Chapter 10

1665 Words
Hindi maipaliwanag ni Mia ang nararamdaman pagkatapos makipag-usap kay Nicholai. Parang biglang nahugot ang lahat ng kinikimkim niyang sakit sa kanyang dibdib dahil sa usaping tungkol sa mga magulang. Simula noong iniwan siya ng nanat at tatay niya ay never na siyang lumapit sa mga ito. Ni hindi siya kumatok sa kani-kanilang pinto upang isiksik ang sarili. Tahimik siyang nagdusa at naghilom. Pero bakit parang kasalanan niya ngayon kung hindi niya mahanap sa puso ang magkaroon ng paki sa mga ito? Pride na nga lang niya ang natira bilang isang anak na iniwan sa ere pati ba naman yun tatanggalin pa sa kanya? Isinandal niya sa headboard ng swivel chair ang kanyang ulo at pumikit pagkatapos ay nag-inhale exhale ng ilang beses upang ilabas ang dumapong negative energy sa kanyang katawan. Ganito ang madalas niyang gawin kapag nakakaramdam siya ng stress- simply meditating. Pagkatapos ng ilang minuto ay unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam until the weight she carried was lighter than white cotton clouds adrift in the sky. Pagkatapos marevive ang dating composure ay ibinababad niya ang sarili sa mga nagsisidatingang mga akda. Natuwa siya sa nakitang draft ng isang magazine hanggang madako ang pansin sa showbiz corner nito. From Screen to Romance: Rising Star Confirms Olivares CEO Love Affair! “Nate.”, wala sa sariling nasambit niya ang pangalan ng binata. Maraming nagkalat na Olivares sa mundo ngunit hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa write up na ito. Si Nate ang CEO ng Olivares group pero malabo naman sigurong ito ang tinutukoy ng sulatin dahil siya ang matagal nang karelasyon ng binata. They never argue, at sa pakalagay niya ang relasyon nila ay isa sa pinakahealthy na relationship sa buong mundo. Dahil hindi siya mapakali ay pinatawag niya ang writer ng showbiz corner. Meron di kasi siyang concern sa inilatag nitong issue lalo at hindi naman basta bastang magazine ang kinapalooban nito. Mga eletista ang karamihang audience ng magazine at baka magkaroon ng problema ang kompanya lalo na sa mga taong sangkot dito. “Miss M, pinatawag niyo daw po ako?”, bati ng hindi nalalayo sa edad niyang writer pagkapasok nito sa pribado niyang upisina. “Ah, oo, upo ka.”, turan niya sabay turo sa bakanteng upuan sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya matandaan lahat ng mga pangalan ng kanyang mga kasama pero familiar siya sa mga mukha ng mga ito. “May concern po kayo sa write up ko, ma’am?”, pahayag nito ng tuluyang makaupo. Alam na alam kasi ng mga ito na kapag may pinapatawag siyang tao sa loob ng kanyang upisina ay mayroon siyang gustong iklaro o iparevised sa mga ginawa nila. “Hindi naman sa ganon, nag-alala lamang ako sa maaaring reaction ng tinutukoy mong tao diyan. Ang pagkakaalam ko kasi very private ang mga CEO at hindi basta basta nagpalalabas ng mg ganitong impormasyon ng walang pahintulot o kompirmasyon. Baka makasuhan tayo dito?”, paliwanag niya sa writer. “Ai hindi po ma’am, meron pong pahintulot yan.”, confident na tugon ng writer at naitaas niya ang kanyang noo. “Really? Firsthand?”, paninigurado niya at tumango ito. “Oo, ma’am, alam ko naman po na ayaw niyo ng hindi factual pagdating sa mga ganitong bagay. Si Maureen Salcedo mismo ang nagbigay saakin ng information.”, saad ng author at hindi niya napigilang mapakunot noo. “Maureen Salcedo?’”, “Oo, ma’am, yung rising star sa showbiz ngayon.”, sagot ng kausap at tumango tango siya. “Pero kumusta naman ang CEO diyan? Baka gagamitin lamang ni Maureen para mas lalong sumikat? Baka tayo ang balingan niyan kapag nakaladkad ang pangalan niya sa isang chismis?”, may pag-aalinlangan pa ring wika niya dito. “No worries, ma’am. Boyfriend po talaga ni Maureen yun kaya may basbas sa issue.”, confident pa ring turan ng writer ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. “Sino pala ang CEO na Olivares na yan?”, maya maya ay curious niyang tanong dito. “Si Nathaniel Olivares ma’am, yung super gwapong CEO ng Olivares group.”, tila kinikilig na sagot ng author at halos matulala siya sa narinig mula dito. Paano nangyari yun? Nate has been with her all this time. Nagbibiro ba ang writer na ito? “Ang swerte naman talaga ni Maureen Salcedo, bukod sa ubod ng yaman si Nathaniel Olivares ay ubod pa ng gwapo.”, narinig niyang wika ng kaharap at hindi niya napigilang umiling. “No! I mean, kilala ko si Nathaniel Olivares at napaka pribado niyang tao.”, pahayag niya dito. „Hay naku, totoo ma’am. Kasesend nga lang ni Maureen ng picture nila kanina, breakfast in bed daw.”, nakangiting wika ng writer at gusto niyang maluha. Kung binibiro man siya ay hindi ito magandang biro para sa kanya. “Gusto niyo pong makita?”, wika pa ng writer pero matigas ang ginawa niyang pag-iling. Hindi siya handang makakita ng kahit na anong larawang wawasak sa kanyang puso. “No! Thanks.”, tugon niya dito. “Pakipalitan na lamang yung ilalagay diyan sa showbiz corner, something that classy and inspiring.”, dagdag pa niya dito. “Pero ma’am…”, “Please, do what I say!”, pinal niyang pahayag at kahit nagtatanong ang mga matang napatingin sa kanya ang writer ay wala din itong nagawa kundi laglag ang balikat na lumabas sa kanyang upisina. Paglabas ng writer sa kayang upisina ay napahawak siya sa sentido at mariing pumikit. Hindi pa man kumpirmado dahil natatakot siyang tignan ang picture kanina pero hindi na niya mapigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. What if si Nate nga talaga yun? Anong gagawin niya? Iniisip pa lamang niyang mawawala si Nate sa kanya ay parang durog na durog ang kanyang puso, paano na pala kung totoong mangyayari ito? Sa pamamalagi niya sa upisina ay halos walang laman ang kanyang utak kundi si Nate. Ni hindi siya makapagpokus sa trabaho ngunit nag-aalangan siyang umuwi. Parang nanatakot siyang magpakita sa binata. Baka any moment ay bigla na lamang nitong sabihing mayroon na itong iba at hindi na siya kailangan sa buhay nito. Gabi na ng maisipan niyang lumabas na sa upisina at umuwi. Marahil ay nasa bahay na si Nate at nagtataka na ito kung bakit hindi pa siya umuuwi. Ni hindi niya ito tinawagan o di naman kaya ay nagsend ng message upang sabihing pumasok siya at nasa upisina pa. Subalit yung isiping hindi man lamang ito tumawag upang tanungin kung nasaan siya ay nakadagdag din na nakapagpabagabag sa kanyang damdamin. Parang umaayon ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang mga iniisip. Pagdating niya sa harap ng bahay ay halos kapapasok lang din ng sasakyan Nate. Past ten na at wala man lamang siyang natanggap na mensahe kung mag-oot ito sa trabaho. Nagulat pa ito dahil nagmeet sila sa may pinto. “Babe, lumabas ka?”, takang tanong nito. “Oo, pumasok ako sa upisina. Hindi ko maiwan yung trabaho kaya nalate akong umuwi, pasensiya na.”, simpleng saad niya. Mabilis nitong kinawit ang kanyang ulo at hinalikan ngunit ngintian lamang niya ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay tuloy tuloy siyang pumasok sa loob hanggang sa study room upang ilagay ang mga dalang abubot. Nagtagal siya ng ilang minuto doon kahit wala siyang importatanteng ginawa. Parang natatakot siyang makaharap ang binata kaya hinayaan niyang makapasok muna ito sa loob ng silid. Nasapo din niya ng ilang minuto ang ulo pagkatapos ay huminga ng malalim bago harapin ang pintuan at lumabas. Ngunit hindi niya inaasahang nasa b****a ng pinto ang binata at nakatingin sa kanya. “Sorry, parang may nakalimutan lang akong gawin sa upisina. Maghahanda lang ako ng iyong pagkain.”, wika niya kasabay ng pagkilos upang tumungo sa kitchen. Pagdaan niya sa harap nito ay ibinaladra ng binata ang kamay pagkatapos ay hinapit siya sa baywang at niyakap. “I’m sorry if I upset you.”, wika nito kung kayat hindi niya napigilan ang mapaluha. Sa pagkakasabi ng binata ay tila nagpapahiwatig nga na may iba itong ginagawa. “Why are you crying? May problema ka ba?”, nag-aalalang hinawakan ni Nate ang kanyang mukha ng mapansin ang kanyang mga luha. Ngunit umiling lamang siya pagkatapos ay pasimpleng pinunas ang basang pisngi. “Tell me! I want to know.”, pamimilit nito na tila hindi mapakali kung hindi malalaman ang sanhi ng kanyang pag-iyak. “May sakit ang daddy ko, kailangan ko siyang puntahan.”, sa halip ay wika niya dito. Para naman itong nabunutan ng tinik pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit at pinaghahalikan ang kanyang ulo. "Shh, don't cry. He'll be alright.”, pag-aalo nito kung kayat mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha. He's so gentle and reassuring pero bakit hindi na ganon kasecure ang nararamdaman ng kanyang puso? “Salamat.”, maikling turan niya sa binata pagkatapos ang kanyang pag-iyak. “Don’t mention it, babe. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para saiyo, okey?”, malambing ntiong pahayag at napatango siya. “Well then, mauna kana sa kwarto at magbihis para makapagpahinga ka na.”, wika nito with so much concern in his face. “Hindi. Maghahanda ako ng pagkain mo.”, tugon niya. “Huwag na. Kumain na ako sa labas ... I mean may dinner meeting kasi akong dinaluhan kanina. Ikaw pala kumain na?”, saad ng binata at hindi niya mapigilan ang pag-iisip ng hindi maganda. “uhmm, oo, tapos na din ako sa office kanina. Sige mauna na ako sa kwarto at magbihis.”, turan niya pagkatapos ay basta na lamang siya umalis at tinungo ang direksiyon ng kanilang kwarto. Alam niyang nakatingin si Nate sa likuran niya at marahil ay nagtataka sa kanyang ikinilos. Subalit hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng hinanakit. Feeling niya lahat ng ginagawa at sinasabi ng binata sa kanya ay hindi totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD