyang natigilan. He never met any member of her family, and according to her ay may kanya kanyang family ang mga magulang nito kaya malabo sigurong mamemeet niya ang mga ito.
“No! Maybe in the near future?”, tugon niya na kahit sa sarili ay hindi sigurado kung kailan. Sa tinuran niya ay ngumiti ng sarkastiko ang kaibigan.
“You should think better, men. Sa tagal ninyong nagsasama bakit kaya hindi mo pa siya naipapakilala?”, saad nito pagkatapos. Napatitig siya sa kaibigan ngunit hindi naglaon ay napailing siya sa biglaan nitong panggigisa sa kanya pagdating sa relasyon nila ni Mia.
“What the hell, Mike! Inuman ba ang pinunta ko dito o counseling?”, nakatawa niyang pahayag at napatawa din ito.
“Nope! Pero natitiyak kong mababago ang takbo ng buhay mo.”, pahayag ni Mike at nagkatawanan pa silang dalawa bago ipinagpatuloy ang pagpunta sa veranda.
Medyo marami ang pasikot sikot sa bahay ni Mike papunta sa overlooking na veranda nito. Tulad niya ay mas gusto din nitong tumira sa townhouse kesa umuwi sa mansiyon ng pamilya nito. Dahil mag-isa lamang itong nakatira sa bahay nito ay nagmukha itong spacious kahit kasinlaki lamang din ng bahay niya. May mga palamuti na kasing naidagdag sa bahay niya simula noong tumira doon si Mia. Pero kahit mukhang sumikip ang space sa bahay niya ay wala naman siyang masabi sapagkat napakaganda ang pagkakaayos at very classy. Isa pa maayos at malinis din kasi ang dalaga pagdating sa loob ng bahay kaya gustong gusto niyang umuwi.
Nang makarating sila sa may pintuan ay nakangiting tumingin sa kanya si Mike bago pinihit ang seradura. Nang mabuksan niya ito ng tuluyan ay sumeyas sa kanya ang kaibigan upang maunang lumabas sa veranda. Kinibitan lamang niya lamang ito ng balikat pagkatapos ay nagpatiuna nan ga dito. Subalit napahinto siya bigla sapagkat may dalawang babaeng nakasandal sa may riles ng veranda at ngayon ay parehong nakangiti habang nakatingin sa kanila. Gusto niyang bumalik sa loob dahil nakilala niya agad ang isa ngunit humarang si Mike habang nakangiting pinandilatan siya ng mata.
“Huwag mong sabihing natatakot ka?”, mahinang turan ni Mike at hind inga niya napigilang tumawa. Hindi siya natatakot pero gusto niyang umiwas kay Maureen. Mantakin mong hayagan nitong sinabi na gusto siya at may balak pang makipagkompitensiya kay Mia?
"Men, she's not as scary as you think.”, mahina pa ring wika ni Mike.
“Huh! You’re impossible!”, saad niya sa kaibigan ngunit siniko siya ng mahina sa tagiliran.
“Enjoy ka na lang, malay mo kayo ang magclick. Mind you, she's not just a rising star, but she also comes from a well-off family. Hindi ka mapapahiyang ipakilala sa iba lalo na sa mommy mo.”, nakangising pahayag ni Mike. Wala siyang pakialam kung ano ang katauhan nito, as much as possible ay ayaw niyang magkaroon ng connection dito. Subalit wala din siyang nagawa ng hatakin siya ni Mike palapit sa dalawa at saluhan ang mga ito sa nakaset na table.