Chapter 13

1415 Words
“Daddy.”, anas niya habang nakayakap sa ama. After ten long years, she was finally in his arms again, a wave of relief washing over her as she buried her face in his shoulder. “I’m sorry, anak. I’m really sorry,” patuloy na wika ng kanyang ama habang hinahagod ang kanyang buhok, ang bawat haplos ay tila nagdadala ng bigat ng pagsisisi at paghingi ng tawad sa lahat ng sakit at pagdurusa na naidulot. Habang naririnig ang paghingi ng ama ng tawad ay umiyak lamang siya sa balikat nito. Ang kanyang mga luha ay tahimik na bumagsak at bawat patak ay saksi sa kanyang pagpapatawad. Wala siyang alam sabihin ngunit ramdam niya sa kanyang sarili na ang mga katagang iyon ang unti-unting nagpapawala ng anumang bigat sa dibdib na matagal niyang ininda, na para bang may parte sa kanyang sarili na unti-unting gumagaling. “Our family is now complete, and this is something to celebrate!”, masayang pahayag ng mama ni Nicholai kung kayat pasimple niyang pinunas ang mga luha bago kumalas sa pagkakayakap sa ama. Pagharap niya ay kusang ngumiti ang kanyang mga labi. “O, siya, alam kong pagod kayo sa biyahe at nagutom. Tara na sa comedor at naghihintay na ang mga paborito ninyong pagkain.”, nakangiti pa ring wika ng mama ni Nicholai pagkatapos ay tinawag ang isang kawaksi upang itulak ang wheelchair ng kanyang daddy papunta sa komedor. „ No, kaya ko na. Thank you.”, saad ng kanyang ama at sabay saby silang napatingin dito. “Are you sure?”, hindi makapaniwalang tanong ng mama ni Nicholai at nakangiting tumango ito. ‘Yes, malakas na ako. Tignan mo nakakatayo na akong mag-isa.”, masayang tugon ng kanyang ama habang pinagalaw galaw pa ang mga paa. Sa labis na kasiyahan ay napayakap ang matandang babae sa kanyang daddy pagkatapos ay binigyan pa ng halik sa magkabilang pisngi. „You are right, love, malakas ka na nga! I’m so happy for you.”, saad nito habang nakapinta sa mukha ang labis na pagkatuwa. “Ehem, mom, dad! Baka lumamig ang mga pagkain sa comedor?”, pahayag ni Nicholai na tila naeeskandalo sa ipinakitang sweetness ng ina sa kanyang daddy. Hindi man siya direkatang sumang-ayon ay ngumiti siya sa tinuran nito. “Aw, pasensiya na mga anak, sobra lang akong masaya sa biglaang paglakas ng katawan ng daddy niyo. Sige na, tara na sa komedor at kumain.”, walang kasinsayang wika ng matandang babae at nailing na napatingin sa kanya si Nicholai bago sumenyas papunta sa direksiyon ng komedor. Sa harap ng komedor ay tila larawan sila ng isang masayang pamilya habang kumakain. Ang daddy niya sa kabisera at sa kanang bahagi nito ay nakaupo ang asawa nito na mommy ni Nicholai samantalang sa left side naman nito ay nakaupo sila ni Nicholai. Hindi man niya aminin ngunit isa ito sa pinakamasayang tanghalian after ten long years. Dahil walang Mia na madadatnan ni Nate sa kanyang bahay ay sumang-ayon siya sa imbitasyon ni Duke na magpalipas ng oras sa isang sikat na bar. Gusto rin niyang uminom ng alcohol upang makatulog siya agad pagdating sa bahay. Ayon kay Duke ay nakareserve sila sa VIP room ng bar kung kayat tuloy tuloy siyang umakyat sa second floor. Kilala na sila sa bar kung kayat pagkakita sa kanya ng isang crew ay agad nitong itinuro ang kinaroroonan ng kaibigan. Pagbukas ng pinto ay agad siyang nagpakawala ng ngiti para sa kaibigan. May kasama itong babae pero hindi niya ito mamukhaan. Marahil ay bago na naman nitong chiks kung kayat patay malisya na lamang siyang ngumiti habang palapit sa kinauupuan ng mga ito. “Sorry, bro, medyo natagalan akong lumabas sa office.”, wika niya dito kasabay ng pakikipagbunguan ng kamao. “You're just in time, bro. Halos kadarating lang din namin.”, pahayag ni Duke pagkatapos ay sinenyasan siyang maupo. “By the way, this is Careena, a special friend of mine. Car- si Nate, one of my best friends.”, pagpapakilala nito sa kasamang babae. “Hi, nice to meet you.”, maginoong bati niya kasabay ng pag-abot ng kamay upang makipagshakehands dito. “Hello, sir, nice to meet you po.”, magalang na bati nito. Simple lamang ito at mahinhin kaya napatanong siya sa isip kung anong klaseng special friend ito sa kaibigan. Base sa kanyang obserbasyon ay hindi ito yung klase ng babaeng always on the go na malimit kafling ni Duke bagkus ito yung klase ng babaing nag-iisip ng one hundred times bago sumama sa kaibigan. “Just Nate nalang, please.”, pahayag niya dito sapagkat mukha itong kinakabahan at hindi komportable. Ngumiti lamang naman ito sa kanyang sinabi pagkatapos ay ibinalik sa kandungan ang mga palad. “Mabuti naman at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon? Hindi ka ba naman pagagalitan ni Mia niyan?”, pambibiro ni Duke at natawa lamang siya dito. “Bumisita siya sa dad niya sa province.”, pahayag niya at natawa iyon ng medyo malakas. „Kaya naman pala, wala pala si Comannder.”, si Duke at nakitawa lamang siya dito pagkatapos ay kumuha ng isang bote ng beer at naglagay sa kanyang baso. Pagkaubos nila ng tig-iisang bote ay dumating si Mike kasama ang consistent date nitong mga nagdaang mga araw. Hindi kagaya dati na bawat labas nila ay bagong chica babes ang ipinapakilala nito. Dahil kilala na rin nila ang kasama nito ay mas nakakasabay ito sa kanila compare sa kasama ni Duke na pangiti ngiti lamang sa tabi at nag-oobserved. Halatang hindi ito sanay sa nightlife. Bigla ay naisip niya si Mia. Sa nakikita niyang awkwardness ni Careena sa mga kasama ay parang ayaw niyang isama ang dalaga sa ganitong lugar. Mia is like her, hindi man ganito kahihin pero hindi rin magaslaw kaya sigurado siyang hindi ito makakasabay. At ang pinakaayaw niya ay maout of place ito sa harap ng mga kaibigan niya. Mas gustuhin niya na lang sigurong hindi nito makilala ang mga kaibigan niya kaysa makita itong uncomfortable na kasama sila. Sa kaiisip sa dalaga ay para ba itong may mental telepathy. Nagvibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa kanyang bulsa at nang tignan niya ito ay saktong si Mia ang tumatawag. Agad naman siyang nag-excuse sa mga kasamahan upang sagutin sa may di kalayuan ang tawag ng dalaga. “Hi, baby!”, bati niya sa dalaga pagkatapos niyang pindutin ang answer button. “Hi, babe, nakauwi kana?”, malambing na wika ni Mia. Medyo napakagat siya ng labi dahil hindi pa pala niya nasasabi sa dalaga na sumama siya kay Duke sa bar. „Uhmm, yeah, pero dumaan lang ako kay Duke, nag-aya kasi siya dito sa bar. Pero saglit lang ako, pauwi na rin mamaya.”, saad niya dito. Ayaw niyang isipin ng dalaga na kung saan saan siya nagpupunta habang wala ito sa tabi niya. „It’s okay, babe para hindi ka malulungkot na mag-isa sa house.”, pahayag ng dalaga at nakahinga naman siya ng maluwang dahil naiintindihan siya nito. „Thank you, baby. I miss you.”, turan niya ngunit halos mabitawan niya ang cellphone ng biglang may pumiring sa kanyang mga mata. Hindi naglaon ay tinanggal din ang pagkakapiring sa kanya at pahagikgik na yumakap ito sa kanyang baywang mula sa likuran niya. “I miss you.”, nakangiting turan ni Maureen ng magtama ang kanilang mga mata. Agad niyang tinakpan ang speaker ng kanyang cellphone dahil baka marinig ito ni Mia sa kabila. “Don’t you miss me?”, si Maureen at hinaplos pa nito ang kanyag mukha. “I’m talking to my girlfriend.”, seryosong pahayag niya dito habang nakabakas sa mukha ang hindi pagkatuwa. “Oh, sorry. Go ahead!”, saad nito kasabay ng pagkalas ng bisig nito sa kanyang baywang at sumandaling lumayo. “Babe? Babe! Nandiyan ka pa ba?”, narinig wika ni Mia ng tanggalin ang pagkakatakip sa speaker ng cellphone. „Yeah! Sorry, babe, nawawala ang signal dito.”, pagsisinungaling niya sa dalaga. “Ganon ba? Sige, sige. Tumawag lang naman ako para mag-goodnight saiyo. Ingat ka sa pag-uwi ha? I love you.”, pahayag ng dalaga at dahan dahan siyang napapikit pagkatapos ay dahan dahang napabuntunghininga. “Good night, baby. I love you so much.”, turan niya dito bago pinindot ang end button at tuluyan ng nawala ang dalaga sa ere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD