Chapter8

1378 Words
Dahil nagpaalam si Nate na sumaglit kay Mike ay ipinagpatuloy ni Mia ang ginagawa sa harap ng laptop pagkatapos niyang takpan muna ang mga inihaing pagkain kanina. Akala niya makakauwi agad ang binata kaya nasa upisina pa lamang ito ay sinimulan na niya ang paghahain. Hindi kasi kalayuan sa bahay ang upisina nito at aabutin lamang ito ng sampung minuto kung traffic. Ang paghahanda ng mga paborito nitong pagkain ay isang way ng pagpapakita niya ng care at suporta sa binata mula sa maghapon nitong trabaho. Bukod sa paghahanda ng pagkain ay inaasikaso rin niya ang mga kailangan nito mula sa paghahanda ng warm water sa liguan nitong tub hanggang sa mga susuutin nito. Gusto niyang maramdaman ng binata na hindi lamang pagpapainit sa katawan nito ang kaya niyang gawin kundi isang source of comfort dito. Si Nate ang nag-iisang minamahal niya sa mundo at gagawin niya ang lahat upang pagsilbihan ito. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras habang nakatutok sa binubusisi niyang kwento. Maganda ang pakakasulat ngunit kailangan pa rin niyang tignang maigi para masiguro ang quality. Siya ang editor-in-chief kaya kahit dumaan na ito sa ibang editor ay chinecheck para rin ng maigi. Mahirap na, napakataas ng expectation ng mga tao sa kanilang pinupublish na books at magazines. Ayaw niyang masira ang reputasyon ng CPC dahil sa kanyang kapabayaan. Mahal niya ang kompanya sapagkat pamana ito mula pa sa kanilang kanunununuan. Dalawa silang heir ng tatay niya sapagkat yun ang kondisyon ng kanyang lola bago pinayagan ang ama niyang makipaghiwalay sa kanyang ina. Only child ang tatay niya at lahat ng mamanahin nitong ari-arian sa mga magulang ay kailangang maghati silang dalawa. Nakasulat din ito sa last will and testament na iniwan ng yumao niyang lola kaya sa ayaw at sa gusto ng kanyang ama ay kahati siya sa lahat ng mga ari-arian ng mga Cervantes. Siya lamang ang nag-iisang apo at anak ngunit sinigurado ng kanyang lola na may mapupunta sa kanya lalo at may sarili na ring pamilya ang kanyang ama. Ikinatuwa ng kanyang lola na walang objection ang kanyang tatay sa kagustuhan nito. Subalit mas lalo siyang nagalit sa ama sapagkat mas pinili nitong mawalan ng kalahating mana kesa maayos ang kanilang pamilya. Magmula noon ay pinutol na niya ang ugnayan niya sa kanyang ama. Kaya kahit magkita sila sa CPC paminsan minsan ay hindi niya ito pinapansin kahit nagtatry itong magreach out sa kanya. Pero lately ay nabanggit ni Nate na gusto nitong maglevel ang kanilang relasyon. Parang gusto nitong makilala ang kanyang mga magulang at iyon ang isang nagpapagulo ngayon sa kanyang isipan. Nakita niya kung paano rumehistro sa mukha nito ang disappointment ng malaman nitong may kanya kanyang pamilya ang mga magulang. Naunawaan naman niya ang kung ganon ang reaction ng binata pero gustuhin mn niyang ipakilala ito sa mga magulang ay parang napakalabong mangyari. Ang nanay niya ay nakatira na ngayon sa Spain kasama ang bago nitong pamilya. Ang tatay niya, bagamat nasa Pilipinas lamang ay hindi naman niya ito kinakausap. Pero mukhang mapipilitan siyang makipag-ayos sa ama para kay Nate. Hindi man niya aminin sa sarili ay excited din siya sa paglelevel-up ng kanilang relasyon. Yung makilala din niya ang pamilya nito at maging open sa lahat ang kanilang relasyon. Siya na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo kapag nangyari iyon. Past 12 na ngunit wala pa rin si Nate. Napapagod na ang kanyang mata at nagsisimula na siyang antukin. Kung ilang beses na siyang humikab pero nangako siyang hindi matutulog at hihintay niya itong dumating. Eksaktong ala-una ng marinig niya ang pagbukas ng main door. Agad naman siyang tumayo at lumabas sa study room upang salubungin ito. Ngunit bigla siyang napatakbo palapit dito sapagkat muntik itong mabuwal ng pakawalan nito ang pagkakahawak sa pinto. Lasing na lasing si Nate at halos hindi n anito maibukas ang mga mata. Ngayon lamang niya nakitang sumobra sa kalasingan ang binata kaya minabuti niyang ipasok na lamang sa kanilang silid. Sa laki ng katawan nito ay medyo nahirapan siyang pwesto sa higaan. Ngayon lamang niya napagtanto na napakabigat pala nito dahil halos hindi niya maiangat ang mga binti nito. Hindi rin niya maintindihan ang amoy ng binata kaya minabuti niyang kumuha ng maligangam na tubig upang punasan ito. Para kahit paano ay malinis at maging komportable pa rin sa pagtulog. Maingat niyang pinunasan ang mukha ni Nate bago niya tinanggal ang suot nitong white long sleeve. Ngunit habang inaalis ang mga butones ng suot nito ay mayroon siyang naamoy na kakaiba. Parang may ibang pabango na dumikit kay Nate at tila pamilyar ito sa pang-amoy niya. Hindi lang niya matandaan kung saan niyaito naamoy dati. Magkaganon man ay itinuloy niya ang paghubad sa baro ng binata hanggang sa matanggal niya ito. Ilalapag na lamang niya ang tinanggal na damit ni Nate ng mapansin ang red na mantsa sa may kwelyo nito. Tinignan niya itong maigi at kung ilang beses pa niyang sinuri pero hindi maipagkakailang lipstick ito dahil may bakat pa na parang labi. Bigla ay parang tumigil ang kanyang mundo. Kung ilang beses niyang pinaglipat lipat ang tingin sa hawak nabaro at sa mukha ni Nate. Meron kaya itong kinahalikang ibang babae? Sa isiping iyon ay napalunok siya ng ilang beses. Kung totoo man ang kanyang hinala, paano nagawa ni Nate iyon sa kanya? Halos mapaiyak siya sa hindi maipaliwanag na nadarama. Magkaganon man ay itinuloy pa rin niya itong pinunasan at dinamitan ng malinis na pantulog. Ngunit hindi na siya nagkaroon ng kapayaan sa didbdib. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang isip at hindi na siya dinalaw ng antok kahit gustuhin man niyang pumikit. Dahil umaga na ng dalawin ng antok si Mia ay hindi na niya namalayan ang pagtunog ng kanyang alarm clock. Nagising na lamang siya ng maramdamang may humalik sa kanyang noo at halos masilaw siya sa liwanag ng pilit niyang ibininuka ang mga mata. “Good morning!”, naaninag niyang turan ni Nate kung kayat pinilit niyang buksan ng maigi ang mga mata. Halos mapabalikwas siya sa pagkakahiga dahil nakabihis na ito papasok sa upisina. “Anong oras na? Sorry nalate ako ng nagising.”, paghingi niya agad ng paumanhin dito. “Shhh! Go back to sleep, sorry kung napuyat ka sa paghihintay saakin kagabi.”, wika ng binata. Pagkabanggit nito sa salitang gabi ay agad nagising ang kanyang mga natutulog niyang mga ugat at agad rumehistro ang pangyayari kagabi. “Kumain kana ba?”, sa halip ay wika niya dito. „Hindi pa pero naghanda ako ng almusal mo.”, ang binata at halos makilig siya sa pagiging thoughtful nito. “Salamat, kain kana muna sasabayan na kita.”, turan niya. First time niyang magising ng sobrang late at inisip niyang baka hindi ito makakain kung hindi siya kasabay. “No! I have an early breakfast meeting kaya maaga akong aalis.”, tugon ng binata at sumadali siyang napaisip. Early breakfast meeting? Parang ngayon lang yata ito nagpapaset ng breakfast meeting, ah? “Ganon ba? Okay, mamaya na lang ako kakain.”, saad niya habang pilit na pinasaya ang tono. Ayaw man niya ngunit hindi niya maiwasang mag-isip ng hindi maganda. “Kaya nga sabi ko matulog ka muna.”, turan ni Nate at nginitian niya ito. Maya maya ay biglang nagvibrate ang cellphone nito sa bulsa. Mabilis niya itong inilabas ngunit agad ding ibinalik sa bulsa ng hindi sinasagot ang tawag. “I’m going now on the way na yung kameeting ko.”, wika nito pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kanyang mukha. Mula sa malalim na pag-iisip ay agad siyang ngumiti at tumango dito. “Bye, baby. See this afternoon, promise aagahan ko ang pag-uwi.”, pahayag nito kasabay ng pagbigay ng halik sa kanyang noo. “Ingat.”, simpleng tugon niya at hindi niya inasahang mapatitig ito sa kanya. “I love you.”, pahayag nito pagkatapos ngunit nginitian lamang niya ito. “Inaantok ka pa nga! Sige na, go back to sleep. Bye.”, si Nate at minsan pa ay hinalikan siya sa ulo bago lumabas sa silid. Kinawayan lang din niya ito at ng mawala na ito sa may pinto ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay ibinuwal ang sarili pabalik sa higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD