Pagkatapos maligo ni Mia at magpalit ng pantulog ay nahiga na agad siya sa kama kahit hindi pa pumapasok sa loob si Nate. Dati-rati ay sinasamahan pa niya ito sa living room kapag may pinapanood o di naman kaya ay may ginagawa sa study room pero sa ngayon ay mas pinili niyang humiga at pumikit. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago ito pumasok sa silid ngunit nagkunwari na lamang siyang tulog. Bago nito hinubad ang suot na damit at pumunta sa banyo upang maligo ay tumayo muna ng ilang segundo sa paanan ng kama at ramdam niyang nakatingin ito ng matagal sa kanya. Hindi naman siya natinag sa pagtulog-tulogan hanggang narinig niya ang pagbuntunghininga nito ng malalim hanggang umalis ito mula sa pagkakatayo at pumasok sa banyo. Agad naman niyang hinila ang kumot hanggang sa kanyang leeg pagkatapos ay bumiling paharap sa pader. Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng banyo at hindi naglaon ay dahan dahan itong tumabi sa kanya. Maya maya lamang ay ipinasok ang katawan sa kumot na nakabalot sa kanya pagkatapos ay iniyapos ang mga kamay sa kanyang baywang.
Napakacomforting ang init ng katawan ni Nate ngunit hindi nito mabubura ang gumugulo sa kanyang isip. Mas lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito pagkatapos ay isinuksok ang mukha sa kanyang leeg. Dahil malakas ang kiliti niya sa parteng iyon ng katawan ay bigla siyang tinayuan ng balahibo. At sa kanyang reaction ay natawa ito ng mahina at pagkatapos ay pinilit siyang humarap dito.
“I love you, baby.”, anas nito ng magtagpo ang kanilang paningin subalit tumitig lamang siya sa mukha nito.
“May problem ba tayo?”, nagtatanong ang mga matang saad nito.
“Nate, do you think we’re gonna take this thing to the next level?", sa halip ay seryosong wika niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha nito.
Bahagyang natigilan si Nate. First time niyang banggitin ang pangalan ng binata habang napakaseryoso ang mukha.
“Ano bang klaseng tanong yan, babe? Are you sick?”, bagkus ay tugon ng binata kasabay ng pagkapakapa nito sa kanyang pisngi, noo, at leeg.
“Just a random thought, but I’d really appreciate it if you answered honestly.", wika niya. Bahagya ding tumitig sa kanyang mukha si Nate ngunit ngumiti rin pagkatapos.
“Of course, why not?”, tugon nito.
Sa kabila ng agam-agam ay sumilay ang munting kasiyahan sa kanyang puso. Maybe she needs that kind of assurance para hindi siya tukuyang panghinaan ng loob na ipagpatuloy kung anuman ang kanilang nasimulan.
“Babe, you’re acting weird. Something on your mind?”, ang binata at sa pagkakataong ito ay nakuha niyang ngumiti pagkatapos ay umiling.
“Wala. Napanaginipan ko lang na mayroon kang ibang babae.”, out of the blue ay biro niya dito.
“What?”, hindi makapaniwalang turan ng binata kung kayat mas lalo siyang ngumiti.
"You have to at least tell me if it's true. I swear, I’ll walk away quietly.”, pahayag niya at nagprotesta ito.
"No way! I will never let you go.", ang binata. Magsasalita sana siya ngunit mabilis nitong inilapat ang hintuturo sa kanyang bibig.
“No! I don’t wanna hear that from you again. You stay with me, and you’re not going anywhere!", si Nate at hindi niya maitago ang tuwa sa kanyang mga mata habang nakatitig dito.
“Okay!”, maikling saad niya habang nagsasayaw ang mga mata.
“You little brat!”, wika nito dahil sa nakikitang kasiyahan ng kanyang mukha habang tila halos magkanervous breakdown ito sa kanyang mga sinabi. Gigil na hinawakan ng binata ang kanyang mukha pagkatapos ay hinalikan siya ng sobrang tagal.
“You are just joking right?”, si Nate nang pakawalan ang kanyang mga labi. Ngumiti lamang siya sa binata pagkatapos payakap siyang humilig sa dibdib nito. Time might have passed, but the rhythm of his heart remained a constant melody, the same comforting tune she'd known since the first time she rested her head on his chest.
“I love you, Nate. More than anything. And I really can’t imagine my life without you.”, aniya sa binata pagkatapos ay nakangiting tumingila siya dito.
Hinalikan ni Nate ang kanyang noo pagkatapos ay hinawakan ang kanyang mukha upang pagtagpuin ang kanilang mga mata.
“I love you so much, Mia. I promise, no matter what happens, we will never be apart!”, seryosong pahayag ni Nate at walang pasidlan ng tuwa ang kanyang puso. All the while, she had doubted Nate without giving him the benefit of the doubt. And now, right before her wide, round eyes and keen ears, he promised her they would never be apart.
Mia couldn’t help but feel guilty for holding doubts about the man she loved. She realized how unfair it was to doubt someone who had only shown his love and care. Para makabawi man lamang sa mga sandaling iyon, she bent her head, reached for his lips, pressing them together in a kiss that was both an apology and a declaration of love—the sweetest, most passionate kiss she could ever give.
“Do you want me to come with you?”, si Nate kinabukasan habang nakatunghay sa kanya sa pag-iimpake.
Ngayong araw ang napag-usapan nila ni Nicholai para pumunta sa probinsiya upang bisitahin ang kanyang ama at ang ina nito. Labag man sa kanyang kalooban ay wala siyang nagawa sapagkat nabuwisit na sa kanya si Nicholai at nagbanta na bibitawan ang pamamahala sa CPC kung patuloy siyang magmamatigas.
“Thank you, babe, pero mas kailangan ka sa iyong upisina. Sa susunod na lamang siguro.”, wika niya sa binata. Kahit paano ay naappriciate niya ang kagustuhan nitong samahan siya sa pagbisita sa kanyang ama.
“Pwede ko namang icancel at iresched ang mga meetings para masamahan kita.”, si Nate ngunit tinignan niya lamang ito sa mukha pagkatapos ay malambing na kinurot niya ito sa pisngi.
“I do appreciate your intention, babe, but for now ako muna ang haharap kay daddy. I hope maging maayos ang lahat saamin para sa susunod ay maipapakilala ko na siya.”, positibo niyang pahayag dito.
Aminin man niya o hindi pero isa sa dahilan kung bakit gusto niyang magkaayos silang mag-ama ay sa kagustuhan ng binatang mameet ang kanyang mga magulang. For Nate’s sake ay susubukan niyang ayusin ang relasyon sa mga magulang kahit may part sa kanyang puso na hindi sumasang-ayon.
“That’s my girl! I’m so proud of you, baby. I hope everything turns out to be okay with you and your dad. I can’t wait to meet him.”, masayang pahayag ng binata at natutuwa ang kanyang puso sa nakikitang eagerness nito na makilala ang kanyang magulang. Ibig sabihin seryoso ito sa kanilang relasyon at hindi dapat pagduduhan.
“Para saiyo, babe. I try my best.”, saad niya at nakita niyang nangislap sa tuwa ang mga mata ni Nate bago siya kinabig at niyakap.
“Gonna miss you, baby.”, turan ni Nate at hindi niya napigilan ang matawa.
“Hello, dalawang araw lang po akong mawawala.”, nakatawang wika niya dito.
“But it feels like two years to me. I can’t imagine sleeping at night and waking up in the morning without you.", anang binata kung kayat mas lalo siyang natawa. Sabagay first time niyang mag-overnight sa ibang lugar simula noong naging sila ng binata. Nasanay na nga ito sa kanyang presensiya at maging siya man ay tila mamimiss na niya ito kahit sabihin pa niyang dalawang araw lamang siyang mawawalay dito.
“Para hindi ka mabored makipagkwentuhan ka muna kina Mike and then uwi ka nalang kapag antok ka na.”, suwestiyon niya dito.
“Are you serious?”, hindi makapaniwalang turan ng binata na parang may nababasa siyang hindi pagsang-ayon sa mukha nito.
“I’ll call you very often.”, pahayag niya na hindi pinansin kung ano man ang ibig sabihin disbelief sa mukha nito.
Take care of yourself, okay? I want you to come back safe and sound!”, ang binata at tumango tango siya dito.
Pagkatapos mailagay sa travelling bag ang lahat ng dadalhing gamit ay nagpasya na siyang umalis. Gusto siyang ihatid ng binata sa meeting place nila ni Nicholai pero pinakiusapan niyang huwag na lamang dahil baka hindi siya matutuloy. Ngayon pa lamang kasi ay namimiss na niya ang binata at kung magtatagal pa siya ay baka magbago na ang kanyang isip.