Chapter 12

1479 Words
“Thank’s God, dumating ka rin. Akala ko hindi kana tutupad sa usapan?”, si Nicholai ng makalapit siya sa kinaroroonan nito. Mas nauna itong dumating kesa sa kanyang at nasa loob lamang ito ng sasakyan. Nakilala naman siya agad ng driver nito kaya bumaba ito sa sasakyan at sinalubong upang tulungan siya sa kanyang bagahe. “Excuse me, marunong akong tumupad sa usapan.”, mataray niyang wika dito. Sa tinuran niya ay wala namang kahit na anong pagkainis o galit na rumehistro sa mukha ni Nicholai bagkus ay umusog ito upang bigyan siya ng upuan sa tabi nito. “I think so, too.”, nakangiting turan ni Nicholai ngunit tinaasan lamang niya ito ng kilay habang ipinupwesto ang sarili katabi nito. “Sir, ma’am, lalarga na po ba tayo?”, ang driver pagkatapos nitong mailagay sa compartment ang bagahe ng dalaga at sumampa sa driver seat. “Oo, manong para hindi tayo matagalan sa daan.”, si Nicholai ang tumugon sa driver. “Okey po, sir. Pabuckle na lang po ng seatbelt.”, wika ng driver habang nakatingin sa kanilang dalawa sa rear mirror. Agad naman niyang kinapa ang seatbelt at tahimik na ipinagkuros sa katawan. Lihim niya ring naapriciate ang driver sapagkat tinigtignan muna kung nakapagsuot na ng seatbelt ang lahat bago patakbuhin ang sasakyan. “Salamat po. Alis na po tayo.”, ang driver at nginitian niya ito ng bahagya. Nagbow naman ito pagkapos ay dahan dahang inapakan ang silinyador. Hindi naglaon ay tahimik na nilang binaybay ang daan papuntang Sto. Niño. Hindi pa siya nakakapunta sa lugar pero alam naman niyang part iyon ng Batangas. Wala siyang ideya kung bakit mas ginusto ng daddy niyang magstay sa place ng kinakasama nito kaysa manirahan sa Villa Cervantes na pag-aari ng kanilang pamilya at kung saan ito lumaki. Bago niya isinandal ang ulo sa may upuan ay pinadalhan niya ng mensahe si Nate upang ipaalam na umalis na sila. Hindi naman siya nag-expect na sasagutin agad ang binata dahil pumasok ito sa upisina at sigurado naman siyang busy ito. Gusto lamang niyang iinform mga ganap niya lalo at mga ilang araw silang malayo sa isa’t isa. Tila nalungkot pa man din ang binata sa kanyang pag-alis kaya gusto niyang may connection pa rin siya dito kahit physically absent siya. Papikit na ang kanyang mata ng maramdamang nagvibrate ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag. Malakas ang loob niyang si Nate ang nagpadala ng mensahe kung kayat dali dali niang inilabas ang cellphone mula sa bag. "Take care, baby. I'm missing you already. Please come back quickly.”, padalang mensahe ni Nate at hindi niya napigilan ang napangiti. Sa sobrang sweet ng binata ay para siyang nakakita ng napakaraming puso. “Same here, babe. I miss you terribly—sige na, work ka muna diyan. I’ll call you when we get there. I love you.”, tugon niya pagkatapos ay may ngiti sa labing ibinalik ang cellphone sa bag at inihilig ang ulo sa may upuan. “Huh! Ngayon ko lang napagtanto kinikilig din pala ang mga writer.”, narinig niyang wika ni Nicholai mula sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa pangingialam nito. Binuksan lang niya ang isang mata pagkatapos ay wala sa sariling nagmake face dito. Narinig niyang tumawa si Nicholai pero tinalikuran lamang niya ito. Mula sa pagkakasandal ng ulo sa sandalan ng upuan ay naidlip si Mia habang nasa biyahe. Nagising na lamang siya ng maramdamang bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang tuluyan itong huminto sa harap ng isang classic na mansion. “Sir, ma’am, nandito na po tayo.”, wika ng driver pagkatapos nitong patayin ang makina ng sasakyan. Nakita niyang nag-inat ng ilang beses si Nicholai bago binuksan ang pintuan ng sasakyan na malapit dito. “We’re here na, welcome to Ynares Farm.”, baling ni Nicholai bago nito tuluyang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Halos hindi pa sila nakakababa ng sasakyan ay dumagsa ang ilang katao at halata sa mga mukha ang excitement sa kanilang pagdating. Halos sabay sabay na nagbow ang mga ito pagkakita kay Nicholai. „Maligayang pagdating, seniorito Nicholai!”, pachorus na bati ng mga ito at isa-isa namang binigyan ng feast fight ang bawat isa. “I miss you all, kumusta po kayo?”, masayang tugon ni Nicholai sa mga ito. „Mabuti naman, seniorito! Pasok na po kayo at kanina pa kayo hinihintay nina Seniora at Senior,”, pahayag ng may pinakamatanda at masayang tumango si Nicholai. „Siya nga po pala, kasama ko ngayon ang aking kapatid, ang inyong seniorita Maia.”, pagpapakilala ni Nicholai sa kanya at nagulat siya dahil sabay sabay ding nagbow at bumati ang mga ito sa kanya. „Maligayang pagdating, seniorita Maia. Kami po ay nagagalak na makilala ka.”, bati ng mga ito at tila naman nataranta siya sa mainit at kapitapitangang pagbati ng mga ito. “Hello po sainyong lahat, kumusta po kayo?”, magalang niyang bati. „Mabuti po, seniorita. Ang ganda ganda niyo naman po, para kayong artista. Kamukha niyo po si Marimar.”, masayang pahayag ng isa at mas lalo siyang napangiti. Hindi dahil sa sinabi nitong kamukha niya si Marimar kundi ang nakakatuwang expression ng mga ito pagkakita sa kanya. „Maraming salamat po. Hindi naman po masyado, slight lang po.”, nakangiting wika niya at tumawa ang mga ito. “Sige po, seniorito, seniorita pasok na po tayo sa loob at kanina pa naghihintay ang mama at papa ninyo.”, excited na pag-imbita ng mga ito upag sila’y pumasok na sa loob. Minsan pa ay nagpasalamat siya sa mga ito bago sumunod kay Nicholai sa pagpasok sa loob ng mansion. Sa b****a pa lamang ng malaking pintuan ng mansiyon ay natatanaw na niya ang hindi masyadong katandaan at eleganteng babae. Senyorang Senyera ang aura nito mula sa ayos ng buhok hanggang sa pananamit. Parang palaging may lakad sa postura nito. Sa tabi nito ay isang matandang lalaki na nakawheel chair at halatang may iniindang sakit. He had never seen him so vulnerable before. Palaging matikas at kapitapitagan ang aura ng kanyang ama kaya hindi niya inexpect na makikita niya itong mahina at ang laki ng itinanda. Pinakiramdaman niya ang sarili. She always felt hatred every time she saw him, remembering all the pain caused by his selfishness. Pero sa pagkakataong ito ay tila hindi niya mahanap ang poot at galit na matagal na namamahay sa kanyang puso. Bagkus ay nakaramdam siya ng matinding awa at panlulumo lalo na sa nakikitang kalagayan nito. “Maligayang pagdating, mga anak!”, masayang pagsalubong ng babae sa kanila. Agad nitong niyapos ng yakap si Nicholai na akala mo ay kaytagal nilang hindi nagkita. “I miss you, mom!”, tugon ni Nicholai dito. Parang batag pinupog ng halik ng babae ang ulo ni Nicholai at lihim niyang naitaas ang kilay dahil sa pagkaOA nito. Ngunit hindi niya inaasahang bigla siya nitong yayakapin pagkatapos pakawalan si Nicholai. “Maligayang pagdating, iha. Salamat at sumama ka sa kapatid mo na bumisita dito.”, masayang turan nito pagkatapos ay hinilikan siya sa magkabilang pisngi na akala mo ay wala siyang hianakit dito. “Salamat po.”, alanganing tugon niya kasabay ng bahagyang pagngiti. First time silang magkaroon ng physical touch ng babae sapagkat hindi niya pinapayagang makalapit ito sa kanya. Kung may pagkakataong magkikita sila noon ay sinisimangutan at lumalayo siya dito. Kumbaga allergy niya ang babae ng kanyang ama. “You are most welcome, iha. Sobrang saya namin ng daddy niyo.”, pahayag ng babae na hindi man lamang nakitaan ng awkwardness sapagkat kumapit ito sa kanyang bisig at malambing pang inihilig ang ulo sa kanyang ulo. Dahan dahan siyang hinila palakad upang lumapit sa kinaroroonan ng kanyang ama. “Love, look who’s here!”, excited nitong wika sa kanyang ama. Mas lalo namang kumislap ang mga mata ng kanya daddy at mababanaag sa mukha nito ang sobrang tuwa. “Mia.”, saad nito kasabay ng pag-taas ng kamay upang iabot sa kanya. Mia ang pet name niya sa pamilya—sa daddy niya, mommy, at sa yumao niyang lola. Pakiramdam niya special siya kapag tinatawag siya sa pet name niya. At sa pagkakataong ito parang biglang naramdaman niya ang dating pagmamahal ng kanyang ama. Parang may sariling pag-iisip ang kanyang kamay at hindi niya namalayang inabot ang kamay ng daddy niya. Napaiyak ito pagkatapos ay tumayo at yumakap sa kanya. “Thank you, anak. I’ve been waiting for this to happen. I’m so sorry.”, hagulgol nito sa kanya balikat. Nabigla man siya sa mga pangyayari ay tinugon naman niya ng mahigpit na yakap ang kanyang ama. At sa pagpikit ng mga mata ay ramdam niya ang labis na pangungulila dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD