Chapter 15

1592 Words
“Are you alright?”, si Nicholai ng mapansing halos mabitiwan ni Mia ang cellphone nito. “Uhm…yeah! Okey lang ako.”, mabilis nitong kinompos ang sarili pagkatapos ibaba ang CP sa ibabaw ng mesa na tila mainit na bagay na nakakapaso. “Are you sure?”, parang hindi kumbinsidong wika nito dahil hindi tugma ang expression ng mukha ng dalaga sa sinasabi nito. Parang bigla itong natakot na parang maiiyak. Sa halip na sumagot ay tumango lamang at ngumiti si Mia pagkatapos ay hinagilap ang tasa at inilapit sa may bibig na para bang kayang takpan ang pagkabalisa sa mukha nito. “Okey, baka gusto mong sumamang magjogging?”, turan niya dito. Mukhang malabo na ishare nito ang dahilan ng pagkabalisa kaya hayaan na lamang niya ang dalaga sa personal nitong problema. Expected na mag-iisip ito kung sasama o hindi sa kanya. Hindi sila close kaya hindi siya magtataka kung hesitant itong sumama. “Sige, bihis lang ako.”, maya maya ay wika ng dalaga at deep inside ay hindi siya makapaniwalang gusto nitong sumama sa kanya. Mia always treats her as an enemy, parang palagi itong naalibadbaran sa kanyang presensiya. How come na gusto siya nitong makasama? “Sure. Make it quick. Hintayin kita sa harap.”, excited niyang pahayag habang itinago ang pagkasurpresa. Tumango naman ito bago inilagay sa lababo ang tasang may kalahating laman pa ng kape pagkatapos ay nagmamadaling lumabas sa kitchen upang tumungo sa silid at magbihis. “Hey! Your phone.”, tawag niya sa dalaga ng makitang naiwan nito ang cp sa mesa. Agad naman itong bumalik and without a word ay pinulot nito ang cp pagkatapos ay tuluyan ng lumabas. Sinundan niya ito ng tingin hanggang mawala sa kanyang paningin at nailing na lamang pagkatapos. Hindi niya alam kung galit pa rin ang dalaga sa kanila o talagang nature lamang nito ang hindi masyadong nagsasalita. Ni hindi man lamang nagpasalamat sa pagpapaalala niya sa naiwan nitong cellphone? Sabagay nasanay naman na siya sa pag-uugali nito ang importante ay naging masigla ulit ang daddy nito dahil sa pagpayag nitong sumama sa farm. Pagpasok ni Mia sa inukupahang silid sa mansiyon ng mga Perez ay tinungo agad ang cabinet kung saan niya inilipat ang mga dalang gamit. Bago niya ito binuksan ay ipinatong ang cellphone sa tokador na may salamin. Ngunit bigla iyong tumunog hudyat ng pagdating ng isang text message. Napatingin siya ng medyo matagal bago niya ito tinignan at lalo siyang napaisip dahil hindi nakarehistro sa kanyang phone list ang numerong pinaggalingan ng mensahe. Hesitant siyang buksan at basahin ang dumating na message, parang nagkaroon siya agad ng trauma sa narinig na boses ng babae mula sa numero ni Nate. Hindi pa niya naibabalik sa tamang ayos ang kanyang pag-iisip mula kanina at hindi niya pa kayang makatanggap ulit ng isa pang dudurog sa kanyang puso. Inignore niya iyon at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagkuha ng bihisan para sa pagjogging. Mabuti na lamang din at ibat ibang klase ng damit ang inilalagay niya sa kanyang luggage kapag umaalis kaya mayroon siyang gagamitin. Hindi pa niya nailalabas ang damit sa cabinet ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. This time ay tawag naman. Alam niyang hindi si Nate iyon sapagkat may nakalagay na special ringtone kapag ang numero nito ang tumatawag. Nang tignan niya ito ay same sa number na nagpadala sa kanya ng misteryosong mensahe. Misteryoso para sa kanya sapagkat ayaw niya itong buksan at hindi niya alam kung ano ang nilalaman nito. Nagtatalo pa ang kanyang isip kung sasagutin niya ito o hindi. At dahil hindi ito humihinto ay naisip niyang baka kasamahan niya ito sa CPC at baka may concern sa trabaho kaya sinagot din niya kinalaunan. “Hi! Have you seen the picture I sent?”, boses agad ng babae ang bumungad sa kanyang tainga ng pindutin niya ang answer button sa screen. Kagaya kanina ay nagulat siya pero sa pagkakataong ito ay napahawak siya ng mahigpit sa kanyang cellphone at napalunok ng ilong ulit. “Sino ka?”, wika niya dito ng mahanap ang kanyang boses. Nanginginig ang kanyang katawan at tila gustong bumigay ng kanyang tuhod. “Mia, right?”, turan nito at mas lalo siyang napahawak ng mahigpit sa cp dahil kilala nito ang kanyang pangalan. “Anong kailangan mo?”, matapang niyang saad dito kahit halos matumba siya sa panghihina ng kanyang tuhod. “Well, I’ll be straight with you—I want Nate!”, wika nito at napapikit siya ng wala sa oras ng marinig ang sinabi nito. Halo halo ang kanyang nararamdaman, para siyang natatakot na may halong inis and the same time gusto rin niyang matawa. “He’s, my boyfriend.”, saad niya ng may konting diin para ipamukha dito na pagmamay-ari na niya ang binata. “I know! And I like him even more.”, ang babae at napahawak siya sa kanyang sentido. May ganito talagang babae sa totoong buhay noh? Hindi siya makapaniwang nakaencounter siya ng isa at ang ang kapal nitong tumawag at sabihin sa kanya. Bakit hindi na lang nito itago kung may pagtatangi ito sa kanyang boyfriend? “I’m totally fine sharing him with you… for now. One day, he’s all mine. Check out our sweet moment together, baby. Get jealous, because I held him in my arms all night. Bye!”, pahayag nito at narinig pa niyang tumawa ito bago nawala sa ere. Feeling niya para itong isang bruha sa movie na walang alam gawin kundi ang ikasisira ng bida. Parang hindi pa kayang iprocess ng kanyang utak ang pagtawag ng babae. Pakiramdam niya nasa mundo siya ng pagsusulat at nasa part siya ng paghahasik ng lagim ng kontrabida. Pero nasabunutan niya ang sarili ng marealized na nasa totoong buhay siya at literal na nagyayari ito sa kanya. Naisipan niyang buksan ang text message nito para kumpirmahin kung nagsasabi ito ng totoo. Baka gumagawa lamang ito ng kwento dahil gusto nitong masolo si Nate. Sa kabila ng nakakabinging pintig ng kanyang puso at nanghihinang mga kalamnan, pinilit niya ang sarili na buksan ang mensahe mula sa numero ng babae. Hindi ito isang karaniwang text message—isa itong larawan na hindi agad lumabas nang buo sa kanyang screen. Habang nagloload ang imahe, para siyang aatakehin sa puso. Ang bawat t***k nito ay tila umaandar nang mas mabilis kaysa sa dati, halos hindi na niya matiis ang kaba at sakit na unti-unting sumasakop sa kanyang dibdib. Gusto na niyang itigil ang pagbukas, ngunit may kakaibang lakas ng loob na pumilit sa kanya na malaman ang katotohanan. Biglang nagliwanag ang screen, at tumambad sa kanya ang larawan ng isang babae at isang lalaki, magkahawak-kamay at magkatabi sa ibabaw ng kama. Ang eksena ay malinaw na intimate, puno ng init at paglalambing. Hindi niya makita ang kanilang mga mukha dahil ang kuha ay mula sa likuran, ngunit sapat na iyon para siya’y mabigla. Hindi niya mapigilan ang mga luha na dumaloy sa kanyang mga mata. Kilalang kilala niya ang bawat linya, bawat kurba ng likurang bahagi ng katawan ng lalaki—si Nate. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya, ang lalaking minahal niya ng buong puso, ay nakikipag- intimate sa ibang babae. Ang sakit ay mistulang patalim unti-unting sumaksak sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilan ang paghikbi ngunit tinakpan ang bibig upang hindi marinig ang panaghoy ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung paano nangyari, wala sa hinagap niya na magagawa ni Nate sa kanya ang lahat ng ito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nalunod sa sariling mga luha. Ngunit biglang bumalik ang kanyang ulirat ng makarinig ng sunod sunod na pagkatok sa may pintuan. Agad siyang napatayo ay pinunas ng mabilis ang basang mga pisngi. Kung sino man ang nasal abas ng pinto ay ayaw niyang malaman nitong umiyak siya. "Maia! What's taking you so long? Are you still coming?”, si Nicholai ang nasal abas ng pinto. Mabilis siyang lumunok ng ilang ulit upang maclear ang kung anong nakabara sa kanyang lalamunan at hindi pumiyok bago sumagot. "I'm coming. Please, just a minute!", buo ang boses na tugon niya pagkatapos ay nagmamadaling tinaggal ang suot na pajamas at isinuot ang ternong sweatshirt at jogging pants. Mabilis na pumasok sa banyo ay naghilamos. Naglagay ng konting sunscreen sa palad at ipinahid sa mukha. Sinuyod ng ilang beses ng suklay ang buhok at nagmamadaling tinungo ang pinto. Pagbukas niya ng pinto ay napahawak siya sa kanyang dibdib sa gulat ng mabunguran sa labas si Nicholai. "What's taking you so long?", wika nito habang nakapinta sa mukha ang pagkainip. “Pasensiya may kinausap lang ako sa phone. Let’s go!”, agad niyang paghingi ng paumanhin dito. “Akala ko nagback out ka na naman ng hindi mo sinasabi. Sige, let’s go!”, wika ni Nicholai na agad namang nawala ang pagkadisgusto sa mukha nito matapos niyang humingi ng paumanhin dito. Pinauna siyang lumakad patungo sa may hagdan pababa ngunit bigla din siya nitong pinigil. “Wait! What happened to your eyes? Umiyak ka ba?”, sita nito at mabilis niyang iniiwas ang mukha dito. “Hindi! Tara!” tugon niya, pagkatapos ay mabilis siyang lumakad palayo. Her pain is hers alone to bear, a silent weight pressing down on her soul. Her personal burden had nothing to do with them, nor with anyone else in the world. This is a battle she had to fight on her own. She had to settle it by herself, no matter how painful the cost might be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD