“Hey!”, narinig niyang tawag pansin ni Maureen ngunit hindi niya ito pinansin, bagkus ay diredirecho niyang tinungo ang pinto pabalik sa loob ng VIP room na kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Ayaw niya ang ginawa nitong bigla na lamang sumulpot at yumakap sa kanya habang kausap si Mia. Paano na lang kapag naring ito ng dalaga? Isa pa wala silang relasyon ni Maureen dahil una pa lamang ay alam na nitong mayroon na siyang nobya. Kung ano man ang mayroon sa kanila ay hindi dahil may gusto siya dito kundi dahil sa biruan at sulsol ng kanyang mga kaibigan.
Paglapit niya sa kinaroroonan ng mga kaibigan ay agad siyang nagpaalam sa mga ito. Gusto na niyang putulin ang ugnayan niya kay Maureen kaya kahit halos kakaumpisa pa lamang nila ay gusto na niyang umuwi.
“”Hep! Saan ka pupunta?”, agad tumayo mula sa pagkakaupo si Duke ng makitang kinuha niya ang suit na isinampay kanina sa armchair ng isang upuan.
„Sorry, bro, I need to go now. Ituloy na lang natin ulit ito sa susunod.”, sagot niya sa kaibigan at nahiwagaang napatingin ang lahat ng mga kasama niya.
“What’s the matter? Halos kasisimula lang natin ah?”, turan ni Duke. Napabuntunghininga siya lalo na ng makitang papasok si Maureen sa pintuang pinasukan niya kanina.
“Oh, I get it!”, saad ni Duke ng magets ang dahilan kung bakit gusto na niyang umuwi. Naipinta sa kanyang mukha ang labis na pagkadisgusto pagkatapos ay umiling. Hindi niya talaga nagugustuhan ang pagrereto ng mga ito ng kung sino sino samantalang alam naman ng mga itong mayroon na siyang kasintahan.
“Just for fun, you know? Hindi naman ibig sabihin na kapag nandiyan si Maureen ay kakalimutan mo na ang pinakamamahal mong si Mia.”, nakatawang pahayag ni Duke at mas lalo siyang nakaramdam ng pagkainis. Kung kailan tumino tino siya sa pagigng palikero saka naman siya tinuturuang maging salawahan?
“That’s right! Come on, bro, palay na yung lumalapit saiyo, oh?”, si Mike na tumayo na rin at umakbay sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay ngunit ikiniling lamang nito ang ulo na para bang balewala lamang dito ang pagcheat.
“Remember, life is short, so we must enjoy life to the fullest. Ang swerte mo nga at may patay na patay saiyo diyan, at hindi lang basta basta. Sikat na, may breeding pa!”, pagmamalaki ni Mike habang nakangising sumulyap kay Maureen.
“Wala akong pakialam kung sikat man siya o kung may breed siya o wala. The thing is, I have a girlfriend, and I love her, so you need to respect that!", tigas niyang wika sa mga kaibigan at napansin niyang nagkatinginan pa ang mga ito.
“"Okay, fine! Naniniwala na kaming mahal mo talaga si Mia. Just this once, pagbigyan mo na kami. Since wala si Mia, why not try to enjoy Maureen’s company muna? Kung hindi kayo mag-click, di na kami magtutuloy sa paglink sa iyo sa iba. Then maybe, we could start to know more about your beloved Mia?", si Mike at hindi niya naiwasang mapakunot-noo sa kondisyon nito. Akala siguro ng kaibigan niyang ito ay ganon kababaw ang pagtangi niya sa kanyang girlfriend.
“I second the motion, bro. How about that?”, segunda naman ni Duke na para bang napakarupok niyang nilalang at hindi niya kayang panindigan ang pagmamahal niya kay Mia.
“Fine! But you two promised me—after this, you have to stay away from my relationship with Mia!”, pahayag niya at hindi makapaniwalang nagkatinginan ang dalawa pagkatapos ay ngumisi sa isa’t isa.
“Deal!”, halos sabay na wika ng mga ito at lihim siyang natawa. Talagang seryoso ang mga ito sa mga kalokohan sa kanya. Pero sige, tutal naiinis na siya sa mga ito. Kailangan niyang patunayan na hindi basta basta magbabago ang kanyang damdamin para kay Mia na kahit na sino pang Juana ang ilink sa kanya.
"Why are you up so early? Did you even sleep?", si Nicholai habang papasok kitchen kung saan naroon siya at nagtitimpla ng kape. Alas tres pa lamang kaninang nagising siya at hindi na siya dinalaw ng antok kaya minabuti na niyang bumangon ng masiguradong may mga tao na sa baba. Kaysa magmukmok sa kuarto at makipag-usap sa mga butiki sa kisame ay bumangon na lamang siya upang tumingin tingin sa paligid.
“Uhm, namamahay siguro ako.”, simpleng tugon niya pagkatapos ay ipinokos ang atensiyon sa paglalagay ng brewed coffee sa tasa. Hindi din kasi siya sanay na natutulog sa iba-ibang bahay. Bukod sa mga hotels kapag kailangan niyang mag-overnight sa trabaho ay tatlong bahay pa lamang ang natulogan niya. Sa villa kung saan siya lumaki kasama ang kanyang lola, ang kanyang condo, at ang townhouse ni Nate na kung saan kasalukuyan silang nakatira.
“That’s normal, masasanay ka rin.”, wika ni Nicholai kasabay ng pagbukas sa may cupboard at naglabas ng isang tasa. Nagkibit lamang siya dito pagkatapos ay binuksan ang lagayan ng creamer at naglagay ng dalawang kutsara sa kanyang brewed coffee. Naglagay din siya ng isang kutsaritang asukal pagkatapos ay binuhat ang tasa palayo upang bigyan ng pagkakataong makatimpla ng sariling kape si Nicholai. Pinulot niya sa ibabaw ng mesa ang cellphone ngunit ng makitang may message galing kay Nate ay ibinaba niya ang tasa upang basahin iyon. Kanina pa siya nagsend ng good morning sa binata athgough alam naman niyang tulog pa ito sa ganoong mga oras.
"Good morning! Nate's still fast asleep. I'll let him know as soon as he wakes up.", hindi naman siya agad nag-over react pero ilang ulit din niyang binasa ang dumating na mensahe mula sa numero ng binata hoping na baka nananaginip lamang siya o di kaya ay mali lang talaga ang kanyang pagkakabasa. Ngunit kahit isa-isahin pa niya iyon word per word ay ganon pa din ang kwento na galing sa numero ni Nate.
“Sorry? May I ask who's using his phone, please?”, halos nakangiti pa niyang reply dito kahit deep inside ay nagsisimulang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Kung binibiro man siya ni Nate ay hindi siya natutuwa. First time siyang biruin ng ganito ng binata at hindi man niya aminin ay nagsisimula na siyang pagpawisan ng malapot.
“His girlfriend.”, mabilis pa sa alas kuwatro ang pagdating ng reply nito at hindi niya mawari ang nararamdaman kung mapapangiti siya o mapapaluha.
“Babe, it’s too early, that’s not a good joke!”, wika na niya dito. Mahal na mahal niya si Nate at hindi keri ang mga ganitong klaseng biro.
Hindi sumagot ang binata sa text niya ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay tumatawag ang numero nito. Naexcite siya sa biglaang pagtawag ng binata. Sigurado siyang magsosorry ito sa panggogood time sa kanya pero naweirduhan siya sa kanyang nadarama. Para bang bigla siyang natakot na baka may totoong may ibang babaing nakahawak sa cellphone nito.
“Good morning, babe. I miss you.”, masiglang wika niya kahit sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
“Hi!”, matinis at malambing na boses ang babae ang narinig niyang sumagot sa kabilang linya at muntik niyang mapakawalan ang hawak na cellphone. Agad niya itong pinatay pagkatapos ay mabilis niyang ibinalik sa pagkakapatong sa table. Nanginginig ang buo niyang katawan habang halos hindi siya makahinga sa sobrang pintig ng kanyang puso. Totoo ba ito? Panaginip? Biro? o di kaya ay puyat lamang niya dahil hindi siya nakatulog ng mabuti?