Akala ni Mia ay magjojogging sila ni Nicholai ngunit pagdating nila sa b****a ng mansion ay may dalawang off-road ATV vehicle na naghihintay sa kanila. Itinuro nito ang isa para sa kanya pagkatapos ay nauna ng sumakay sa isa.
“Akala ko ba magjogging tayo?”, hindi napigilang usisa niya dito.
“Sa tagal mong nagbihis, aabutan na tayo ng araw sa daan. Maglilibot na lang tayo sa farm.”, tugon ni Nicholai at naikutan niya ito ng mata. Sa himig nito ay siya ang may kasalanan kung bakit cancelled ang jogging nila.
Sumakay siya sa ATV at inusisa ang nasaan ang starter, yung preno at iba. Nakasakay na rin siya ng ganito kaya lang may katagalan na kaya hindi siya masyadong confident kung paano imaniobra.
“Kaya?”, maya maya ay narinig niya turan ni Nicholai habang palapit sa kanya. Nainip yata dahil hindi pa niya ito pinapaandar.
“Parang sasakyan lang din yan, apakan mo lang din yung throttle to move forward, and then yung brake diyan to slow down.”, saad nito sabay turo sa kanyang paanan pagkatapos ay kung ano anong instructions pa ang mga sinabi nito na kanya namang tinanguan.
“Got it, thanks!”, wika niya dito pagkatapos ay pinindot na ang start button ng sasakyan.
“You forgot to wear your helmet.”, paalala nito ng makitang nakasabit pa sa likurang bahagi ng ATV ang helmet. Pero ito din ang kumuha sa helmet at walang kaabog-abog na isinuot sa kanyang ulo pagkatapos ay tinapik ang kanyang balikat bago pumunta sa isang ATV.
Pagkaraan ng ilang saglit ay halos binabagtas na nila ang daan patungo sa kailaliman ng farm. Maraming mga punong kahoy ang kanilang mga nadaanan, mga ibat ibang panananim hanggang marating nila ang napakalawak na grassland at namangha siya sa dami ng baka na malayang kumakain ng mga damo. Ang lulusog at ang cucute ng mga hayop at nag-eenjoy siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Mas lalo naman siyang natuwa ng makita ang mga bakang nakahilera upang magpatanggal ng gatas. Para pala sa kaalaman ng marami ay ang farm nina Nicholai ang isa sa pinakamalaking dairy farm sa buong Pilipinas at nag-eexport ng mga dairy products sa mga karatig bansa sa Asya.
Pagkatapos nila sa bakahan ay nagtungo din sila sa mga namumungang punong-kahoy tulad ng rambutan at lanzones. Hindi matanaw ng kanyang mga mata kung gaano karami ang mga namumungang punong-kahoy na mga ito. Sobrang hitik ng bunga ng mga ito at sa katuwaan ay namitas siya ng kanyang iuuwi sa mansiyon. Favorite niya ang mga prutas na ito at iba din pala ang enjoyment kapag ikaw mismo ang namimitas ng iyong kakainin.
Pagbalik nila sa mansiyon ay sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Sa mga tanawing nakita niya sa paglilibot sa farm ay talaga ngang nakakatanggal ng stress at ganon din ang mga mabibigat na dinaramdam ng dibdib. Papasok pa lamang sila sa may gate ay tanaw na niya ang kanyang daddy at ang mommy ni Nicholai na masayang kumakaway sa kanila. Nagmano si Nicholai ng makalapit sa mga ito kung kayat wala siyang choice kundi gumaya sa ginawa nito.
“God bless you, iha. Nag-enjoy ka ba sa paglilibot sa farm?”, nakangiting wika ng mommy ni Nicholai at nakangitisiyang tumango dito.
“Opo, ti..ta.”, tugon niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang itatawag niya dito. First time niyang makakausap ng ganito ang kinakasama ng kanyang ama at napakaawkward para sa kanya na tawagin itong tita sapagkat hindi sila close.
„Mommy Olive nalang, iha. Hindi ka naman iba saakin kaya tawagin mo na lang din akong mommy katulad ni Nicholai.”, masayang pahayag nito at napatingin muna siya sa paligid bago siya sumang-ayon dito. Sa pagkakangiti ng kanyang ama ay aprobadong aprobado sa sinabi ng kinakasama nito. Samantalang si Nicholai ay nakataas ang kilay na tila nagbabanta kung hindi siya umayos.
„Sige po... mommy.”, tugon niya sa matanda at hindi niya akalaing yayakapin siya nito sa sobrang saya.
„Thank God! I’m a mother of two now.”, masayang wika ng matanda at nginitian lamang niya ito. Wala naman na siang nararamdamang inis o galit dito pero parang hindi pa siya ganon kahanda para tawagin itong mommy.
Ahem! Ahem! Let's keep it fair, no favoritism here.", awat ni Nicholai sa sobrang excitement ng ina at nabigwasan ng huli ito sa may balikat.
Ouch! Kasasabi lang, eh?”, reklamo nito at napuno ng tawanan ang harapan ng mansiyon pagkatapos.
„Bueno, magshower muna kayong dalawa sa inyong mga silid at kami ng daddy niyo magpapahanda ng agahan natin sa lanai.”, suwestiyon ng matandang babae na siya namang sinang-ayunan nilang dalawa ni Nicholai. Pareho kasi silang pinagpawisan mula sa paglilibot sa farm at gustong gusto na niyang maligo at magbihis.Halos magkasunod lang din sila ni Nicholai na umakyat sa hagdan upang tumungo sa kani kanilang silid.
Pagbukas niya ng pintuan ay tunog agad ng cellphone ang bumungad sa kanya sa loob ng silid. Hinanap niya kung nasaan ito at nakita niyang nasa harapan pa rin ng tokodar kung saan niya inilapag kanina bago umalis. Sinandya niyang hindi dalhin ang cellphone kahit alam niyang may mga tatawag sa kanya lalo na si Nate. Pagkatapos kasing tumawag at magsend ng picture ang babaeng inuugnay ang sarili sa binata ay tila nawalan siya ng ganang makipag-usap sa cellphone.
Hindi niya pinansin ang tawag bagkus ay lumapit siya sa cabinet upang maglabas ng pampalit na susuutin. Ngunit ng matanawang ang kanyang ina ang nakarehistro sa screen na tumatawag ay kinuha niya ang cellphone at pinindot ang answer button.
“Buenas Dias!”, saad nito agad ng lumitaw pareho ang kanilang mga mukha sa screen. Sa face app ito tumawag kaya kita nila ang isa’t isa.
“Hi, mom!”, casual lang niyang bati dito. Tulad ng kanyang ama ay hindi na rin siya ganon kaclose sa ina simula noong nag-asawa din ng iba.
“Sabi ni Olivia nasa farm ka daw nila?”, pag-uusisa ng ina. Hindi siya nagulat kung bakit alam nitong narito siya sa farm pero ang ikinagulat niya ay ang tila may komunikasyon ito sa pangalawang asawa ng kanyang ama.
„Uhmm oo.”, maikling tugon niya sa ina.
“Mabuti kung ganon. Kumusta naman ang daddy mo? Sabi ni Olivia naging masigla na daw simula noong dumating ka?”, saad pa ng kanyang ina na parang gusto pang makichismis.
„O..oo, ewan, parang.”, hindi siya sure kung siya nga ang dahilan ng pagbabalik sigla ng kanyang ama.
„Dalasan mo ang pagdalaw sa kanya para tuluyang gumaling kawawa naman.”, saad ng kanyang ina at lihim niyang naitaas ang kilay. Kahit paano ba concern pa rin ang ito sa kanyang ama kahit niloko siya?
“I’ll try kung hindi hectic ang schedule sa work.”, pahayag niya dito. Maya maya ay napahinga ang kanyang ina ng malalim at naitaas niya ang kanyang noo.
“I’m proud of you, anak. Even with everything that’s happened in our family, you still chose to forgive and open your heart to your dad. I’m so sorry, Mia, that we couldn’t give you the family you deserved.", emosyonal na wika ng kanyang ina.
Hinilot lamang niya ang pagitan ng kanyang mga kilay at bahagyang pumikit upang tutulan ang emosyong nagsisimulang tumubo. She cried for a very long time para sa kanyang pamilya pero walang nangyari. Napagod na siya sa pakikipaglaban at nagising na rin sa katotohanang siya lamang ang nakikipaglaban at may kagustuhang mabuo pa ang kanilang pamilya. Unti unti ay tinatanggap na niya na ganon ang kanilang destiny kaya ano pa ang silbi ng pagiging emosyonal niya pagdating sa usapin nila?
"I'm working on accepting everything, Mom. I hope someday everything will be well for all of us.", saad niya at tumango tango ito.
"I'll pray for that, anak, because all I want is to see you happy.", ang kanyang ina at siya naman ang tumango dito.
“Yung palagi kong bilin saiyo ha? Piliin mong mabuti ang makakatuwang mo sa buhay at huwag mong hahayaang magaya ang magiging pamilya mo saatin.”, saad pa ng kanyang ina at hindi niya napigilang mapangiti ng mapakla habang naiisip si Nate.
“I will, mom.”, tugon niya sa ina at pagkatapos ng ilang paalala nito ay nagpaalam na din ito sa kanya.
Nang mawala sa ere ang ina ay napaupo siya sa gilid ng kama pagkatapos ay bahagyang hinilot hilot ang pagitan ng kanyangmga mata hanggang sa kanyang noo. Nasa isip na naman niya si Nate at nagsisimula na namang dumugo ang kanyang puso. Pinaikot ikot niya ang hawak na cellhone habang napapabuntunghininga ng malalim. Pagkatapos ng ilang saglit ay nakita niyang napakaraming miscalls ang hindi niya nasagot at ang lahat ay galing sa numero ni Nate. Sa pagkakataong ito ay nagdalawang-isip siya. Si Nate ba talaga ang tumawag sa kanya o ang babaing nakahawak sa cellphone nito at gusto lamang nitong guluhin ang kanyang katahimikan? And again- Nate is calling. Imbes na sagutin niya ito ay itinapon niya sa higaan ang hawak na cellphone pagkatapos ay kinuha ang towel at nagtungo sa banyo upang maligo.