"Bakit ba kasi kayo pumasok sa loob ng kuwarto ni dad?" tanong agad ni Amethyst sa amin. May bahid na pag-aalala at takot ang buong mukha niya. Nandito kaming LAHAT sa sala. Yeah, lahat talaga! Nandito si Amethyst, si Manang Berta na halatang may pag-aala rin sa mukha niya at ang ibang mga katulong na nakikiusyoso na rin sa nangyari kanina. What's the big deal? Litrato lang naman 'yon kaya bakit ba kung makaasta sila ngayon ay parang pinahamak namin ang buong mundo? Wala pa 'yong dad nila ngayon. Hindi pa siya umuuwi kahit madaling araw siyang umalis kanina, according to manang. No one knows kung saan siya pumunta. "Si Hazel po kasi, gustong kunin 'yong laruan sa akin kaya tinakbo ko po ito at pumasok po ako sa kuwarto ni daddy dahil naiwang nakabukas naman po ito," nakayuko ang ulong

