Pagpanaog ni Mia sa baba mula sa kuarto ay nasa lanai na ang lahat. Nakahanda na rin ang marimg pagkain sa mesa at tila ang ang kanyang presensiya na lamang ang hinihintay upang simulanang agahan. Agad ngumiti ang kanyang stepmother pagkakita sa kanya ngunit si Nicholai ang tumayo upang hilain ang upuan para sa kanya. Nagpasalamat siya dito at simpleng kibit naman ang isinagot nito.
"I've got some good news to share with you both.”, excited na wika ng kanyang stepmother sa kalagitnaan ng kanilang agahan. Bahagya pa silang napatigil sa pagnguya ni Nicholai at puzzled ang mga mukhang tumingin sa isa’t isa bago ibinalik ang atensiyon dito.
"Your dad has decided to live in Manila and start his medication.", pahayag pa ng kanyang stepmom at totoo nga ding good news sa kanila iyon.
Simula daw kasi noong matuklasang may sakit ang kanyang ama ay nawalan ito ng pag-asang gumaling kaya ayaw na nitong magpatingin pa ulit sa doctor.
“Wow! That’s such great news, Mom!”, hindi makapaniwalang wika ni Nicholai habang banaag sa mukha ang matinding relief.
“Yes, and this is all because of you, Iha. Thank you for showing up!”, tugon ng matanda pagkatapos ay nakangiting bumaling sa kanya.
Wala siyang masabi subalit nginitian niya ito pagkatapos ay bumaling sa kinauupan ng kanyang ama at wala sa sariling ginagap ang kamay nito. Bilang isang anak ay gusto niyang gumaling at humaba pa ang buhay ng kanyang ama kahit gaano pa man ang nagawa nitong pagkakamali sa kanilang buhay. Pinisil ng ama ang kanyang kamay pagkatapos ay nakangiting tumango sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay tila bumalik ang alaala niyang sa panahong buo pa ang kanilang pamilya at super close pa sila ng kanyang ama. Yung time na kapag nagkakaroon siya problema o dika kaya pagduda sa sarili para gawin ang isang bagay ay palagi nitong hinahawakan ang kanyang kamay ng mahigpit pagkatapos ay tatango at ngingiti. He’s always been her first support system. Whenever she did something wrong, he never questioned her about it. He just held her hand, smiled, and said, “Just do better next time.” She loves him so much. He was the best and perfect father. But all of that seemed to vanish like smoke when he decided to separate from her mother and be with his second wife.
“At para mas lalong ganahan ang daddy niyo sa kanyang medication dapat kayong dalawa umuwi muna sa bahay. It makes him really happy to see you both around, lalo na saiyo Maia.”, narinig niyang saad pa ng kanyang stepmother. Tumango siya Nicholai kung kayat nakigaya rin siya dito.
“See that, love? The kids love you so much and want you to get better, just like I do. Don't let us down.”, turan naman nito sa kanyang ama at tumango lamang at ngumiti ang kanyang Daddy habang nakapinta sa mukha ang labis na kagalakan at pag-asa.
Paggising ni Nate ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo. Instead na umuwi siya agad mula sa upisina kagabi ay nakipag -inuman siya sa mga kaibigan hanggang malasing. Nabobore siyang mag-isa sa bahay tapos hindi pa niya macontact si Mia kaya minabuti niyang magpalipas na lamang ng oras kasama ang mga kaibigan. Tamang tama namang may new collection ng alak ang kaibigang si Duke kaya iyon ang kanilang ininom. Nasarapan naman sila sa nasabing alcohol, very smooth habang dumadaan sa kanilang lalamunan pero hindi niya akalaing magkaroon siya ng hangover kinaumagahan. Mabuti na lamang at palagi siyang may nakareserbang alka-seltzer sa medicine cabinet, ilang minuto lamang ang makakalipas pagkatapos niyang uminom dito ay mawawala na ang sakit ng kanyang ulo dahil sa hangover.
Pagkapos niyang uminom ng gamot ay tinungo niya ang banyo upang maligo at magbihis papunta sa upisina. Kahit naman gaano siya kalasing kinagabihan ay nagigising pa rin naman siya sa tamang oras at pumasok sa trabaho. Mas nakaramdam din siya ng paggaan ng pakiramdam ng pagtapos itutok ang katawan sa ilalim ng shower. Parang biglang nagising ang natutulog niyang diwa lalong lalo na ang mga ugat sa kaawan ng mabuhusan ng malamig na tubig.
Agad naman siyang nagbihis paglabas niya sa banyo. Maayos namang nakahilera sa closet ang mga susuutin niya papunta sa upisina dahil may nakasulat pang araw kung kailan niya susuutin ang mga iyon. Mia did this for him bago umalis pero kapag narito ang dalaga ay nalatag na lahat ang mga ito sa ibawbaw ng couch at kanya na lamang susuutin. Tinutulungan pa siya ng dalaga sa pagsara ng ng kanyang longsleeve ganon din ang pag-aayos ng kanyang necktie. Sinusuklay pa nito ang kanyang buhok kahit hindi naman kailangan sana sapagkat maiksi naman palagi ang kanyang gupit. Pagkatapos ay ayain siya sa komedor para kumain at ito pa ang maglalagay ng agkain sa kanyang plato. At dahil wala ito ay siya ang gagawa ng lahat para sa sarili. Sa upisina na laang din siya kakain sapagkat wala din naman siyang ganang kumain mag-isa kahit alam niyang maghanda ng sarili niyang pagkain.
Habang nagwiwisik ng pabang ay tumunog ang kanyang cellphone. Excited niyang sinulyapan iyon thinking na si Mia ang tumatawag. Dalawang araw na silang hindi nag-uusap ng dalaga sa hindi niya malamang dahilan kung bakit hindi ito sumasagot at namimiss na niya ito. Ngunit ng makita ang pangalan ng tumatawag sa screen ay napangiti siya ng mapakla. It’s not Mia, but its Maureen. Patamad niyang pinindot ang answer button sa screen, kahit paano ay nakakasama niya ito habang wala si Mia and she made a lot of effort for him.
“Hi!”, simpleng bati niya dito habang ibinagpatuloy ang pagbibihis.
“Good morning! How was your sleep? You drank quite a bit last night.”, energenitic nitong bati t kapansinpansin sa tono nito ang simpleng pag-alala sa kanyang hangover.
“Fine, I already took my medicine.", medyo nakatawa niyang pahayag.
“That’s good to hear. Have you had breakfast yet? I made something delicious if you’re interested.”, wika ni Maureen at mas lalo siyang napangiti. This woman is always finding ways to get his attention.
“Alright. Be there in a bit.”, saad niya at kahit hindi niya ito nakikita ay ankikinita niya ang labis na excitement nito sa kanyang pagpayag.
“Sure! Sure! Gotta go and get everything ready. See you in a bit.”, masayang pahayag ni Maureen pagkatapos ay nawala na ito sa ere. Napailing siya sa ginawa nito ngunit nakangiti niyang tinapos ang pagbibihis.
Pagkatapos magbihis ay nagpasya na siyang lumabas sa kuwarto. Dadaan lamang siya saglit sa kitchen upang uminom ng tubig pagkatapos ay tutuloy na siya sa place ni Maureen. Kahit gaano ito kaganda ay hindi siya masyadong attracted dito but he really appreciates her effort.
Pagpasok niya sa pinaka kitchen-komedor ng bahay ay bigla siyang napahinto sa pagkagulat. Mia is sitting prettily and calmly sipping her coffee at the dining table.
“Good morning!”, matamis ang ngiting batinito. Dapat ay bibitawan nito ang anumang hawak at iiwan ang anumang ginagawa at tatakbo itong yayakap sa kanya pero nanatili lamang ang dalagang nakaupo at nakatingin sa kanya.
“Babe, you’re here?”, excited niyang wika pagkatapos ay mabilis na lumapit sa dalaga at ikinulong sa kanyang dibdib. Pinupog din niya ng halik ang ulo nito. They hadn’t seen each other for three days, and he desperately missed her. Her sweet scent, her smooth hair, the warmth of her body—everything about her.
“Kararating ko lang kanina. Mahimbing pa ang tulog mo kaya hindi nakita ginising.”, saad nito habang nakapulopt na rin ang mga kamay nito sa kanyang baywang.
“Really? So, hindi mo ako namiss? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”, may pagtatampong wika niya dito. Ngunit pinindot nito ang kanyang ilong pagkatapos ay ngumiti.
“Accidentally nahulog ko yung phone ko at nasira yung screen, sorry.”, apologetic nitong pahayag kung kayat naalis naman agad ang tampo niya dito. How could he not, when her face is so angelic? Nginitian niya ito at hinaplos ang mukha ng dalaga pagkatapos ay dahan dahang inilapit ang lab isa mga labi nito at hinalikan ng matagal na parang hindi sila nagkita ng mahabang panahon.
“I miss you, babe, so much!”, anas niya sa punong tainga ng dalaga bago pinadausdos ang mga labi pabab sa makinis nitong leeg at kargahin papunta sa loob ng kanilang kwarto. Inilapag niya ito sa malambot nilang higaan pagkatapos ay tinanggal ang halos kasusuot na suit. Nagvavibrate ang kanyang cellphone pero tulad ng kanyang mga damit ay isinamai rin niya itong inihagis sa kung saan.