9: You can pay it with your body

2530 Words
Pagkatapos kumain ay ako ang pinagligpit ni Luca sa pinagkainan namin kahit nakikita niya namang pilay ako at kakalabas lang ng hospital. Walang puso talaga! Amethyst helped me pati na rin ang dalawang makukulit na bata. Bumabawi raw sila sa ginawa nila sa cast ko at kanina sa kuwarto. Pero hindi ko naman talaga kailangan ng tulong nila, but they insisted kaya hinayaan ko na lang. Ayos na rin ito para madali akong matapos. Pass 10 PM nang maligo ako. I don't know why pero nakasanayan ko ng maligo sa ganitong oras. I can't sleep lalo na kapag hindi ako nakakainom. Palagi kasing umaandar ang insomia ko kaya alak lang ang tanging paraan ko para makatulog. Pahirapan din sa akin ang maligo ngayon dahil iniiwasan kong mabasa ang paa kong may cast. Pahirapan din ang pagbalanse ko sa katawan at may pagkakataon pa na malapit na akong madulas. Maayos naman ang pakiramdam ko at bumabalik na ito sa dati. Ang paa ko na lang ngayon ang pinoproblema ko. Mga ilang araw ay puwede na itong tanggalin. I get a red nighties dress na above the knee lang at sinuot ko na agad ito. Wala na akong pantulog na damit kasi ibininta ko na 'yong mga branded kong pantulog. I have only 5 night dresses left. Hihingi na lang ako ng pera kay Amethyst para pambili ng iba pang damit. I really can't live like this. Lumabas ako ng kuwarto na basa pa ang buhok bago nakasaklay na pumunta sa may counter ng kusina. Napansin ko kasi noong nagliligpit ako ng pinagkainan namin kanina na marami silang mamahaling wine na naka display lang. As in, sobrang dami. Natatakam nga ako kaya ngayon balak kong kumuha. One bottle is enough naman para makatulog ako. Ilang linggo ba akong hindi nakakainom? Pinagbawalan kasi ako ni Amethyst uminom noong nasa hospital ako kaya ngayon ay hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito. Madilim sa kusina pero may dim light din naman ang naiwang nakabukas dahilan upang kahit papaano ay makita ko ang mga alak na naka-display lang. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mag ningning sa tuwa. Para akong nakakita ng ilang ginto sa harapan ko. Kumuha na ako ng isa at agad ko itong tinungga. Napapaliyad pa akong nakasandal sa counter dahil sa sarap ng likidong humahaplos sa lalamunan ko. It was like fire rolling down my throat—burning all the blood in my body with just one sip. It's taste heaven. Gosh? I miss this kind of feeling! Tinungga ko muli ang hawak kong bote. Ninanam-nam ang bawat lagok ko ng alak. It taste different sa mga nainom ko ng wine noon. Masarap ito at ngayon lang siguro ako nakatikim ng ganito in my whole life. "Why did you drank that one?" Napaayos agad ako ng tayo nang maring ko ang pamilyar na boses na 'yon. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses na iyon. He was leaning against the wall and his gaze fixed on me. Manghang-mangha pa rin ako sa taglay niyang kaguwapohan. Mas nangingibabaw pa nga ngayon dahil sa suot niyang white t-shirt na kitang kita ko ang nakapalibot na tattoo sa kaniyang left arm and a gray sweat pants. Napaka-simple lang niyang tingnan. He really did have an ethereal face worthy of all the praises, but…err ….his face is really a waste on his personality. Tsk. Tsk. Nakakapaghinayang ba naman. Kusa kong napalo nang marahan ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ko na naman kasi pinagpapantasyahan ang lalaking 'to? Hindi pa ba ako nadala sa mga karmang bumabalik sa akin? Pero kanina pa ba siya riyan? Bakit hindi ko man lang namalayan ang presensya niya? "It's my collection, for heaven's sake. And you just drank the 100-years-old wine I brought all the way from Spain? Do you know how much it cost?" He looked at me seriously. Dahan-dahan ko namang inilapag sa counter ang boteng alak na ngayon ay wala na yatang laman dahil madali ko itong naubos. I gulp trying to untie the knot in my throat while I straightened my back. I smiled awkwardly. "W-well, wine is meant to be drunk, not to be collected," I reasoned out, kahit kinakabahan na ako sa klaseng titig niya ngayon. He looks like a beast who wanted to devour me whole. Eh, hindi ko naman kasi alam na personal collection niya pala ang mga naka-display dito. I gulped when he started walking at my direction. Napakapit ako sa kitchen counter na pinagsandalan ko kanina. Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko nang ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa akin. Humigpit na rin ang hawak ko sa saklay dahil kapag may ginawa siyang kalokohan ay puwede ko itong gawing pang self-defense. Agad kong naibaling ang mukha ko sa kabilang direksyon nang makalapit siya sa akin nang tuluyan. Napapikit ako nang mariin dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin at ang mainit niyang hininga sa pisnge ko at sa tenga ko. I slightly gasped when he softly brashed the back of his fingers on my arm. He later spoke with a softer tone, "It cost me a billion to get that, darling. And if I can't enjoy it's taste, then all my money I spent on it would be in vain." Nagsisimula ng bumigat ang paghinga ko at hindi na rin magkamayaw ang puso ko dahil sa kaba. His voice is too soft for my heart. Napalunok ako nang maramdaman ko ang ginawa niyang pag-amoy sa bandang leeg ko na pinagpapawisan na ngayon. Nakatagilid ang ulo ko kaya malaya niyang naamoy ang parte ng leegan ko. "Why are you smell so good?" Oh my god! His voice. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang magsalita na naman siya. H-E-L-P! I'm mentally screaming for help right now. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya ngayon. It was so soft but manly at the same time. It sounded really good and pleasing to the ears. The more he soften his voice, the more I'll go insane. Why is he driving me crazy? Is he aware that his tone of voice right now could even snatch my soul? Hinawakan niya nang mahigpit ang baba ko at sapilitang ipinaharap sa kaniya ang mukha ko. I slowly opened my eyes and I saw his devilish grin again playing on his lips. Gosh! I feel this kind of nervous. "U-uhm ...I-I'll just buy you another one, okay?" I suggested but he just shook his head lightly. "Wala kang makikitang kaparihas niyan dahil nag-iisa lang 'yang alak sa buong mundo at isa pa, you can't afford it," He said it confidently and sarcasm never left to the few last words he just said. "How about this…” Tumigil siya sa pagsasalita at pinasandahan ng tingin ang buo kong katawan. Nakaramdam naman agad ako ng pagkailang dahil pamilyar sa akin ang klaseng tigtig niya ngayon. “You can pay it with your body," nakangising dagdag niya na ikinalaki ng mata ko. Baliw ba siya? Kanina lang ay kung makatitig siya sa akin nang masama ay parang papatayin na ako. Nagbabago ba ang ugali niya kapag sumasapit ang gabi? I rolled my eyes nang mapagtanto ko ang gusto niyang mangyari. Kahit isang bote ng wine ang nainom ko ay alam kong hindi pa ako gaanong ka lasing. He can't have me! I scoffed. "Do you know that this b***h has a golden rule?" nakataas ko na ngayong kilay na tanong sa kaniya habang nilalabanan ang titig niya sa akin. "What golden rule?" aniya gamit ang nang-aakit niyang boses habang nakatingin na ng deretso sa mga mata ko. Ano bang nangyayari sa kaniya? Can't he just act normal like he used to be at kalimutan na lang ang nangyari sa amin? Hindi ba siya natatakot na may makakita sa amin na ganito at malaman ang lahat? At hindi ba niya pinagsisihan ang lahat ng nangyari sa amin after knowing na kapatid ako ng step-daughter niya? "I'll never touch the same guy I've touched before," matapang na sabi ko at malakas na tinabig ang kamay niyang nakahawak pa rin sa panga ko. He just smirked. "Then, how will you pay my wine? It's worth 10 million," tanong niya ngunit agad din namang nagsalita ito ulit. "Fine! Idadagdag ko na lang sa utang ng dad mo," aniya at tinaasan ako ng kilay. "How about that?" W-what? 10 million ang wine na 'yon? Naikuyom ko ang kamao ko at matapang siyang tiningnan. Dadagdagan niya ng 10 million ang hindi ko pa nababayarang utang ni papa? Napakawalanghiya talaga ang lalaking 'to! Masama ko siyang tinapunan ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng dalawang kilay niya. Nagkatitigan pa kami ng ilang minuto bago ako marahas na napabuntong hininga. Okay! There's one way he can still taste the wine, without my body paying it and without paying 10 million. Gusto lang naman niyang matikman ang wine hindi ba? Fine, pagbibigyan ko siya. I took a deep breath once again. "Gusto mo lang malasahan ang wine na binili mo hindi ba?" matapang at nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi siya sumagot, titig na titig lang siya sa akin kaya napatango-tango ako saka pasimpleng tiningnan kong may tao ba sa gawi namin nang makita ko namang tahimik ang lahat ay agad kong hinawakan ang collar niya at ang likod ng kaniyang ulo at itinulak ito palapit sa akin dahilan upang lumapat ang labi namin sa isa't-isa. Yes! I initiated a kiss. This way ay malalasahan niya ang wine na binili niya. I gave his tongue a free access inside my mouth. Naglikot naman agad ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hinawakan niya ang likurang bahagi ng ulo ko at mas lalong nilaliman ang halik. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghalikan. Pakiramdam ko na nga ay namamaga na ang labi ko. I tried to control myself and wait for a few second. Nang makita kong wala pa siyang balak na tumigil ay ako na ang humiwalay sa halik. My lips slightly parted when I panted for air. "I'm not yet done tasting it," mapupungay ang kaniyang mga matang nakatingin sa labi kong nakaawang habang hinihingal na sambit niya sa akin. Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niya akong hinapit papalapit sa kaniya at sinakop muli ang bibig ko. Sakop na sakop niya ang buong labi ko at mabilis ding gumalaw-galaw ang labi at dila niya sa akin na para bang gutom na gutom siya. This time, I resisted. Pero sapilitan pa rin niya akong hinalikan. He even forced my mouth to open again para makapasok ang dila niya sa loob. "Mmm,” I tried to resist but he just pinned me in the counter, deepen his kiss. Itinukod pa niya ang isa niyang kamay sa counter habang ang isa ay nakahapit sa bewang ko habang idinidiin niya ako sa counter at kulang na lang ay ihiga niya ako rito. Naramdaman ko ang ngisi niya sa pagitan ng halik. Damn him! Hindi ba siya natatakot na may makakita sa amin? "Asuna, are you there?" Pakiramdam ko ay parang nawalan ng dugo ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ni Amethyst na papalapit sa kusina kaya mas lalo akong nagpupumiglas na makawala sa kaniya. Ayokong makita kami ng kapatid ko ng ganito. Damn! Bakit ba parang walang kinakatakutan ang lalaking 'to. Nagulat ako nang bigla niya akong kinarga nang hindi binibitawan ang labi ko kaya agad na napakapit ang mga paa ko sa bewang niya upang hindi ako malaglag. I hug him as if I was clinging on for dear life. Bit-bit ko rin ang saklay ko habang nakayakap ako sa leegan niya. Ayokong mahuli kami ni Amethyst dahil lang sa saklay na 'to. Ibinaba at isinandal niya ako sa malamig na bagay at kasabay noon ay ang pagbitaw niya sa aking labi. I panted for air again. He was aggressive that I almost lost my breath. Masasalita sana ako nang agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang malapad niyang palad. "Be quiet, kung ayaw mong mahuli," bulong niya sa akin kaya napalunok ako. "Asuna? Wala rin dito. Saan ba siya pumunta?" rinig ko ang boses ni Amethyst na malapit lang sa amin. Pigil hininga akong nagdasal na sana umalis kaagad siya. Pakiramdam ko ngayon ay nagkasala na naman ako. Napagmasdan ko si Luca na pinagpapawisan at hingal na hingal ngayon na sinilip ang direksiyon kung saan ang kapatid ko habang nakatakip pa rin ang palad niya sa akin. Hindi ko talaga maipagkakaila ang kaguwapuhan niya. Siya ang tipong lahat ng babae ay makukuha niya dahil sa kagwapohang taglay niya, kaya siguro naging asawa niya ang ina ni Amethyst. He's so freaking gorgeous, na para bang lahat ng nasa kaniya ay napakaperpekto at talagang pinag-isipan gawin. Pakiramdam ko ay siya ang paboritong anak ng diyos. Napakaperpekto niya tingnan, except for his nasty and unsightly attitude. Tsk. Nang makaalis na si Amethyst ay agad kong winalis nang pagalit ang kamay ni Luca sa bibig ko. "Are you crazy? I am your step-daughter f*****g sister!" mahinang asik ko bago siya itinulak nang malakas palayo sa akin. "Ano bang ginagawa ko?" inosente niyang tanong sa akin nang magkibit balikat siya. Hindi naman ako makapaniwalang napaawang ang bibig ko. "I just tasted the wine I brought..." He paused, "with your lips, and it's not that bad like I thought." Pinahiran niya ang labi niya gamit ang hinlalaking daliri niya habang nakatitig sa akin nang deretso bago niya ito tinikman. f**k! He looks hot doing that. Pumikit ako at pinakalma ang sarili bago naglakad paalis gamit ang saklay. I should blame myself for this. I shouldn't initiated the kiss. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari ay sana tinanggap ko na lang ang utang na sampung milyon. Agad din naman akong napahinto sa paglalakad when I forgot something to ask him. Matagal ko ng gustong itanong ito sa kaniya. "How old are you? 30? 33?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Curious lang talaga ako. "Old enough for you to call me daddy," makahulugan niyang sagot pero seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko nga alam kong nagbibiro ba ang isang 'to. I just rolled my eyes in disbelief. This guy is no shame. "Just tell me, so that I'll know if age really doesn't matter," nakataas ang kilay at makahulugan ko ring sambit sa kaniya. Napataas ang kilay niya at he looked at me with amusement. “38," He simply said. I froze for a moment. Napaawang din nang kaunti ang bibig ko sa gulat. The heck! He is really an old gezzer! "Damn!" I exclaimed. "You're fvcking old man," I commented before leaving him. Inirapan ko pa siya, pero hindi nakawala sa paningin ko ang pagbago ng expresyon ng mukha niya bago ako tumalikod. Tsk. Nasaktan siguro ang ego niya dahil tinawag ko siyang matanda. Eh ano bang magagawa ko eh sa matanda na siya dahil sa edad niya. Pero talagang hindi ako makapaniwalang 38 na siya. Well, wala naman sa mukha niya, he looks young to be honest. Akala ko nga noon ay nasa early 30s lang siya. Well, people face fools you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD