10: Is he hiding something...?

2422 Words
Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Pinahiran ko ang pawis na namumuo sa noo at leeg ko. "That was a worst nightmare!!" sambit ko. Napanaginipan ko kasing nahuli kami ni Amethyst kagabi. Napapikit ako at kinalma ang puso ko na parang nagkakarera na sa loob ko. Tiningnan ko ang orasan sa side table at 7 na pala ng umaga. May kaunting hangover pa akong naramdaman. Dahil siguro ito sa isang bote ng wine na ininom ko kagabi. Nag-ayos muna ako ng sarili bago ko naisipang lumabas na ng kuwarto. Hindi ko na ginamit ang saklay ko. Sagabal lang 'yon at saka para na rin ma ensayo ko ang paa ko. Nakakalakad naman ako kahit papaano na kahit hindi ito ginagamit, paika-ika nga lang. Boses naman agad ng dalawang makukulit na bata ang narinig ko sa living room. They seemed to be arguing over something. Nakabihis din sila ng kanilang school uniform at mukhang papasok na yata. Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig at nang pahimasmasan ang utak ko. Nakita ko naman doon si Amethyst na nakabihis din at may niluluto pang pagkain. “Gising ka na pala. Maayos na ba ang paa mo? Hindi ka na kasi gumamit ng saklay,” bati niya sa akin nang makita ako at makitang wala na akong dalang saklay. “Yeah, obviously," tipid ko na lang sagot. Nakita ko na naman ang mga personal collection na wine na naka-display lang dito at naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Iwinaglit ko na lang 'yon sa isipan ko. "Saan ka pala pumunta kagabi? Hinanap kita. Wala ka rin sa kuwarto mo," tanong nga sa akin ni Amethyst habang abala sa kaniyang niluluto. Inubos ko muna ang tubig na kinuha ko bago sumagot. "Nasa bathroom," Napakunot naman ang noo niya dahil sa sagot ko. “Kuya! That’s mine. Bakit mo ba kinukuha sa akin ’yan.” “No. This is not yours Hazel. Bigay ito sa akin ni daddy." Noo ko na naman ang kumunot nang marinig ko na naman ang awayan ng dalawa sa living room. Gosh! Hindi pa rin ba talaga sila tumitigil? Kambal ba talaga ang mga 'to? Bakit iba ang ugali sa isa't-isa. “Twins! That's enough! Halina kayo para makakain na dahil baka ma late pa kayo niyan,” sigaw ni Amethyst. The two of them went towards us, crying. Lewis hugged Amethyst's leg while Hazel clung to mine, which surprised and annoyed me at the same time. Buti nga at hindi siya sa injured leg ko lumapit dahil kung hindi ay sinipa ko na talaga ang paslit na 'to. “Get off me,” maldita kong sabi sa batang parang tuko kung makakapit sa paa ko. I tried shaking my legs, but she held on even tighter. “No! Kuya Lewis hit me,” sumbong niya sa akin. I rolled my eyes. Kaya ayaw ko ng mga bata dahil sakit lang sila sa ulo. Iwan ko ba kung paano ito natatagalan ni Amethyst. Tiningnan ko si Lewis na ngayon ay parang tuko na rin na nakayakap sa paa ni Amethyst. It looked like Amethyst was okay with it and was used to her siblings acting this way. "Hey," I snapped my finger para makuha ko ang atensyon ni Lewis. Tiningnan naman niya ako with his innocent eyes. "Why did you hit your sister?" I raised an eyebrow as I asked him. "No, I didn't! I just tapped her lightly, tita," Lewis defended himself. Napaawang naman ang bibig ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. "Do I look old for you to call me tita? Don't call me tita from now on," inis kong sambit sa kaniya bago siya inirapan. Binalingan ko naman ng tingin si Hazel at nagkasalubong at naningkit agad ang kilay at mata ko nang may makita akong pasa sa bandang braso niya. Masamang tingin naman ang ipinukaw ko kay Lewis dahil dito. "You tapped her lightly but she got a bruise?" I sarcastically asked him. Nagtago naman siya agad sa likod ni Amethyst nang makitang galit na ako. "Come here and I'm going to skin you alive. How dare you hit a girl." "I didn't do that! She already had it yesterday," He continued to defend himself. "So, you hit her since yesterday?" I asked in surprise. Dali-dali naman siyang umiling-iling pero hindi ako kumbinsido. Kinausap naman agad ni Amethyst ang mga makukulit niyang mga kapatid at senermonan nga niya si Lewis dahil sa pasa ni Hazel. Pilit niya namang itinatanggi na hindi siya ang may gawa non kaya pinandilitan ko na lang siya ng mata upang tumahimik na. Natapos nga ang agahan na tahimik na ngayon ang dalawa dahil sa sermon na natanggap nila galing sa ate nila. Maaga raw na umalis ‘yong dad nila kaya hindi rito nakapag-almusal. Mabuti nga iyon dahil ayaw ko munang makita ang pagmumukha niya. Inihatid na rin ni Amethyst ‘yong mga kapatid niya sa skwelahan at nagpaalam na rin sa akin na may pupuntahan lang siya. “Asuna, may gagawin ka ba ngayon?” tanong sa akin ni Manang Berta nang bumalik ako sa kusina upang tulungan sana sila sa ginagawa nila. As far as I remember, hindi naman libre ang pagtira ko rito at kahit pilay ako ay kaya ko pa namang tumulong. “No, manang. Bakit? May ipapagawa ka ba sa akin?” I asked politely. Matanda na kasi siya that’s why its better to be polite. Hind ko naman siya kailangan tarayan dahil maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. “Araw kasi ngayon ng paglilinis sa mga kuwarto. Wala kasi akong mahingian ng tulong kasi may gagawin din 'yong ibang katulong. Kung okay lang sana sayo Iha." nahihiyang sabi niya sa akin at tiningnan ang pilay kong paa. “Yeah, no problem. Kailan po ba tayo magsisimula?” tanong ko nang makuha ko ang gusto niyang iparating. Ayos na din naman ang paa ko at nakakagalaw na ako nang maayos. Paika-ika lang naman akong lumakad pero okay na din kaysa may saklay. “Ngayon sana, Asuna. Okay lang ba iyon sa paa mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Manang. Mukha siyang napipilitan sa ginagawa niya ngayon at mukha ring hindi niya ako gustong tumulong. I just nodded in response. Iniisa-isa na namin ang mga kuwarto sa bahay na ito. Una sa mga guest rooms na hindi naman masyadong nagagamit. Pinunasan-punasan lang namin ang mga gamit doon at saka pinalitan na rin namin ‘yong putting bed sheet dahil mukhang inaalikabok na. I just do what manang Berta said. At hindi naman mahirap sa akin ang mga pinapagawa niya. In fact, siya nga yata ang gumawa ng halos lahat ng gawain. Maybe, dahil nag-aalala pa siya sa paa ko. I knew how to clean dahil ginagawa ko rin naman ito sa room ko noon. I don’t want a messy room. It should be clean and well organized as possible kaya madali lang naman ito sa akin lahat. Sunod naming pinuntahan ay ang room ni Amethyst. Her room looks nice and clean. Minimalist din ang design nito pati ang bed sheet niya ay naaayon sa color at design ng room. Wala na kaming masyadong nilinis dito dahil mukhang parati namang nililinis ito ni Amethyst. Pinuntahan din namin ang room ng kambal and I was shocked and speechless. My jaw drop as soon as Manang opened the door. It was all messy. Parang dinaanan ito ng malakas na bagyo. The bed, clothes and their toys are all in the ground. Ghad! I hate kids! Mukha namang walang reaksyon si manang kaya sanay na siguro siya sa paglilinis ng ganito. Mga ilang oras din kami ni manang na nag-ayos sa mga gamit at laruan ng kambal. Ako na ang nag-ayos sa laruan nila that’s way inilagay ko ito sa pinakataas na lalagyan ng closet nila para hindi nila ito maabot kahit anong patong pa nila sa upuan. Am I that bad? Well, I guess not. They deserve to be taught. Hindi puwedeng babyhin na lang sila panghabang buhay. They need to grow and they need to know how to keep something important to them at hindi basta-basta na lang ikalat ito or they will lose it sooner or later. Nangalay ang buo kong katawan nang matapos kami sa kuwarto ng kambal. May isa pang kuwarto ang hindi pa namin nalinisan—Amethyst’s step-dad room. “Salamat sa tulong mo, Asuna. Puwede ka ng magpahinga,” sabi ni Manang Berta nang makalabas kami sa silid ng kambal. I looked at her with a puzzled look. Bakit pinagpapahinga na niya ako eh may isa pang kuwarto ang hindi pa namin na linisan? “Are we all done? I thought may isa pa tayong kuwatong lilinisan manang?” nakakunot ang noo kung tanong. “Wala na, Asuna. Hindi kasi pinapasukan ni sir Luca ng ibang tao ang kuwarto niya. Siya lang ang naglilinis at nagpapalit ng bed sheet niya,” paliwanag niya sa akin. Sayang naman! Gusto ko pa naman sanang matingnan kung anong itsura ng kuwarto niya. Naniniwala kasi akong nakadepende sa ugali at taste ng tao ang desinyo ng kuwarto nila. “Why? Is he hiding something out there? A gun? Bomb? Or maybe a corpse?” nakakunot ko pa ring tanong na marahang ikinatawa naman ni Manang. Naalala ko kasi ‘yong pagtutok niya sa akin ng baril noon. I know he’s not an ordinary guy. I can sense it. Maybe, he’s part of a syndicate, like dad, or maybe more than that. I just can’t figure that out. “Hindi lang talaga nakasanayan ni sir Luca ang magpapasok ng ibang tao sa room niya. Isa lang kasi ang nakakapasok diyan, si Ms. Veronica pero nang mamatay ito ay wala ng nakakapasok. Pati si Ms. Amethyst at ang kambal ay hindi niya pinapasok sa loob,” paliwanang sa akin ulit ni Manang. “Veronica? You mean Amethyst’s mom?” I curiosity asked habang pababa kami ng hagdan dala-dala ang mga cleaning materials na ginamit namin kanina. Inalalayan naman ako ni Manang para hindi ako malaglag. I saw Amethyst mom before and we even talk a little. Nakita ko siya noong pumunta siya sa bahay para sunduin si Amethyst. She’s pretty and kind at kahit may edad na ito ay hindi halata dahil napaka kinis ng balat at ganda niya. “Oo. Ina ni Ms. Amethyst at ng kambal na asawa rin ni sir Luca.” “How and why did she died?” I asked again. My curiosity grow more habang nag-kukwento pa sa akin si Manang. I knew naman na marami siyang nalalaman dahil mukhang siya ang pinakamatagal ng katulong dito. “Wala kaming masyadong alam sa pagkamatay ni Ma'am Veronica pero bali-balita naman na pinatay daw ito pero sabi naman ng mga police ay aksidente lang daw ang nangyari. May bumangga kasi sa sasakyan niya kaya nahulog ito sa bangin at dead on arrival na nga si Ma'am Veronica. Mahirap ito para kay Ms. Amethyst at sir Luca lalo pa na maliit pa ang kambal noon.” Hindi pala nakaramdam ng pagmamahal ng isang ina ang kambal. What a tragic. Nakarating na pala kami sa kusina ng hindi ko man lang namamalayan. Masyado kasi akong nakatuon sa mga sinasabi ni Manang. Hindi na ako nag tanong pa at inilagay na lang ni Manang ang ginamit naming cleaning materials sa lalagyan. May bigla namang lumapit na isang katulong sa akin at namumukhaan ko siya. Siya si Rona ang itshosherang katulong dito. Sinuri niya ang mukha ko pagkatapos ay malawak siyang napangiti habang turo-turo ang pagmumukha ko. Iniiwas ko naman ang mukha ko dahil naiilang ako sa kaniya. “Naalala ko na! Hindi ba ikaw ‘yong nasa balita noon? ‘Yong palaging nasa bar at ‘yong anak ng isang sindikato na tatakbo sanang….” Hindi na natapos pa ni Rona ang dapat sana niyang sasabihin nang makita kong pinandilatan agad siya ni manang Berta ng mata. I chuckled. Alam ko naman ang tinutukoy niya. ‘Yon yong mga litrato at video ko na nakikipaglaplapan at kumakandong sa iba’t-ibang lalaki na inilabas ng mga walang utak na mga reporters. I'm proud of her. Ngayon naalala na niya ako. “Yeah, that’s me,” proud kong sabi at ngumiti pa nang malapad sa kanila. “Malandi? b***h? w***e? Slut? Prostitute? That’s me. I’m Asuna,” nakangiting pakilala ko sa kanila habang iniisa-isa ko ang mga bansag ng mga tao sa akin sa social media. Hindi naman masakit. Nakakatuwa nga sila eh. “Kaya pala unang kita ko pa lang sayo ay pamilyar ka na sa akin,” singit ng isang hindi katandaang katulong na kanina lang yata nakikinig. Ngayon ko lang yata siya nakasilayan. I just smiled in response. Hindi naman ako naiinis o na gagalit. Wala naman silang magagawa dahil ito naman na talaga ako. I don’t want to change myself just to please everybody. If they hate, then hate. If they love me, that’s good. “Ang ganda mo pala sa personal no? Parang artista talaga. Ilang taon ka na ba?” “I’m 23,” I replied. “2-23? Ang bata mo pa pala no, pero mukha ka namang matanda sa edad mo.” Tumaas agad ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. “Should I take that as a compliment?” sarkastikong tanong ko sa kaniya na ikina-peace sign lang niya. “Oh siya. Huwag na ninyong guluhin pa si Asuna. Bumalik na lang kayo sa mga trabaho ninyo,” singit ni manang Berta at pinagtulakan pa ang dalawa palayo sa akin. Nang makaalis ang dalawa ay binalikan naman ako ng tingin ni manang Berta. “Sige na, Asuna. Magpahinga ka na. Sasabihin ko na lang kay sir Luca pagdating niya na tumulong ka sa akin ngayon. Sorry ha. Nag trabaho ka pa tuloy kahit pilay ka. Inutosan kasi ako ni sir Luca kaya kailangan kong sundin,” sabi niya sa akin. Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya bago umalis sa kusina. I knew it! Ramdam ko pa lang kanina na siya ay may pakana nito. “That freaking old man,” mahinang maktol ko nang makapasok ako sa loob ng kuwarto at humiga sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod sa katawan. Nainis siguro siya sa sinabi ko kagabi kaya ngayon ay gumaganti ito sa akin. Tsk. Kahit wala akong masyadong ginawa ay pagod pa rin ako kakalakad. It took us 4 hours to clean the whole rooms—except sa kuwarto ni old man. You know who I am referring.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD