Pagkaalis ni Nate ay hindi na bumalik sa pagtulog si Mia kahit parang lumulutang ang kanyang pakiramdam dahil sa pagkapuyat. Nasanay naman siyang kakaunti ang tulog lalo na kapag may mga deadlines subalit parang kakaiba ang naramdamang epekto ng hindi niya pagkatulog kagabi hanggang madaling araw. Mula sa tahimik nilang mundo ni Nate ay first time niyang mapuyat habang gulong-gulo ang isip.
Minabuti na lamang niyang bumangon upang magtungo sa kitchen at magtimpla ng kape. Feeling niya kailangan niya ng maraming maraming kape ngayon upang magising siya sa kanyang masamang panaginip. Lipstick pa lang yung dumikit sa damit ng binata paano na lang kung actual niyang makikita na may ibang babaeng nakadikit dito? Parang magkakaroon siya ng anxiety ng wala sa oras. Not again! Not with Nathaniel, not with her comfort. Kinilabutan siya sa mga naiisip kaya winagwag niya ang ulo maging ang ibang parte ng katawan pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang kitchen. Nagtimpla ng medyo mas mapait na kape upang magising ang lahat ng ugat niyang inaantok at upang makapag-isip ng maayos-ayos.
Pagkatapos niyang magtimpla ay bitbit ang tasang umupo sa harap ng dining table. Pahigop siya ng kape ng mahagip ng kanyang paningin ang nakahaing pagkain sa mesa. Sa lalim ng kanyang iniisip kanina hindi niya napansing may nakahandang pagkain, at hindi lang basta pagkain kundi napakaganda pa ng plating. Bigla siyang natuwa. Bukod sa magandang plating ay paborito niya ang pagkain at mayroon pang kasamang sweet note na "Good morning, sleepyhead! I made you a tasty breakfast to start your day off right! Hope it gives you lots of energy! Have a great day, baby. I love you.”
Naoverwhelmed ang kanyang puso sa nabasang sweet notes ni Nate. Dahil dito ay unti unting sumilay ang napakaganda at napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bigla nga siyang nagkaroon ng energy. Ang nakakatuwa ay parang magic na nawala ang lahat ng agam-agam sa kanyang puso at isip. Nate loves her, and it's clear these sweet efforts show how much she means to him. Mukhang nag-overthink lamang siya sa nakitang mantsa ng lipstick sa damit nito without considering yung mga ibang angulo. Mabuti na lamang at hindi niya kinumpronta agad ang binata kundi lumabas siyang nakakahiya. Gusto niyang tawagan si Nate upang magpasalamat ngunt naalala niyang may breakfast meeting pala ito kaya nagsend na lamang siya ng sweet na message sa binata. Alam niyang matutuwa rin ito sapagkat naapprciate niya ang effort nito.
Magana siyang kumakain ng magring ang kanyang cellphone. Sa excitement na tumawag agad si Nate pagkabasa nito ng kanyang message ay binitiwan ang hawak na kutsara at kinuha ang cellphone. Ngunit biglang nawala ang kanyang excitement dahil hindi ang inaasahang tatawag ang nakarehistro sa kanyang screen kundi isa sa mga ayaw niyang kausaping tao sa mundo- si Nicholai. Dismayado niyang ibinalik sa pagkakapatong sa mesa ang telepono at inignore ang tawag nito. Kailan pa ba niya sinagot ang tawag nito? He tried to call her many times, but it ended up ignoring him kahit ito pa ang president sa pinagtatrabahoan niya. Magsesend din naman ito ng message pagkatapos niyang hindi sagutin ang call nito.
“See you at the office, today.”, maya maya ay natanggap niyang mensahe ni Nicholai. Napakunot siya, alam naman nitong once lang siya pumupunta sa office at hindi ngayon ang schedule niya.
“Not my sched, look at your calendar.”, inis niyang tugon dito. Hindi niya sinasagot pati chat nito pero hindi niya napigilan dahil sa pagkainis.
“You must! It’s important!”, sagot naman nito kung kayat mas lalong kumulo ang kanyang dugo.
“Go to hell!”, inis niyang itinipa ngunit hindi rin naman niya isinend bagkus ay pabagsak niyang ibinaba ang cellphone sa may mesa. Maghintay siya hanggat gusto nito pero hindi na niya ito sasagutin at lalong hinding hindi siya sisipot sa upisina.
Kilala na siya ni Nicholai at kahit ano pa man ang gawin nito ay hindi mababago ang kanyang desisyon. Kung meron man sigurong sakit ng ulo nito sa kompanya ay siya iyon. Mas matigas pa sa bato ang kanyang ulo and most of the time ay intentional ang ginagawang hindi pakikinig sa mga sinasabi nito. When he says, let's go to the right, she always goes to the left. But Nicholai never took her seriously. He treated her like a little sister, which she found incredibly irritating.
Pagkatapos niyang kumain ay nakapag-isip-isip din si Mia. Instead na sa bahay magtrabaho ay namalayan na lamang ang sariling naglalakad na sa lobby ng CPC. Nagulat pa yata ang mga kasamahan niya sa upisina dahil sa biglaan niyang pagdating. Kinawayan lamang niya ang mga ito pagkatapos ay ikinulong na ang sarili sa pribado niyang upisina.
Wala pa mang sampung minuto mula sa pagkakaupo ay iniluwa na ng pintuan si Nicholai. As usual ay sinulyapan lamang niya ang lalaki hanggang sa ito na lamang ang nagkusang umupo sa kanyang harapan.
“I’m glad you came.”, saad nito. Sinulyapn lamang niya ulit ito at ipinagpatuloy ang ginagawa sa computer.
“The arrangement with Nathalie has been finalized. The schedule for our meeting will be distributed shortly. Please ensure you are fully prepared.”, pagsisimula ni Nicholai.
“Noted!”, turan lamang niya dito habang nakapokus ang mga mata sa monitor.
“If you are drafting guide questions for the interview, you may also consider this.”, wika ni Nicholai sabay labas sa bulsa ang kapirasong papel. Napahinto siya sa pagtipa sa keyboard at napatingin dito ng bahagya pagkatapos ay wala sa sariling kinuha ang hawak nitong papel.
“What is your favorite color?”. Unang basa pa lamang niya sa binigay nito ay tumaas na agad ang kanyang kilay.
“What is your favorite food?... Are you serious?”, hindi makapaniwalang turan niya sa kaharap. Ngunit napakamot lamang ito sa ulo kaya hindi niya napigilang matawa.
“Bakit hindi ka na lang bumili ng slum book at pasasagutan mo sa kanya? At least mayroon pa iyong pirma.”, sarkastikong wika niya ngunit natawa lamang ito.
“Isingit mo na.”, sa halip ay parang teenager na turan nito. Parang nahiya pang magsabi ng please para sa hinihinging pabor sa kanya.
“Crush mo yun, noh? Bakit hindi ko nalang gawan ng headline para mapansin ka niya?”, mapang-asar niyang wika dito.
“You’re crazy! Basta gawan mo ng paraan na isingit yan.”, pahayag ni Nicholai at napailing siya dahil hindi siya makaniwalang seryoso ito.
„Siya nga pala, may sakit si daddy baka pwede mo siyang bisitahin. He will surely get better if he sees you.”, saad nito at napalitan ng sarkastikong pangngiti ang ginawang pag-iling.
“That has absolutely nothing to do with me.”, balewalang wika niya pagkatapos ay itinuon ang atensiyon sa screen ng computer.
“Why are you being so hard on Dad?", si Nicholai at hindi niya napigilan ang pagpanting ng tainga.
“It’s because he chooses you and your mother over me!”, walang prenong tugon niya dito.
“That happened so long ago, can't we just move on?”, si Nicholai pa rin pero mas lalo lamang nag-init ang kanyang tainga.
“No! So, stop bringing this up. I will never forget how your mother—that flirt—stole everything I had!”, pagdidiin niya lalo na sa paglalandi ng nanay nito kaya nawasak ang kanilang pamilya. Sa tinuran niya ay biglang nag-iba ang anyo ng mukha ni Nicholai.
“Don’t you dare call my mother like that again!”, matigas na wika nito habang nakakimkim ang mga kamao. Parang gusto nitong manakit at any moment ay isusuntok niya ito sa kanya.
“So what? Totoo naman, di ba? Tell her to take care of dad, dahil kapag namatay si dad sa kanya din mapupunta ang lahat ng kayamanan niya!”, palabang wika niya dito.
“To hell with your wealth! My mom is richer than you think, and she doesn't need a damn thing from your daddy. Why can't you wrap your head around the fact that they love each other? This is our destiny, get over it!", si Nicholai at napatitig siya dito. Paano ba nito natanggap ng maluwang sa dibdib ang pagkakaroon ng nanay nito ng ibang lalaki kahit sabihin pa nitong patay na ang tatay nito? Hindi ba nito mahal o nahiya man lamang sa sariling ama?
“And this company? Nakiusap lang ang daddy mo saakin to take over, at nahiya lamang ako dahil mabait siya saakin. Now if you keep on disrespecting my mother like that and ignoring your dad, baka mainis ako at pabayaan ko ang pamana ng lola mo saiyo!”, mariing pagbabanta ni Nicholai at matalim ang mga matang ipinukol dito.
"Don't talk as if you know my pain! Sino ba ang may kasalanan kung bakit nawala saakin ang nanay at tatay ko? Hindi ba ang nanay mo?”, sumbat niya dito.
“If you could just accept things and be more mature, you'll see that you won't lose anything!”, madiing tugon nito. Napalunok siya sa sinabi nito. As if ganon lang kadali ang pagtanggap ng lahat. Yung hindi ka pinili ng tatay mo pagkatapos iniwan ka din ng nanay mo dahil hindi ka sapat upang lumigaya ito?
“The faith of CPC is in your hand! Pupuntahan mo si daddy o ipapaubaya ko na ang pamamahala ng kompanya saiyo?”, saad pa ni Nicholai at bigla siyang nataranta. Wala siyang kalam-alam sa pamamalakad ng kahit na anong nagosyo dahil sa pagsusulat lang siya magaling. Ayaw din naman niyang malugi ang kompanya at mas lalong ayaw niyang mawala ang pamanang negosyo ng kanyang mga ninuno.
“Okay! But don’t expect me to forget everything.”, wika niya at hindi niya alam kung napangiti ito dahil sa kanyang pagkatalo.
"Great! Now, get ready, my sister. We're going to see Dad tomorrow.”, nakangising pahayag ni Nicholai.
“Correction, stepsister!”, tugon niya ngunit tumawa lamang ito.
“Whatever! See you tomorrow, my dear stepsister. Ciao!”, wika ni Nicholai pagkatapos ay tuwang-tuwang lumabas sa kanyang upisina.